Chapter 7

0 0 0
                                    

Wax POV

Ang galing naman pareho kami ni Tan nag first sa section namin. At parehas din namin gusto ilibre ang isa't isa.

Kaya nagkasundo na lang kami na siya sa drinks at ako sa foods.

Sapol naman bata kami matalino na talaga si Tan halos magpalitan lang sila nung top 1 namin noong elementary.

Nakwento na rin pala saakin ni Tan yung bago nilang kaklase siya pala si Michael yung nakalaban namin noon.

"Alam mo mabait pala si Michael" sambit niya habang kumakain.

"Wag kang magsalita puno pa ang bibig mo tumalsik pa yan saakin" masungit kong sabi.

"Sungit mo naman di naman puno bibig ko" galit niyang tugon.

Ano naman di ko naman tinatanong sa kanya kung mabait si Michael diba? Ano naman kung mabait yun di namang mas hamak na mabait ako dun at tanging ako lang nakakapagpatawa kay Tan , ako lang.

"Bakit biglang ang sungit mo nung pinagusapan natin si Michael"nagtataka niyang tanong

Di ko alam ang isasagot ko nang tanungin niya ako.

"A-Ah-Ahmm baka kase ano ano wala kumain kanalang" magulo kong sagot.

"Nakuu, ikaw wag kang magalala ikaw pa rin ang bestfriend habang buhay at walang papalit sayo"pagpapaliwanag niya saakin.

Napangiti naman ako sa sinabi ni Tan.

"Kumain ka na nga" nakangiti kong sabi.

"Bakit ka kinikilig?" natatawang sambit ni Tan.

"Ulol"nakangiti kong sambit.

"Hahaha, sige na kain na tayo" nakangiti pa rin niyang sabi.

Nagpatuloy kami sa pagkain namin at nagusap ng kung ano ano.

Bakit ba ako nakakaramdam ng pagkainis sa tuwing babanggitin ni Tan yung Michael na yun, ewan ko ba.

Tan POV

Hayy isang nakakapagod na araw nanaman ang nakalipas. Pero masaya kase nakasama ko nanaman ang bestfriend ko. Napakasaya ko sa tuwing kasama ko si Wax kahit tuwing reccess at lunch lang kami nagkakasama, ibang saya talaga ang nararamdaman ko.

Ngayon naging kampante na ako sa tuwing kasama ko si Wax ewan ko na lang siguro kung magkakaaway ulit kami feeling ko di ko na kaya kase sanay na ako ngayon na lagi siyang nasa tabi ko.

Naku kailangan ko pa pala pumasok kaya naman dali dali akong naligo at ginayak ang na ang mga gamit ko.

Nakarating naman ako ng medyo mas maaga sa adviser namin.

Masamang balita ang nalaman ko ng sabihin saamin ni sir na hanggang mamaya na lang daw yun pasa nung project namin hanggang 11:59 lang daw tatanggapin ni sir yung project.

"Naku, Michael kailangan na natin gawin yun ngayong reccess at lunch time at kung mamalasin baka kailangan mo magover night sa dorm ko kasi di ko kaya ng magisang gawin yung project natin" nangangaba kong sambit kay Michael.

"Okey, hindi kita hahayaang mahirapan ng magisa at kung maari dapat tayong dalawa ang maghirapan hindi lang dapat ikaw" pagsang ayon niya saakin.

Nang matapos ang first period namin agad akong dumeretso sa library kasama si Michael.

At saktong nakasalubong ko si Wax.

"Tan" sigaw ni Wax mula sa malayo.

Naku naman hindi ko pa masasamahan si Wax ngayong reccess kailangan kase namin ito masimulan na ngayon.

EverythingWhere stories live. Discover now