Tan POV
Nung makapasa ako halos hapon hapon na kami nagtratraining. May pinaghahandaan kasi kaming big tournament na ginaganap every year.
Siguro mga next month na ata yung tournament na yun.
Edi syempre hapon hapon ko rin nakakasama si Wax pero habang patagal ng patagal kaming magkasama unti unti ulit gumaagaan ang loob ko sakanya.
Sa tingin ko wala na yung galit ko sakanya. Tama nga sila kung mas lalo kang iiwas mas lalong lalaki yung problema mo pero kung haharapin mo to di mo namamalayan nawawala lang bigla.
Akala ko noon hindi ako magiging komportable na kasama si Wax sa mga training namin pero nagkamali pala ako. The unexpected happened kabaliktaran ang nangyari sa inaakala ko. Naging komportable na ako sakanya ng paunti unti.
Ewan ko basta na lang nawala yung galit ko sakanya ng di ko namamalayan.
Wax POV
Nang makumpleto na ang team namin nagsimula na kaming magtraining ng matindihan.
At natutuwa naman ako dahil hindi na naiilang saakin Tan. Kinakausap na rin nya ako. Sa tingin ko naman di na siya galit saakin.
At habang tumatagal ang training namin bumabalik yung closure namin ng di ko namamalayan.
Di na ako nahihiya na asarin at kulitan siya at di na siya naiinis sa mga jokes ko.
Tan POV
Galing ako noon sa practice, ewan ko ba ngayon lang ako napagod ng ganito as in hindi na nga ako nakapagpalit ng damit dahil diretso na ako sa kama ko. Napakahimbing na ng tulog ko ng may kumatok sa pintuan ko.
Nagising ako at agad tiningnan ang oras its already 10 o'clock in the evening napakahaba na pala ng tulog.
Tumayo ako at pinagbuksan yung kumakatok.
Laking gulat ko na tumambad saakin ang lasing na si Wax. Natumba siya saakin.
"Wax ano ba?, di ka ba napagod sa training kanina nakuha mo pang uminom" pagsesermon ko sakanya habang pinipilit ko siyang itayo.
Dinala ko si Wax sa kama upang doon matulog. Habang ako sa lamesa natulog habang nakaubob.
Sa tagal ko nang nakaubob ay nakaramdam ako ng ngalay kaya tumunghay ako at laking gulat ko na nakatayo sa harap ko si Wax. Sa gulat ko nahulog ako sa kinauupuan ko.
Ito namang si Wax tinabihan pa ako sa sahig.
"Tan, napatawad mo na ba ako ?" agad niyang tanong saakin.
"Di pa ba halata ?" tugon ko sakanya.
"Thank you Tan" pagpapasalamat saakin ni Wax.
Nginitiin ko lang siya at laking gulat ko ng yakapin nya ako at hinila pahiga sa sahig.
"Pwede ba tawagin ulit kitang Tan Tan?" tanong saakin ni Wax habang yakap pa rin niya ako.
"O sige na, Wawax"nakangiti kong sagot sakanya.
Hanggang sa narinig ko ang harok niya, hayy naku nakatulog na siya dito sa sahig. Napangiti lang ako sa nangyari. Pinatulan ko na dito na rin ako natulog sa sahig di kase ako makaalis yakap niya pa rin ako.
"Ikaw lang ang bestfriend ko, Wawax tandaan mo yan. Oo nagalit ako sayo pero ikaw pa rin yung Wawax na naging bestfriend ko at habang buhay na magiging bestfriend ko" sambit ko sabay ngiti.
Wax POV
Pagkatapos kong magpractice pumunta ako sa kaklse ko na noon ay birthday. Syempre pag birtdayan may inuman. Di ko namalayan na sobrang dami ko na palang nainom at di ko na alam ang ginagawa ko.
Basta ang alam ko nagising ako na katabi si Tan. Nasa sahig kami ng magising ako at nasa dorm pa pala ako ni Tan.
Binuhat ko si Tan sa kama niya at doon ko siya inihiga.
Dahil sa nahihiya na dito pa ako nagpalipas ng gabi ay ako na ang naghanda ng almusal niya at naglinis na din ng dorm niya ang kalat kase.
Nagiwan ako ng sulat sa may lamesa upang malaman niya na ako ay nakaalis na.
Tan POV
Ramdam ko ang lambot ng hinihigaan ko. Nagtataka ako kung bakit ako napapunta sa kama ko. Hanggang sa nakita ko ang isang liham sa aking lamesa.
"Oyy Tan, pasenya ka na kung dyan pa ako nakatulog sa dorm mo di ko kase talaga alam. Sana wala akong ginawang kung ano ano dyan hahaha. Oh andyan na yung breakfast mo at nilinis ko na rin yung dorm mo, nakakahiya kase dyan pa ako natulog. Inilagay na rin kita sa kama mo baka malamigan ka pa. Ano bang kinakain mo bat ang bigat bigat mo hahahaha halos madala ako sa bigat mo e. Hoy Tanot bat di mo man lang ako inilagay sa kama kagabi at talagang dun mo talaga ako pinatulog. Atsaka ang lakas mong humarok ikaw naging alarm clock e hahaha. Sige na tinatamad na ako magsulat. Bye see yah sa training." Liham mula kay Wax
Napangiti na lang ako ng mabasa ko ang nasa loob ng liham. Akala ko concern nung una pero may pabunganga pa sa huli. Luko talaga to kahit kailan. Bakit ganon kahit dati ako lang ata ang natatawa sa mga asar lalo kung siya ang mangaasar.
Naghanda na ako para pumasok.
Maaga ako nakarating sa school dahil maaga din kase ang first period ko ngayon.
At ang inaasahan ng lahat nagpakitang gilas ulit ako sa klase. Syempre bakit ka mahihiya kung alam mo naman yung sagot. Kaya hanggat alam ko ang sagot sumasagot ako.
Nagring na ang bell hudyat ng pagrerecess pero laking gulat ko ng magtilian ang mga babae kong kaklase.
Nacurious ako kaya naman pumunta ako sa may pintuan.
"Tara na" pagyayaya saakin ni Wax. Naku siya naman pala ang dahilan ng tilian.
"Huhh, may usapan ba tayo?" nagtatakang kong tanong sakanya.
"Basta, sumama ka na lang Tanot" sabi ni Wax saakin sabay ngiti.
Bakit parang may ginawa akong masama bat parang may kasalanan ako sa mga kaklase kong babae kung makatingin sila kala mo naman hayy naku.
Laking gulat ko ng higitin ako ni Wax kaya naman sumama na ako libre din to ano.
Pumunta kami ng canteen at doon kami kumain at tama nga ako libre ako ni Wax hahaha.
"Salamat Wawax" pagpapasalamat ko sakanya.
"Aba ngayon mo nalang ulit ako tinawag ng ganan ahh" nakangiting sambit ni Wax.
"Ikaw kase humiling nito diba?"masungit kong sagot.
"Ahh talaga pero parang ngayon mas gusto kita tawaging Tanot" pagbibiro niya.
"Ahh ganon sige gusto na rin kitang tawaging Gatsby hahaha" natatawa kong sabi.
"Tanot thank you" seryoso niyang sabi.
"Huhh, Baket naman Gatsby" natatawa pa rin ako ng sabihin ko ito.
"Thank you sa friendship na ibinigay mo ulit sa akin" seryoso niyang sabi saakin.
"Welcome, basta ba wala na talagang iwanan at kung aalis man magpapaalam" seryoso ko namang tugon sa kanya.
"Bestfriends?"sambit niya sabay abot ng kamay niya para magshake hands
"Okey, Bestfriends" nakangiti kong sagot at nakipag shake hands na ko.
YOU ARE READING
Everything
RomanceIto po ang una kong ginawang story kaya pasensya na po kayo sa mga sentence dahil di pa ako ganon kagaling pero sa tingin ko po kung content lang po ang paguusapan ay medyo may laban naman po. Sana magustuhan niyo po ang first story na ginawa ko.