Tan POV
May isang tao na naging matalik kong kaibigan simula mga bata pa lamang kami. His name is Waynax Grawser but everyone call him Wax for short. And I call him Wawax. Parang kapatid ko na si Wax, sabay kaming lumaki sa baryo namin.
Kung patalinuhan lang ang paguusapan ay ako na agad ang iintrada. Magkaklase kase kami ni Wax simula grade 1 to grade 6 pero laging mas mataas ang rank ko sa kanya
Pero kung sports naman ang paguusapan ay wala akong gawa kay Wax napakagaling nyan sa mga sports. Player sya ng volleyball sa school namin.
Sarap maging bata lalo na kung may kaibigan kang kasama
Pero lahat tayo ay tumatanda, umaalis at nawawala
Ang akala ko noon ay magkasama kami ni Wax papasok sa National Highschool sa baryo namin pero nagkamali pala ako.
Umalis si Wax pagkatapos ng Grade 6 ni hindi man lang siya nagpaalam saakin.
At dahil doon nagkaroon ako ng tampo sa kanya.
Pumupunta parin ako sa tambayan namin kahit wala na siya
Doon ako pumupunta pag malungkot ako, pag may problema ako
Namimiss ko siya pero galit pa din ako sa kanya dahil di siya nagpaalam saakin bago siya umalis
Ang buong akala ko bestfriend ko siya pero hindi pala
Mas lalo akong nagpursigi magaral nung mawala si Wax dahil gusto kong ipamukha sakanya na kahit wala yung tinuturing kong bestfriend ay kaya ko pa rin
Naging volleyball player din ako sa school namin. Nagimprove ako pagdating sa sports. And of course hindi ko pa rin pinapabayaan yung pagaaral ko.
Nagtapos ako nang highschool sa baryo namin ng first honor kaya naman nabigyan ako ng scholarship sa isang University sa Manila.
Scholarship lang kase ang dahilan para pumayag si mama at papa na magmanila ako. Kaya naman namin financial pero natatakot sila para saakin pag nandoon na ako.
But nung nakuha ko yung scholarship pumayag na sila mama at papa. Pero nahirapan pa rin ako na mapapayag sila.
Im Tanior Marganes and Im going to Craws University my dream University ever
Pangarap namin ni Wax to but ngayon pangarap ko na lang to
***
Wax POV
Umalis ako sa kinalakihan kong baryo ng matapos ko ang elementary.
Pero may isang napaka importanteng tao na naiwan ko doon. Siya si Tan, his full name is Tanior Marganes pero tawag ko sakanya Tan Tan he is my bestfriend simula mga baby pa lang ata kami hahaha.
Magkapitbahay kami kaya naman super close namin. Pag gusto kong tumambay sa puno ng mangga sisigaw lang ako sa tapat ng bahay nila at dadating na agad siya.
Nakakamiss sa baryo namin yung fresh na hangin yung tambayan namin at syempre pinakanamimiss ko ang bestfriend ko si Tan Tan.
Umalis ako ng di nagpaalam sakanya baka kasi maiyak lang ako sa pagalis ko. Ayoko ding nakikitang nasasaktan si Tan kaya umalis na lang ako ng walang pasabi kanya.
Pero tama kaya na di ako nagpaalam baka mas lalo siya magdamdam pag ganoon.
But I know someday magkikita ulit kami at magkakasama.
Nagsikap ako sa pagaaral ko dito sa Manila para makapasok ako sa pangarap naming university ni Tan ang Craws University at nagtagumpay ako nakatapos ako ng top 1 sa isang national highschool dito sa Manila.
Pagdating sa academic sa tingin ko nagimprove naman ako dahil na rin siguro sa pagpupursigi ko kaya nakaya ko.
Craws University here I go. Wait for us, Wawax and Tan Tan
Sana matupad din ni Tan Tan ang pangarap namin hihintayin ko siya sa Craws University. I know kaya nya yon at magagawa nyang makapasok dito.
Gusto ko rin humingi ng tawad sa pang iwan ko sakanya at sana mapatawad pa nya ako.
***
(2 months later)Tan POV
This is the day, ang unang araw ng aking pagpasok sa Craws University.
Maaga akong gumising upang maaga rin makapaghanda sa pagpasok ko. Im so very excited wala na atang tatalo sa kaexcitedan ko ngayong araw na to, syempre no ikaw kaya yung makapasok sa dream school mo, di ka ba magiging excited.
Pero masyado ata akong naging excited kase ako palang pala dito sa school. So habang wala pang tao gumala lang muna ako sa buong campus. Alam ko na ngayon kung baket naging dream school ko to kasi sobrang lawak at napakaganda pa ng mga classrooms. Madami pang gym na pwede paglaruan at swimming pools. Hindi ka talaga basta basta makakapasok sa ganitong paaralan kung wala ka talagang pera.
Noong medyo dumarami na ang mga estudyante ay hinanap ko na agad yung room ko at mabilis ko naman itong nakita. Makikita mo talaga sa mga suot ng mga estudyante dito ay talagang mayayaman.
Masaya siguro kung magkasama kami ni Wax pumasok dito kaso sya e nangiwan. Syempre bestfriend ko pa rin sya kaya nagaalala pa rin ako sa kanya, ang kaso hindi pa rin mawala yung galit ko sa kanya.
Umupo ako sa may bandang likod nang classroom kase medyo nahihiya pa ako pag sa unahan ako umupo. But syempre hindi hadlang yung hiya para magrecite ako sa mga recitations.
Iba iba ang naging room ko sa bawat subject. Iba iba rin ang mga naging professor ko. Pero lahat sila ay humanga agad saakin dahil sa magandang performance ko sa bawat klase.
Pero kahit na ganon wala pa rin akong kaclose dito, magisa akong nagrereccess at naglulunch. Kung nandito lang sana si Wax di sana ako magisa.
Nang tumunog na ang bell para maguwian ang mga estudyante ay dali daling lumabas sa bawat classroom na pinapasukan nila at gayundin ako nakipagsabayan ako sa takbuhan hahaha ang saya parang marathon, unahan sa gate.
Pero sa pagtakbo ko may nabangga akong isang lalaki.
"Naku, sorry" paghingi ko ng umanhin sa lalaking nabangga ko
"Sino ka ba ? Magingat ka kase lampa" galit na sabi nang lalaki sabay tulak saakin dahilan para mapaupo ako sa sahig.
Pero laking gulat ko ng may lalaking tumulong saakin. Tinulak nung lalaki yung tumulak saakin pero agad nakabawi yung lalaki at nasuntok sya sa mukha.
Agad ko syang hinigit papalayo sa lalaki
Agad kong tiningnan ang mukha nung tumulong saakin kung nagkasugat ba sya sa pagkakasuntok sa kanya nung lalaki.
"Wax?!" gulat na gulat kong sambit
YOU ARE READING
Everything
RomanceIto po ang una kong ginawang story kaya pasensya na po kayo sa mga sentence dahil di pa ako ganon kagaling pero sa tingin ko po kung content lang po ang paguusapan ay medyo may laban naman po. Sana magustuhan niyo po ang first story na ginawa ko.