Tan POV
Yun ang naging huli naming pagkikita after so many months.
After 2 months medyo nasasanay na ako dito sa school at may ilan ilan narin akong nakakausap na estudyante. At may isang pangalan na matunog ngayon dito sa school after 2 months at yun ay walang iba kundi si Wax. Naging sikat si Wax dito sa school namin sa larangan ng volleyball. Dun ko na lang ulit narinig ang pangalan niya. Mapapasana all ka na lang. As in halos buong campus ata kilala siya. Sa bagay may itsura naman din kasi siya.
Kapag naiinip ako sa dorm nag gagala na lang ako sa buong campus. Nag gagala ako noon sa campus ng makarating ako sa isang gym. May mga ingay akong narinig kaya naman pumasok ako. Nakita ko na nagtratraining pala ang mga varsity ng volleyball. Pero di ko nakita doon si Wax.
Laking gulat ko ng lumapit saakin yung head coach nung volleyball team dito school.
"Tanior Marganes?" tanong saakin ng head coach.
"Yes sir"mabilis kong sagot
"Balita ko marunong ka raw magvolleyball ?" muling tanong saakin nung coach.
"Yes sir marunong lang po di magaling" pabiro kong tugon kay coach.
"The question is do you want to be part of our team?" intense na tanong ng coach saakin
Hindi ko alam kung ano ang sasagot ko basta ang alam ko gusto ko na at miss ko na magvolleyball.
"Yes I want to join your team sir" pagtanggap ko sa alok ng head coach.
"Impressive but before you join us, I want to see your play first before anything else" sambit saakin ng coach
"Okey sir" nakangiti kong sabi.
"Do you have training clothes?" tanong saakin nung coach. Para tong talk show andaming tanong hahaha.
"Sir can I go to my dorm malapit lang po yun dito I will just get my training clothes" pamamaalam ko kay coach.
"You may go now" pagpapahintulot saakin ni coach.
Agad agad akong tumakbo palabas ng gym at hindi ko sinasadyang mabangga si Wax.
Sa lakas nang pagkakabangga ko na out of balance ako pero nasalo ako Wax.
"Magiingat ka yan ka nanaman sa kakatakbo mo" pagpapaalala saakin ni Wax habang buhat pa rin niya ako.
Agad agad akong tumayo.
"Sorry" paghingi ko ng tawad sabay takbo
"Wax samahan mo si Tan sa dorm niya" utos ng coach kay Wax
Napatigil naman ako sa sinabi ni Coach.
What ? kailangan ba nya talaga akong samahan ?
Laking gulat ko ng akbayan ako ni Wax.
"O, samahan raw kita rinig mo naman siguro" panunura pa ni Wax saakin.
Agad ko naman tinanggal ang pagkakaakbay saakin ni Wax at sabay takbo.
"Hoyyy ingat ka sa pagtakbo mo makabangga ka pa ulit dyan ng kung sino" pagbibiro pa ni Wax na di naman nakakatawa
Nakarating kami ni Wax ng dorm ko ng di man lang naguusap pero kanta lang siya ng kanta ang ingay di naman maganda ang boses. Bakit ganon para sakanya parang walang nangyari 2 months ago.
Wax POV
At mas mabuti pa sigurong kalimutan ko na lang yung nangyari 2 months ago. Hindi nya ako pinatawad sa nagawa ko sakanya kaya dapat sigurong lumayo na lang ako at di na lalapit kailanman. Pero kung may isang sign na magpapakita saakin kakausapin ko na ulit siya but ibang Wax na ang makakausap nya. Hindi na ako hihingi ulit ng tawad pa sakanya.
And after 2 months naging varsity player ako ng school namin. At di ko akalain na magiging sikat ako dahil doon.
Maraming mga kababaihan ang lumalapit saakin at nagpapapicture. Pero di porket sikat na ako lalaki na agad ang ulo ko hindi no way kailan man hindi ko pagmamayabang na nakaabot ako rito.
Nagtratraining kami noon ng makaramdam ako ng pagihi kaya naman lumabas ako ng gym at pumunta sa CR.
Sa pagbalik ko sa gym may isang lalaki ang bumangga saakin at kita ko na malapit na siyang matumba kaya naman sinalo ko sya. Siguro ito na yung sign para makilala nya ang bagong Wax. Yes si Tan ang nakabangga saakin, this is the sign.
"Magiingat ka yan ka nanaman sa pagtakbo mo" pagpapaalala ko sa kanya.
Agad siyang tumayo at nagsorry sabay alis.
"Wax samahan mo si Tan sa dorm nya" utos saakin ni coach
Kita ko ang pagtigil ni Tan oras nanaman para manura.
Tumakbo ako kay Tan na noon ay nakatigil pa.
Inakbayan ko siya ng mabagal.
"O, samahan raw kita rinig mo naman siguro" panunura ko sakanya.
Agad naman niya inalis ang pagkakaakbay ko sa kanya at sabay takbo.
"Hoyyy ingat ka sa pagtakbo mo makabangga ka pa ulit ng kung sino dyan" dagdag ko pa. Halos matawa na ako sa mga reactions niya.
Ewan ko ba sakanya 2 months na ang nakakalipas naiilang parin siya.
Nasa likod lang ako ni Tan habang nagalalakad kami.
Pero habang naglalakad kami kinakanta ko yung kantang kalawakan ng napakalakas.
Matagal bago lumabas ng dorm si Tan.
"Hoyy bilisan mo antagal mo dyan sa loob" masungit kong sigaw sakanya. Nakakangalay kaya dito sa labas nakatayo ka lang.
2 minutes after dali daling lumabas si Tan sa dorm niya. Dirediretso lang siya at di man lang ako niyaya umalis.
"Ano ka ba naman Tan 2 months na yun naiilang ka pa rin?" sigaw ko sa kanya.
Napatigil si Tan sa paglalakad niya sabay lingon saakin.
"Oo nga 2 months na pero ewan ko ba nababarino pa rin ako pag nakikita kita. At pede ba wag kang sumigaw ang sakit sa tenga ng boses mo" mataray niyang tugon saakin.
Hindi na ako nakaimik sa sinabi nya.
"Anong tinatayo tayo mo dyan tara na" masungit na pagyayaya saakin ni Tan sabay tuloy sa paglakad.
Tan POV
"Ano ka ba naman Tan 2 months na yun naiilang ka parin" sigaw saakin ni Wax dahil di ko siya pinansin pagkalabas ko ng dorm.
Sinungitan ko na siya para tumugil na kakasura na eh. Ewan ko ba nasusura talaga ako sa pagmumukha nung Wax na yun. Pati boses niya nakakairita. Nasusura talaga ako sakanya super.
Dumating kami ng gym before 15 minutes.
"Oh Tan andyan ka na pala" pagbati saakin ni coach.
"Wax okey settan mo si Tan" utos ng coach kay Wax.
Dahan dahan akong tumungin kay Wax.
"Ikaw talaga? di ka naman setter diba?" pabulong kong sabi sakanya.
"Ayaw mo?" panunura niya saakin.
"Pano pagsinabi kong ayaw ko" tugon ko
"Siiiirr...." sigaw ni Tan pero agad kong tinakpan ang bibig niya kaya di niya natuloy ang sasabihin niya.
Hinigit ko na siya sa loob ng court ng masettan na niya ako. Aba iba rin to marunong din pala siya magset.
Wax POV
Ewan ko ba ngayon mas gustong gusto kong inaasar si Tan. Baka kase siguro di na rin siya nagpapatalo sa asaran kaya naman gusto kong bumawi ng bumawi.
Choosy pa tong si Tan ako na ngang magseset sa kanya ayaw pa. Sisigaw na sana ako noon pero tinakpan niya lang yung bibig ko kaya di ko na natuloy yung sasabihin ko at hinigit na rin niya ako sa loob ng court.
Maganda namang performance ang pinakita ni Tan sa try out niya. Napansin ko rin na gumaling siya sa volleyball siguro naging player to sa baryo namin.
Nakapasa si Tan at kateam ko na siya ngayon. Sana magkasundo na kami at sana volleyball na rin ang maging daan para muli kaming magkaayos. At makabuo ng bagong friendship dahil mukhang malabo na namin maibalik ang dati naming friendship.
YOU ARE READING
Everything
RomanceIto po ang una kong ginawang story kaya pasensya na po kayo sa mga sentence dahil di pa ako ganon kagaling pero sa tingin ko po kung content lang po ang paguusapan ay medyo may laban naman po. Sana magustuhan niyo po ang first story na ginawa ko.