Maaga pa ay nagising na ako masaya ako dahil ngayon na ang uwi ko saamin. Napa-unat ako at tumayo. Iniligpit ko muna ang pinag-higaan at lumabas na ng silid naabutan ko si Nanay Mildred na nagkakape sa may teresa.
"Magandang umaga, Nanay Mildred"
Masayang bati ko rito ngumiti naman ito pabalik saakin.
"Oh, ang aga mo naman ata nagising?" Tanong ng matanda at humingop ng kape.
"Excited po kasi ako miss na miss po kasi sila." Ninanamnam ko malamig na simoy ng hangin ng tumatama sa mukha ko.
"Magkape ka muna, Hija" Aya ng matanda.
Tinungo ko ang maliit na lababo at nag timpla ng kape. Kakaiba kasi ang kape nila hindi 3 in 1 na mabibili mo sa tindahan kundi yung native na kape.
"Nay Mildred, malaki ho ang utang na loob ko sainyo, Kung hindi niyo ako tinulungan baka kung napaano na ako, Salamat po talaga hulog kayo ng langit."
Madamdaming sabi niya at yumakap sa matanda.
"Walang anuman, Hija. Likas na matulungin kami ng asawa lalo sa mga taong nangailangan ng tulong."
Narinig naman ang ugong ng trycyle si Tatay Pedro na ata ito.
"Oh, Nandyan na pala si Pedro.." Sabi ng matanda.
"Kumusta ang bisita natin, Mildred." Narinig niyang tanong ni Tatay Pedro.
"Okay naman siya, Pedro. Iyon nga lang ay kailangan na niyang umuwi mamaya sa pamilya niya."
"Mahihirapan tayo dyan, Mildred walang lisensiya ang trycyle ko may check point sa bayan ipinag-uutos ni Ser Sebastian." Nanghihinang napa-upo siya. Paano na ngayon.
"Hija, huwag kang mawalan ng pag-asa gagawa kami ng paraan." Pagpapalakas ng loob sakanya ng matanda.
"N-natatakot po ako, Nay Mildred." Pangalan pa nga lang ng binata ang naririnig niya nanginginig na ang katawan niya sa takot.
"Tao po!" Narinig niyang sigaw sa labas.
"S-sino po yun?" Natatakot niyang tanong sa matanda.
"Magtago ka, Hija. Dito sa ilalim ng lamesa." Gumapang siya papunta sa ilalim ng lamesa at niyakap ang dalawang tuhod.
"Si Nanay Mildred talaga ang tagal buksan ng pinto!" Rinig niyang sabi ng isang lalaki.
"Oh, Paulo, Hijo anong ginagawa mo dito?"
"Nanay nakalimutan niyo na ba yun order po ni Mama na mga gulay. Si Nanay talaga nagiging ulyanin na!" Narinig niyang tumawa ito. Base sa boses nito kaedaran niya lang ito.
"Pasensiya kana, Hijo nagiging malilimutin na, Halika pasok ka muna, Magmeryenda ka muna nagluto ako bananaque."
"Wag na po nay, Patango pa ako ng maynila." Agad na napapintig ang dalawang tenga niya.
"Maynila?"
"Opo Nay, bakit ho?"
"Baka pwedeng makahingi ng pabor sayo, Paulo?"
"Sure na sure Nanay, Ano po yun?" Tanong nito.
"Hija.." Narinig niyang tawag ng matanda kaya lumabas siya sa ilalim ng lamesa. Nagulat naman ang lalaki ng makita siya.
"S-sino siya n-nay?" Tanong nito.
"Siya si Sophia, kung pwede lang sana ay isabay mo siya papuntang maynila." Pakiusap ng matanda.
"Walang problema po, Nanay Mildred." Sagot ng lalaki.
"Salamat a-ah.." Pagpapasalamat ni Sophia nahihiyang napakamot ng ulo ang lalaki.
"Youre welcome.." Sagot nito.
Isang pick-up ang dala nito na puno ng mga gulay at iba pang mga halaman nag-aangkat ng gulay ang pamilya nila dito sa Sta. Rosario. Para ibenta sa maynila.
At naikwento niya rin dito ang nangyari sakanya.
"Ilang taon ka na ba, Sophia?" Tanong nito.
"Eighteen, b-bakit?"
"Wala lang hindi halata na eighteen ka pa, ang matured mo na kasi tignan." Namula naman ang pisnge niya dahil doon.
"Ano kaya ang nangyari bakit ipinag-utos ni Sir Sebastian ang pagpapa-checkpoint." Umahon naman takot sakanya dahil maraming tauhan ni Sebastian naka-bantay sa dadaanan ng sasakyan.
"P-paulo, natatakot ako baka makita nila ako! " Naghehestirikal kung sabi.
"Shhh...Sophia huwag kang mag-alala hindi kita pababayaan." Binigyan siya nito ng balabal at shades siguradong hindi na siya makilala dahil sa ayos niya.
Sa awa ng diyos ay nakatawid sila ng ligtas at hindi siya napansin. Malaki ang pasalamat niya kay Paulo pagkarating nila ng maynila. Napa-iyak siya dahil ligtas na siya sa kamay ng isang demunyo.
Ligtas nga ba?