Chapter 6

0 0 0
                                    

Tan POV

Matagal tagal din pala bago nanalo sa tournament na ito ang Craws University at sa wakas batch namin ang nakakuha ulit ng championship na ito.

Napakasarap talaga sa pakiramdam ng manalo ano kita mo yung confety na bumabagsak mula sa taas sabayan pa ng mga palakpakan at sigawan.

Bigla ako nakaramdam ng sobrang saya kaya naman di ko mapigilan mapaiyak.

Nakita ko si Wax pero bakit ganon habang papatakbo ako sakanya parang bumagal ang lahat pati pagbagsak ng confety at galaw mga tao. Tanging si Wax lang nakita kong malinaw teka ano tong pakiramdam na to sumisikip ang dibdib ko sa sobrang saya.

Bumalik ang lahat ng niyakap ko si Wax at habang yakap ko siya di ko na napigilan ang sarili kong mapaiyak sa sobrang saya.

Ng tinunghay ako ni Wax di ko alam kung bakit sobrang gwapo niya sa paningin ko kahit na pawisan siya.

Laking gulat ko ng yakapin niya ako at nakaramdam ako ng kakaibang saya dito sa puso ko.

Hindi, masaya ako dahil panalo kami yun lang yun walang meaning lahat nang naramdaman ko.

Di ko akalain na makukuha ko ang finals MVP kaya sobrang saya ko habang tinatanggap ko yung award na yun.

Nakuha naman ni Wax ang 1st best open spiker. MVP naman ang nakuha ni Michael Cranes galing sa Atonus University.

Ng pauwi na kami sinumulan nanaman akong asarin ni Wax dahil sa pagiyak ko kanina kaya naman nagwalk out ako pero kusang ngumiti ang labi habang papalayo ako kay Wax.

Wala lang ito nakakatawa naman talaga si Wax.

Kunulit ako ng kunulit ni Wax habang nasa bus hanggang sa mapatawa niya na ako ng tuluyan.

Binaba na kami ng bus sa school namin at agad naman akong dumeretso sa dorm ko dahil pagod na pagod ako ng mga oras na yun.

Sabi naman ni coach bago daw magsimula ang second sem kami magcecelebrate. Tama nga naman pagod kasi kaming lahat ngayon.

                       (3 days after)

Sa wakas at natuloy din ang celebration namin. Nagpunta kami sa isang mamahaling restaurant. Libre ito lahat ni coach kaya naman order lang kami ng order. Napakasarap naman talaga ng mga pagkain rito kaya naman napadami ang nakain ko.

8:00pm na kami nakaalis ng restaurant at ito namang mga kateamates ko nagplano pang pumunta sa isang bar syempre alangan naman tumanggi pa ako no.

Sumama ako at masyado ata naparami ang ininom ko kaya halos di ko na maalala ang nangyari noong gabing yun.

Nagising nalang ako na nasa dorm na ako at katabi si Wax na noon ay tulog na tulog pa.

Di ko alam bakit ba ganito ang nararamdam ko pagdating kay Wax. Mapapangiti na lang ako pag nakikita ko ang mukha niya.

No wala lang ito wala ito.

Agad kong sinipa si Wax dahilan para mahulog siya sa kama ko.

At agad agad naman ako tumakbo sa CR. Tawang tawa ako noon kung ano kaya ang magiging reaksyon niya.

"Tan, dito mo nanaman ako pinatulog sa sahig ha daya mo naman" sigaw niya.

"Umalis ka na may pasok pa kaya, at start na ng second sem kaya kailangan maaga pa pumasok" pagpapaalala ko sakanya.

"Sige na, ikaw na maglinis ng kama mo"masungit niyang tugon saakin.

Wax POV

3 days pa ang nakalipas bago natuloy ang celebration namin.

EverythingWhere stories live. Discover now