Part Two
L'amour rend toutes choses belles
"Love makes all things beautiful."
♥♥♥
Chapter 6: Returning Love
Year 2015.
Manila, Philippines.
"TERRENCE, Terrence!"
Mula sa pag-aayos ng stage para sa youth service mamaya, napalingon si Terrence sa tumatawag sa kanya.
Si Minnah. Mabilis itong tumakbo palapit sa kanya. Hingal na hingal.
Napangisi siya. "Ganoon ka ka-excited na makita ako?"
Namula ito at napasinghap. Hinampas siya nito ng hawak na cartolina. "Wala tayong worship leader mamaya. Hindi makakarating dahil nagkaroon ng family emergency."
"Oh. So, sinong kakanta mamaya?"
"Ikaw!"
Nanlaki ang mga mata ni Terrence at mabilis na napailing. "No, no, no. Wala akong practice at—"
"Lagi ka namang kumakanta! Sige na..." Kumapit ito sa braso niya, tumingala at lumabi. Ang mga mata nito ay nagmamakaawa. "Sige na, babe. Para kay Jesus!"
Napalawak ang mga ngiti niya dahil sa sinabi ng girlfriend. "Ano, ano? Ulitin mo nga?"
"Para kay Jesus!"
"'Yung bago iyan."
Napalayo ito sa kanya. Nag-iwas ng tingin. "S-Sige na, b-babe."
He chuckled and pinched her rosy cheeks. "Alam na alam mo kung saan ako makukuha."
Nalukot nito ang ilong habang kurot niya pa rin ang pisngi nito. "So, ikaw na kakanta mamaya? Sige naman na, 'o. Para hindi na 'ko maghahanap ng iba."
Program head kasi ito kaya madalas, lahat ng magiging aberya sa program, ito ang kailangang sumalo.
"Kailangan kong mag-practice," he honestly said. "May oras pa ba?"
Tumango ito. "May isang oras pa. Tatlong kanta lang naman at alam mo kung ano ang mga iyon."
Tinanggal na nito ang mga kamay niya sa pisngi nito. Minnah sweetly smiled at her. "Halika, punta ka na sa band room."
Hinila siya nito paalis ng stage. Magkahawak kamay na tinakbo nila ang band room na nasa pinaka-dulong bahagi ng pasilyo.
"After an hour, magsa-sound check na sa stage. Galingan mo, babe!" Minnah cheerfully said.
Bahagya niyang inilapit ang mukha nito. "Where's my kiss, then?"
Sa mukha niya na humampas ang cartolina. Natawa siya at hinapit ito sa baywang.
Terrence left a kiss on her forehead. "Huwag ka masyadong aligaga. Chill, alright? Parang hindi ka na nasanay." Weekly naman ang youth service, pero parang laging first time ni Minnah na mag-asikaso sa pagiging aligaga nito.
Napabuntong-hininga ito. "I just don't want to... fail. Ang dami palaging angal ng mga participants sa tuwing ganito, ganyan. Hindi naman nila alam na—"
BINABASA MO ANG
Love at its Greatest (Love Series #3)
SpiritualHanggang saan mo kayang ipaglaban ang pag-ibig na kinakalimutan na ng mundo? Written ©️ 2020