Pasado ala sais ng gabi nakarating kami ng maynila. Nagpapasalamat ako kay Paulo sa pagtulong niya sa akin.
"Sure ka, Sophia na kaya mo na mag-isa, Paano nalang kung sumulpot ang mga kumidnap sayo"
"Okay na ako, Paulo salamat sa pagtulong sa akin"
"Maliit na bagay, Oh sige una na ako," Tinanguan ko si Paulo bilang sang-ayon.
Binaybay ko na ang mabaho, maputik at makipot na eskinita papasok ng bahay namin.
"Sophia! Sophia!" napatigil ako ng may tumawag sa akin at nakita ang tumatakbong si Mikay.
Naguguluhang lumapit ako rito.
"Sophia, saan kaba galing, Saan ka dinila ni sir Sebastian ang tagal mong hindi bumalik? May ginawa ba siya masama sayo?" Hinihingal at tila hindi siya mapakali.
Napakagat labi ako kung sasabihin ko ba ang totoo.
"A-Ah S-sophia huwag kang mabibigla sa sasabihin ko"
"Ano ba iyon Mikay sabihin mo na" naiinip kung sabi.
"K-kasi s-si "
"Bilisan mo Mikay kailangan ko pa puntahan sila inay tiyak nag-aalala na sila saakin."
Nagulat ako ng bigla humagulgol ng iyak si Mikay nabahala naman ako sa pag-iyak niya. Hinawakan niya ang dalawa kung kamay at tumitig sa akin ng lumuluha.
"Sophia si T-tita at si Arabela w-wala na s-sila...." Kahit pabulong ang huli niya sinabi ay narinig ko naman ito.
Ano.... Si Nanay at kapatid ko wala.....Pero anong wala na sila?
"Ano ba yang sinasabi mo Mikay! Hindi ka nakakatuwa!"
"Totoo Sophia! Umuulan ng gabing yun labis na nag-aalala si Tita sayo kahit na umuulan ay hinanap ka parin nila. Pauwi na sana sila ng mawalan ng preno ang sinasakyan nila trycyle d-dumiretso ito pababa ng bangin. W-wala nakaligtas sa kanila..."
Napahawak ako sa aking dibdib at tila bigla nalang sumakit.
Tila hindi maproseso ng utak ko ang sinabi niya, parang na blangko ako. Naramdaman ko na lang na niyakap niya ako kaya yumakap narin ako sa kanya pabalik. At doon napahagulgol ako. Paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko ang sinabi niya, tila hindi ko kakayanin ang nangyayari ngayon.
Dalawang mahal ko sa buhay ang nawala.
Panginoon, bakit po ganon? Bakit sunod-sunod? Bakit nangyayari sa akin ito.
Pagod na pagod na ako sa pag-iyak. Pagod na ako sa ka-iisip. Hindi ko alam kung ano pa ba ang mararamdaman ko.