Wax POV
Napakasaya ko nung maging magbestfriend na ulit kami. Di ko mapaliwanag yung pakiramdam. Thanks kay lord sa wakas napatawad na rin niya ako.
Simula ng mga araw na yun lagi na kami magkasama ni Tan sa reccess at lunch. Dahil di naman kami magkaklase kaya tuwing breaktime lang kami nagsasama.
Sa isang linggo matatapos na ang first sem namin at balita daw ni Tan na may transferee daw sa section nila ngayong second sem.
Saamin ganon pa rin, walang nabago mga mukha pa rin ng mga luko kong kaklase pero mga masasayang kasama yung mga yun.
Malapit na nga rin pala ang laban namin sa isang araw na yun kaya naman puspusan na ang training namin. Excited but nervous ang nararamdaman ko sa paparating naming laban. Napakalakas daw ng Atonus University sila ang defending champion. Pero kaya namin to lalo na kung may team work.
Kitang kita mo talaga na inspired ang mga kateam ko lalo na si Tanot. Sana wag siyang kabahan sa laban baka masira pa ang laro niya.
***
(2 days after)"Tanot ready kana?" tanong ko sakanya.
"Oo naman pero kinakabahan ako e, ikaw ba Gatsby?" nakangiti niyang tugon saakin.
"Syempre naman ako pa" pabiro kong sagot.
"Yabang naman nito" masungit na sambit ni Tan.
"Hahahaha joke lang, good luck"nakangiti kong sambit.
"Hahahaha, good luck din" nakangiti din niyang sabi.
"Okey guysss come here" pagtawag saamin ng aming coach.
"Okey, this it guys good luck and enjoy lang sa first na laro natin, una palang to marami pang games but do your best and we will win" pagmomotivate saamin ni coach.
Pumasok na kami sa loob ng gym malakas na hiyawan ang narinig namin mula sa side ng Craws University.
At isa isa nang tinawag ang pangalan namin.
"Here are the starters for Craws University number 1 first open Anton Alveres, number 5 their team captain Alexur Montefalco, number 6 their 2nd middle Mark Gumang, number 8 their setter Nexus Bartolome, number 10 their second open Waynax Grawser, number 11 their opposite spiker Tanior Marganes and last number 18 their libero Nathan Robles" masiglang pagpapakilala ng anouncer.
Magaling din kalaban ang Cirus University pero mas nanaig ang aming team work kaya naman kami ang nagwagi sa labang ito. 3-1(sets) ang naging score.
Nagpatuloy ang aming panalo ngunit natalo kami ng Atonus University sa elimination round ng 2 beses. 11-2(matches) ang naging final score namin at rank 2 kami kaya naman pasok na kami sa semis.
Naging mas puspusan ang training namin ng makaabot kami ng semi
Malakas na school din ang makakaharap namin their are the 1st runner up last season. Sila ay ang Voner University.
This is it the semi finals konti nalang at makakatungtong na ulit kami sa finals after so many years.
Malakas na hiyawan ang maririnig sa fans sa loob ng arena.
Naging mainit ang laban simula pa lamang. Nagkakaroon na ng swagan sa loob ng court. Nakakatawa si Tan grabe magswag hahaha. Umabot ng 5th set ang laban at salamat naman at sa wakas pasok na kami sa finals. 15-10(score) ang naging score noong 5th set. Tuwang tuwa ang buong Craws University dahil muling nakabalik ang Craws University sa finals sa volleyball mens after 10 years.
Okey na kami kahit maging first runner up lang kami. Pero di naman namin basta basta ibibigay sa Atonus University ang championship.
The Finals
Mas dumami ang tao ngayong finals. We're ready to fight and to win.
"Crawtians Red Lion!" sigaw ni captain na si Alexur.
"We are fighters, We are winners" sabay sabay naming tugon.
This is it the finals I feel nervous but excited.
Muling tinawag ang mga pangalan ng bawat teams.
Nagsimula ang 1st set medyo hindi maganda ang laro namin kaya naman nakuha ng Atonus University ang first set (25-18).
Pero agad kami bumawi sa 2nd set kaya naman naman nakuha namin ito (25-21).
Medyo naging dikit ang 3rd set pero sa pahuli naungusan na kami ng Atonus University (25-23).
Ito na nag fourth set kailangan namin manalo dito para mapaabot pa namin ng 5th set. Kinabahan kami nung una kaya naman nakalamang ng lima ang Atonus pero agad naman nag time out si coach. Nagdirediretso ang pagscore namin hanggang sa maungusan namin ang Atonus at nakuha namin ang 4th set (29-27).
This is the final set at kailangan pa ulit namin ito maipanalo para michampion namin ito this season. Sobrang dikit ng laban hanggang sa umabot ng (14-13) favor of Craws.
"A recieve from Robles a set from Bartolome and he give it to Marganes, this could be it.........No a recieve for Rodriguez set by Alcantara he give it to Cranes........What a recieve for Marganes set by Robles he give it to Grawser, this could be it ?...........Yes!!! Grawser finish the set, the match and the season. After 20 years Craws University get the championship" masiglang paganounce ng anouncer.
Napakasaya sa loob parang may party. May confetie at malakas na sigawan. Hanggang sa mapatingin ako kay Tan.
Bakit ganito bumagal ang lahat habang patakbo si Tan saakin. Bakit ganito ang saya ng puso ko ng makita ko si Tan. Ano tong pakiramdam na to. Naninikip ang dibdib ko dahil sa saya. Am l in love ?.
Bumalik sa dati ang lahat ng yakapin ako ni Tan ng malakas.
Kusang ngumiti ang mga labi ko.
"Congrats Gatsby nagawa naten" masiglang sambit ni Tan pero rinig ko ang singhot niya.
"Umiiyak ka ba ?" nagtataka kong tanong sakanya.
Itinunghay ko siya at kita kong umiiyak nga siya.
"Hoy, tahan na panalo tayo oyy" natatawa kong sambit sabay yakap ko ulit sa kanya.
Mas lalo pang lumakas ang iyak niya.
Hinihimas ko lang ang likod niya habang nakayakap siya saakin at umiiyak.
Nakakuha ako ng award sa tournament na ito nakuha ko ang 1st best open spiker at nakuha naman ni Tan ang finals MVP at sa Atonus University ang nakakuha ng MVP si Michael Cranes.
Natapos ang awarding at unti unti na rin naguwian ang mga tao. Sa in fairness maraming nagpapicture kay Tan ngayon.
"Wax sorry ha naluhaan pa tuloy iyang jersy mo kanina" pagpapaumanhin ni Tan saakin
"Okey lang basa na rin naman yun gawa ng pawis ko" sambit ko sabay akbay kay Tan.
"Di ko talaga alam kung bat ako naiyak kanina e basta na lang tumulo" nagtatakang sabi ni Tan.
Napatawa lang ako dahil naalala ko nanaman yung pagiyak ni Tan.
"Tawa!" masungit na sabi ni Tan sabay alis ng akbay ko sakanya.
"Makaalis na nga"galit na sambit ni Tan sabay alis.
"Hoyy, sorry na" natatawa kong sabi habang hinahabol ko siya.
"Wag ka kase tumawa" masungit na sabi ni Tan.
Pinilit kong wag tumawa para di na magalit si Tan pero natatawa talaga ako. Ewan ko kilig ba to gawa lang nung pagiyak ni Tan pero bakit naman ako kikiligin.
Sabay kami ni Tan lumabas ng arena at sumakay ng bus namin halatang barino siya. Kaya naman ginawa ko lang yung technique ko para mapatawa si Tan. Paulit ulit ko siyang kunulit sa bus habang nasa biyahe. Matagal bago ko ulit siya napatawa pero bumigay din napatawa ko rin siya.
YOU ARE READING
Everything
RomanceIto po ang una kong ginawang story kaya pasensya na po kayo sa mga sentence dahil di pa ako ganon kagaling pero sa tingin ko po kung content lang po ang paguusapan ay medyo may laban naman po. Sana magustuhan niyo po ang first story na ginawa ko.