Chapter 11

2 0 0
                                    

Wax POV

Natatandaan ko pa ang muli kong paggising mula sa coma.

Yung pakiramdam na gusto mong tumayo at magsalita pero di mo magawa kase mahina ka pa.

Ilang araw din bago ako nakarecover sa pagkakagising ko.

At nang maging fully recovered na ako may iniiabot na sobre ang mama ko.

Agad ko naman itong binuksan.

"Wax,

           
           Hindi ko alam na mahal mo din ako Wax. Tangi ko lang nasabi pagkatapos natin magtalo sa school at hanggang isang tawag ang bumulabog sa pagiisip ko.

Agad ko naman itong sinagot.

"Hello,ma"mahinahong kong sagot

"Anak, nagrant na yung visa natin papuntang France, sakto anak makakapageaxam ka pa bago tayo umalis" masigla pagbalita ni mama saakin.

"Mabuti naman yun ma" nakangiti kong tugon ngunit malungkot sa loob ko.

Kailangan ko na ibigay ang oras ko sa taong mahal ko hanggang nandito pa ako.

Pero pano di ko alam kung sino ang totoo kong mahal.

Hanggang sa dumating si Michael at binigyan niya ako ng pagkakataon na mamili sa inyong dalawa at doon ko lang napagtanto na ikaw ang totoong kong mahal.

Masakit nung iwanan ko si Michael pero mas masakit na yung taong tunay na mahal mo ay di mo man lang makakasama sa mga natitira mong oras dito.

Agad akong pumunta sa dorm mo

Hanggang sa nabalitaan ko na nabangga ka na.

Ang akala ko huli na ang lahat pero di pa pala dahil lumalaban ka.

Kaya kahit na halos bumigay na ang katawan ko pinipilit ko pa rin magbantay kase yun na lang yung oras na pwede kitang makasama.

At laging kong pinagdadasal na sana magising ka na para makausap ko naman ikaw.

At ito na nga dumating na ang oras nang pagalis ko.

Ang daya naman kase ang haba na nga ng tulog di pa gumising para makapagpaalam naman ako ng ayos ayos sayo.

Andito na rin yung mga pictures natin noong magkasama pa tayo. Ang saya saya natin dyan diba.

Basta Wax hindi pwedeng di ka gigising kase babasahin mo pa to at titingnan mo pa ang mga pictures dito at higit sa lahat magkikita pa tayo. I love you hanggang sa muli paalam.

                                                          Tan"

Habang binabasa ko ito ay kasabay ng pagpatak ng mga luha sa mata ko.

At doon ko rin nalaman na ang araw ng pagaalis niya ay ang araw ng muli kong pagmulat sayang naman sana nakasama ko pa siya.

At ito lamang ang pinapangako ko di man kita nakasama ng matagal ngayon hahanapin naman kita sa takdang panahon.

3 years later

Wax POV

"Oyy Alexur long time no see bro" pagbati ko.

"Oyy Wax saan ang lipad mo ngayon ?" tanong niya saakin.

"France bro"sagot ko

"E ikaw pasaan ka naman ?" tanong ko.

"Canada bro" tugon niya.

"Wow vacation bro ?" tanong niyang muli saakin.

"I need to find someone" nakangiti kong sagot.

"Ohh bro tinawag na yung flight ko" pamamaalam ko kay Alexur.

Tumango lang si Alexur sabay ngiti.

At lumipad na ang eroplano papuntang France.

G

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

EverythingWhere stories live. Discover now