THE DOUBLE-CROSS
T H E A U T O P S Y R E P O R T
Doro
"Mukhang malalim yata ang iniisip mo ah?" Napatitig ako saglit kay Ben, isa pang security guard na nagtatrabaho rito sa Valentino High School. Mas matanda ako sa kan'ya. Siya ay nasa 40 taong gulang pa lang habang ako ay singkwenta na. May tatlong anak itong sinusuportahan. Palagi niyang kinukwento ang tungkol sa mga ito, lalo na tungkol sa kan'yang bunsong anak na magsisimulang mag-aral sa susunod na taon.
Kasalukuyan kong pinagmamasdan ang mga estudyante mula sa bintana ng aming opisina. Malapit lang ang pasilidad na ito sa tarangkahan, maliit ngunit presko ang loob sapagkat ay mayro'n itong air-conditioner. May limang computer monitor ito na nilalaman ng surveillance footage ng paaralan mula sa harap na tarangkahan hanggang sa mga daan patungo sa bawat gusali.
Iyon lamang ang sakop nito sapagkat may isa pang opisina kung saan namo-monitor ang kabuuan ng paaralan. Hindi na sakop iyon ng mga school guard na gaya namin ni Ben.
"Nakakapanibago ang ihip ng hangin ngayong araw," usal ko naman. "Madalas na tahimik ang mga estuyante, ngayon ay hindi."
Nagtungo ako sa harap ng coffee machine. Ipinindot ko ang maliit at pabilog na kulay berde na agad naman naglabas ng likido patungo sa baso. Dalawa ang ginawa ko at ibinigay ko ang isa kay Ben na siyang nag-aayos na ng kaniyang sarili.
"Salamat," an'ya nang iabot ko ang baso ng kape sa kaniya. "Dahil 'yan sa nangyaring insidente kahapon. Hindi ko maintindihan si Vex at hindi pa ito nagpaliban ng klase ngayong araw." Iniling nito ang kaniyang ulo tila ba dismayado. "Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari iyon dito. Idagdag pa na namatay ang bata! Kawawa naman," dagdag pa niya.
Isang estudyante ang natagpuang patay mula sa daan sa pagitan ng dalawang gusali ng paaralan. 'Yun ay ang gymnasium at ang abandonadong gusali o kung tawagin ng mga estudyante ay chamber. Walang nakakaalam sa kung ano talaga ang nangyari, kahit pa ang estudyanteng nakita sa tabi ng bangkay. May iginigiit itong lalaki na naka-pulang d'yaket daw, ngunit walang naniniwala bagama't ay walang nakakita bukod sa kaniya.
Kung ako ang tatanungin, hindi ko rin magawang maniwala kahapon nang marinig iyon sa kaniya. Ngunit nang makita ang CCTV footage mula sa abandonadong gusali, agad akong naniwala sa kaniyang sinasabi.
Malabo man ang bidyo gawa sa basag ang gilid ng lens nito, ngunit may parte ro'n na malinaw ang pigura ng lalaking naglalakad sa eskina, at mula sa likod nito na ilang hakbang rin ang layo ay ang bagong estudyante na nakasunod sa kaniya--- bagay na nakapagkumpira sa kaniyang mga sinasabi.
BINABASA MO ANG
The Double-Cross
Mystery / Thriller[Under Extreme-Revision] A mysterious murder case occurs in Valentino High School. A coincidence that the new student, Aloshi and Taleigha was transferred to VHS who disobeys their previous school's rules and regulation, encounters a crime on their...