Sabado ng umaga at iniisip padin ni Sophia ang nangyari sa dumaang mga araw.
"Oh, anak na papansin kung parang wala ka sa sarili nitong nakaraang araw?" Takang tanong ng kanyang ina habang inaayos ang mga ilalakong gulay.
"Ah po?" Napabalik sa reyalidad si Sophia ng tanungin siya ng ina.
"Ang sabi ko ay parang wala ka sa sarili mo kamo" Sabi nito at tumayo.
"May problema kaba?" Tanong na naman ng ina.
"Ay wala po" Sagot niya dito.
"Pagod lang po nay."
"Oh magpahinga ka nalang dyan at akoy gagayak na" Sabi ng kanyang ina.
"Nay, samahan ko nalang kayo?" Suhestiyon ni Sophia sa ina.
"Wag na anak alam kung pagod ka mas mabuti magpahinga ka muna"
"Sige po nay mag-iingat po kayo" Sabi sa kanyang ina.
Isinarado niya ang pintuan at pumunta ng kusina.
Naisip niya na ipagluto ang ina ng paboritong ginisang kangkong. Abala si Sophia sa pagluluto sa kusina nang marinig niyang may tao sa labas.
"Maam kayo po ba si Miss Sophia Makatarungan?" Tanong ng lalaki sakanya.
"Ako nga"Nagtataka niya sagot.
"May nag papabigay po ng bulaklak sainyo" Inabot nito ang kumpol ng rosas sakanya.
"Ay kuya nagkakamali po ata kayo sino po ba ang nagbigay." Tanong niya sa lalaki at hindi parin tinatanggap ang bulaklak.
"Wala pong nakalagay Miss" Sabi ng lalaki.
"Naku kuya hindi ko yan matatanggap." Napailing-iling si Sophia sino naman ang magbibigay ng bulaklak sakanya kung wala naman siyang mangliligaw.
"Ma'am ayon sa address na nakalagay ay dito daw po" Sagot naman ng lalaki.
"Please Ma'am baka magalit po si sir saakin"
"Anong ibig mo sabihin"
Nagtatakang tanong niya sa lalaki. Hindi ito sumagot at nakayuko lang. Kinuha niya ang bulaklak at pumasok na ng bahay.
Inamoy niya ang kumpol ng rosas maganda at napakabango nito. Hinanap niya kung may card ito kasama pero wala naman.
Nakangiti niya inabot ang cellphone ng tumungo ito.
"Did you like the flowers honey"
Basa ni Sophia sa text na ikinawala ng kanyang ngiti.
"Ate okay kalang?" Namumutlang tinignan niya si Arabela.
"O-oo.." Nagmamadaling pumasok siya ng kuwarto, Napahinga siya ng malalim kumakabog parin ang dibdib niya.