Wax POV
Nang tumunog ang bell hudyat para maguwian ang lahat ng estudyante ay mabilis na lumabas sa mga classrooms papunta sa gate. Hindi ako nakipag sabayan baka kase madapa pa ako sa kakatakbo at mabarog, mahirap na baka madisgrasya pa sa unang araw ng klase.
Habang naglalakad ako papuntang gate may nakita akong isang lalaki na may tinulak na isa pang lalaki. Naawa ako doon sa tinulak kaya naman agad ko syang tinulungan pero nasuntok ako nung lalaking tumulak sa kanya. Susuntukin ko na sana yung lalaki pero hinigit na ako nung tinulungan ko.
"Wax?!"gulat na gulat na sabi ng lalaking tinulungan ko
Ang lalaking sinaklolohan ko ay si Tan pala. Nagulat din ako pero at the same time sobra akong natutuwa dahil natupad din ni Tan Tan ang pangarap naming dalawa.
"Yah, its me" tugon ko kay Tan
"Ahmm, di naman malala yung pasa mo" sambit ni Tan habang tinitingnan ang pasa ko sa mukha.
"Sige na bye" mabilis na pamamaalam ni Tan saakin.
Nagalit nga sya saakin tanga ko kase hindi ako nagpaalam. Hindi naman siya magmamadaling umalis kung di sya galit saakin.
***
Tan POV
Laking gulat ko ng makita ko ang mukha nung lalaking tumulong saakin. Si Wax pala ang lalaking tumulong saakin. Di ko alam ang gagawin ko ng makita ko sya kaya naman dali dali akong nagpaalam sa kanya.
"Ouch, ansaket nung pasa ko" sigaw ni Wax at napatigil naman ako sa paglalakad. Agad akong bumalik kay Wax.
"Tumahimik ka nakakahiya ang lakas ng boses mo" gigil kong sabi kay Wax. Napakaarte naman kase kaliitliit naman nung pasa.
"Di mo man lang ba ako gagamutin? Tan Tan" panunura pa nya saakin. Agad ko syang sinagot "Hindi" mabilis kong tugon kay Wax
"Ayy grabe tinulungan na nga kita Tan Tan" dagdag pa ni Wax. Nanunura talaga tong Wax na to nagagalit na talaga ako.
"Bat ba ang arte mo?" galit ko nang sabi sa kanya.
"Ayy, ganan ka pala trumato ng tumutulong sayo, hay naku Tan Tan" muling panunura nya saakin. Kapal ng mukha sarap suntukin e.
"Pwede ba tumigil ka na sa kakatawag mo saakin ng Tan Tan hindi na tayo close, okey ?" huli kong banat sa kanya
Akala siguro niya gagana saakin yung pang aasar niya at pangungulit niya saakin ngayon, no way. Kung dati nadadaan moko dyan sa pangungulit mo pag nagagalit ako sayo, ngayon hindi na.
Hinigit ko na sya papuntang dorm ko para gamutin at para tumigil na rin tong Wax na to.
Kumuha ako sa ref ko ng tubig na may yelo wala kase ako ng yelo lang talaga.
"Ouch, ano ba?"daing ni Wax habang dinadampian ko ng yelo ang pasa niya. Dinidiinan ko talaga para makabawi naman ako sa kanya.
"Ginusto mo to kaya wag kang maginarte dyan" panunura ko sa kanya. Nakakatawa ang reaction nya bawat dampi ko ng yelo sa mukha nya
"Wag mo naman kase diinan" galit na sabi ni Wax saakin. Buti nga sakanya arte arte kase.
"Bahala ka na nga dyan puro ka reklamo" sabi ko sakanya sabay tayo ko at umalis.
Pero ng paalis na ko hinigit ni Wax ang kamay ko. Naout of balance ako dahil malakas ang higit niya saakin. Sa di sinasadya naglapat ang mga labi namin. Mabilis nanan akong tumayo para makaiwas sa hiya ko.
***
Wax POV
"Ouch, ansaket nung pasa ko" malakas kong sigaw. Ito lang ang alam kong dahilan para bumalik si Tan at nangyari nga bumalik si Tan ngunit masama ang loob niya.
Kunulit at sinura ko si Tan kagaya lang nung mga bata pa kami, ako kase talaga ang makulit saamin dalawa at mahilig pang mang asar. Dati kase isang asar at pangungulit ko lang sakanya bati na agad kami. Kaya naman naging makulit na Wax ako kagaya lang nung dati pero nasura ata siya at nagalit.
Pero dinala pa rin ako ni Tan sa dorm niya para gamutin pero naging masungit ata ako sa kanya habang ginagamot nya ko. Ang sakit kaya ramdam kong dinidiin talaga nya bawat dampi ng yelo sa mukha ko. Umalis siya at binigay yung yelo saakin, gusto ko lang sana magsorry pero iba ang nangyari.
Sa di inaasahang pangyayari naglapat ang aming mga labi, masyado ko ata nalaksan ang paghigit ko sa kanya.
Ramdam ko ang ilang ng umalis siya pero this is the chance para makahingi na ako ng tawad sa kanya kaya naman nilaksan ko na ang loob ko.
"Tan, sorry ha" pagpapaumanhin ko kay Tan.
"Okey lang yun, di naman yun sinasadya" tugon nya saakin habang nakatago sa pintuan ng ref..
"Sorry din dahil iniwan kita at di man lang ako nakapagpaalam sayo" mahinahon kong paghingi nang tawad sakanya.
Dahan dahan sinarhan ni Tan ang pintuan ng ref.
"Hindi ka dapat nagsosorry Wax" mahinang sambit ni Tan.
"Baket naman?"nagtataka kong tanong sakanya
"Ang magbestfriend di nagiiwanan ang magbestfriend hindi umalis ng di nagpapaalam. Lahat nang yan hindi mo ginawa kaya in short hindi tayo magbestfriend. Itinuring kitang bestfriend pero iniwan mo lang ako sa ere. Akala ko magkasama tayo sa lahat ng bagay, promise naten yun diba?. Alam mo ba sa unang pagpasok ko rito ikaw agad ang naalala ko, na sana nandito ka at kasabay kong pumasok. Kanina sa reccess ako lang magisa kaya naisip nanaman kita na sana nandito ka para hindi na ako nagiisa. Sa tuwing malungkot ako namimiss ko yung pangaasar mo at pangungulit mo. Pero kahit na palagi kitang naiisip nasaktan mo parin ako at kahit anong pilit ko di parin basta basta nawawala" paglalabas ng sama ng loob ni Tan saakin habang nanginginig ang luha nito.
"Tan hindi, ikaw ang bestfriend ko, kaya ako nandito para makita ka at makahingi ng tawad sayo. At alam kong kaya mong makapasok dito kaya nagsumikap ako para makapasok din ako rito. Tan ito ang pangarap nating dalawa at ngayon natupad na natin" tugon ko habang inaamo ko siya.
"Umalis ka na Wax magagabi na" pagtataboy saakin ni Tan pero kita ko sa mga mata niya ang nagbabadyang mga luha.
Tuluyan akong lumabas sa dorm ni Tan at di ko na kayang pigilin ang lungkot saaking dibdib kaya inilabas ko na ito sa pamamagitan ng isang paraan ang pagluha. Mula sa labas rinig ko ang pagiyak ni Tan na syang lalong nagpahabag saakin.
Tan POV
Gusto kong patawarin si Wax pero parang di pa handa ang sarili ko. Humingi siya ng tawad saakin tungkol doon sa unexpected kiss na yun pero laking gulat ko ng humingi rin siya ng tawad saakin sa pangiiwan niya noon saakin. Hindi ko napigilan ang sarili ko na masabi ang mga hinanakit ko sa kanya. At habang sinabi ko ang mga salitang yun ramdam kong medyo dumarami na ang tubig na nakaipon sa mata ko na dapat na ko nang ipatak. Ayokong makita nya akong umiiyak kaya naman pinaalis ko na siya. Nang makaalis si Wax ay di ko na napigilan pumatak ang mga luha sa aking mga mata. Rinig ko rin si Wax na umiiyak sa labas ng dorm ko kaya mas lalo pang sumikip ang dibdib ko.
YOU ARE READING
Everything
RomanceIto po ang una kong ginawang story kaya pasensya na po kayo sa mga sentence dahil di pa ako ganon kagaling pero sa tingin ko po kung content lang po ang paguusapan ay medyo may laban naman po. Sana magustuhan niyo po ang first story na ginawa ko.