Chapter 9

0 0 0
                                    

Tan POV

Mahal rin pala ako ng bestfriend ko at same time mahal din ako ni Michael.

Di ko na alam ang gagawin ngayon naguguluhan na ako. Mahal ko sila pareho pero isa lang ang dapat na piliin ko.

Hindi ako makatulog ng mga oras na yun dahil patuloy ko pa rin iniisip ang nangyari.

Mga alas tres na ata ako nakatulog.

At nagising ako sa busina ng isang kotse sa labas ng dorm ko.

Agad ko naman tiningnan kung sino ang nasa labas... si Michael pala.

Pinagbuksan ko ng pinto si Michael at agad ko siyang niyapos ng mahigpit.

"Michael di ko na alam ang gagawin ko" malungkot kong sabi at hindi ko na napigilan ang mapaiyak sa bisig ni Michael.

Dahan dahan tinanggal ni Michael ang pagkakayakap ko sakanya.

"Sundin mo lang ito(sabay turo sa dibdib ko)tatanggapin ko kahit ano pa ang desisyon mo(sabay ngiti) ganito na lang kung siya ang pipiliin mo tumakbo ka papunta sa kanya at kung ako naman sumakay ka sa kotse ko" sabi niya saakin.

Matapos niyang sabihin ang lahat ng sinabi niya dun ko lang na realize kung sino talaga ang totoong mahal ko.

Agad akong umalis sa kinatatayuan ko at sabay takbo papunta kay Wax.

Michael POV

Nasa harapan ko sina Wax at Tan ng magkasagutan sila at kita ko sa mga mata ni Tan ang panghihinayang ng malaman niyang mahal siya ni Wax.

Di ko alam ang dapat kong gawin basta ang alam ko mas mahal ni Tan si Wax over me.

Ano ba ang dapat kong gawin ipaglaban pa siya hayaan nalang siyang lumaya?.

Maaga akong gumising para puntahan si Tan.

At ng makita ko na sobrang lungkot niya.

Handa na ako sumaya at the same time masaktan.

Binigyan ko siya ng choice tatakbo siya papalayo papunta kay Wax kung si Wax ang mahal niya at sumakay sa kotse ko kung ako.

Kitang kita ko ang paglampas niya sa pintuan ng kotse ko.

"Maging masaya ka sana sa kanya, dahil mahal kita handa na ako magparaya para sa iyong ikakasaya palagi mo lang sana tatandaan na may isang Michael na minahal ka ng sobra at handang magaparaya para sa taong mahal niya" tanging nasabi ko na lang sa sarili ko.

Ang sikip sa dibdib nito.

Nanlambot na ang mga tuhod ko dahilan para mapaluhod ako at di ko na napigilan ang sarili ko umiyak.

Wax POV

Nakatulog na ako dahil sa kakaiyak ko at hanggang sa di ko namalayan na umaga na pala.

Ewan ko ba sobrang bigat ng katawan ko pero pinilit ko pa rin tumayo.

Saktong pagkabukas ng pintuan ko ay nakita ko ang nakatayo na si Tan.

Laking gulat ko ng yakapin niya ako ng mahigpit.

"Wax sorry" pahingi niya ng tawad saakin.

Napangiti lang ako at nakaramdam ng konting kilig.

"Bakit ka nandito" seryoso kong sambit.

"Wax, I love you ikaw ang mahal ko" umiiyak niyang sabi.

"Hayy wag ka na nga umiyak" sabi ko sabay dahan dahan kong tinanggal ang pagkakayakap niya saakin.

"Di ko kaya mapigilan" malungkot niyang sabi habang nakatungo.

"Ohh, I love you more" nakangiti kong sabi.

Biglang tumunghay si Tan.

"Ano mahal mo pa rin ako ?" gulat na gulat niyang sabi saakin.

"Oo naman ikaw kaya ang true love ko" nakangiti kong sambit.

"Halika nga" sabay higit ko kay Tan at niyakap ko siya.

Tan POV

Sana ganito nga ang mangyari na mahal pa rin ako ni Wax kahit na nasaktan ko siya.

Nagpatuloy ako sa pagtakbo patungo sa dorm ni Wax.

Siya ang pinili ko because Michael give me a chamce to choose and I try to obey what my heart's feelings.

Nakaramdam ako ng sobrang lungkot ng mawala saakin si Wax pero ng takbuhan ko naman si Michael may lungkot pero di ganon kasakit.

Siguro gusto ko si Michael pero mahal ko si Wax.

Di ko alam sa haba ng tinakbo di ako nakaramdam ng pagod hiningal ako pero di ako napagod.

Nang makarating ako sa dorm ni Wax agad akong kumatok.

"Wax!"sigaw ko sabay katok.

Nakailang katok na ako sa pinto ni Wax pero di pa rin siya lumabas hanggang sa dumating ang nasa katabing kwarto ni Wax.

"Naku umalis si Wax wala siya dyan ngayon" sabi saakin ng nasa kabilang kwarto.

"Alam mo ba kung nasaan siya ngayon?" tanong ko sakanya.

"Kanina nakasalubong ko siya sabi niya papunta daw siya sa coffee shop malapit sa school" tugon niya saakin.

"Sige salamat" sambit ko sabay tapik sa balikat nito.

Agad akong umalis at pumunta sa coffee shop na sinabi nung lalaki.

Habang papalapit ako sa coffee shop napansin ko na mayroong tumpukan doon.

May nakasalubong naman ako na dalawang tao na galing sa tumpukan.

"Ano po nangyari bakit po may tumpukan doon ?" tanong ko sa dalawang tao.

"May nabangga kase doon lalaki pero di siya ang may kasalanan kundi yung sasakyan kase nasa pedestrian lane kase siya kawawa naman, 50 50 na siguro yun ang lakas ng pagkakabangga tumalsik siya, kawawa naman bata pa naman" sagot ng babae.

Agad akong kinabahan sa kwento ng babae di ko alam kung tutuloy pa ako o hindi na.

Pero sana please wag po sana si Wax gusto ko pa na malaman niya na mahal na mahal ko siya ng sobra.

Mabagal akong lumapit sa tumpukan.

Nang sisingit na ako sa tumpukan biglang may humigit saakin.

Si Michael pala.

"Ohh Michael ikaw pala yan bakit ka narito" hinihingal kong sambit.

"May bad news ako sayo" malungkot niyang sabi saakin.

"Michael wag mo akong pakabahin ha" nanginig na ang boses ko ng sabihin ko ito.

"Si Wax yung nabangga kanina siya yun wala na siya dyan nakuha na siya" malungkot niyang sabi saaking habang nakatungo.

Di ko na mapigilang di umiyak napahagugul ako pero niyakap ako ni Michael.

Dinala ako ni Michael sa hospital na pinagdalhan kay Wax.

"Michael pwede ba ako na lang ang papasok ?" hiling ko kay Michael.

Tumango lang si Michael at sabay andar ng kotse niya paalis.

Parang nawalan na ako ng inerhiya at halos matumba na ako habang naglalakad.

"Sana panginoon ko wag niyo muna po siyang kunin saakin kailangan ko pa po siya" tanging nasasabi ko lamang habang papalapit ako na ako sa front desk ng hospital.

"Saan pong room si Waynax Grawser" nanlalambot kong sambit sa nurse.

"Ahmmm, Waynax....., ohh he is in room 304" sagot niya saakin.

Tumango lang ako sa nurse at tumungo na sa sinabing silid.

Halos bumigay na ang tuhod habang naglalakad ako papunta sa silid.

Di ko akalain na mangyayari ang mga bagay na to I never ever expect it.

EverythingWhere stories live. Discover now