Chapter 17: Love and Doubts
"I SUGGEST you open up this doubt with Matthew," marahang payo ni Eunice kay Frances.
Kanina pa umuwi ang mga ito pero sinabihan niyang tumawag ito sa kanya pagkauwi para mas mapag-usapan nila ang "kutob" nito.
"H-Hindi ko kaya, Eunice... Natatakot ako sa sagot niya," mahinang sabi ni Frances sa kabilang linya. "Paano kung magsinungaling lang siya?"
"Still, it's better to talk this issue with him. I honestly don't think na kayang gawin ni Matthew sa'yo iyon." Umupo siya sa tapat ng dresser. "Remember, he waited for you, Frances? He waited kahit walang kasiguraduhan na babalik ka noon? He waited kahit sa tingin niya imposibleng siya naman ang mahalin mo pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan mo?"
Napabuga ito nang malalim. "Please, pray for me. I... I'll think about it. Hindi naman ako takot magtanong, pero ewan ko. Nanghihina ako kapag kaharap ko na si M-Matthew..." her voice cracked. "Ayoko ng ganitong pakiramdam. Siguro, palilipasin ko na lang."
"If you'll talk with him now, things can be settled right away. Para din maitama ni Matthew 'yung mga kilos na ginagawa niya na nakaka-create ng doubts sa'yo."
Frances told her that Matthew would go home very late at night. Hindi na daw ito madalas tumatabi kay Frances at laging natutulog sa kuwarto ng kapatid nitong si Red. Kapag naglalambing daw si Frances, laging tinatanggihan ng asawa.
Added the fact that Frances is still overcoming her insecurities, hindi nakatulong ang mga ganoong actions ni Matthew. Ang excuse lang daw nito lagi, ang dami lang daw nitong iniisip na trabaho.
"I'll try, but I can't promise," sabi pa ni Frances. "I hate myself for thinking something like this against my own husband. Pero hindi ko mapigilan. Parang naiintindihan ko pa na baka may ibang nakakuha ng atensyon niya kasi ang pangit at taba-taba ko ngayon."
"Don't say that. Kilala naman natin ang pamilya nina Matthew at Terrence. Hindi sila ganyan kababaw magmahal, Frances."
Ang lalim at haba na naman ng buntong-hininga nito. "I just need to calm myself first. Baka nga wala namang ibang babae. Baka nasa akin lang talaga ang problema, Eunice. I need to fix my perspective."
"You can do that and still open the topic with Matthew. I think he'll listen and understand where your coming from. He knows your psychological needs. Mahal ka niya above everything. Sigurado ako. Pati si Terrence. Even Cyla!" she reassured her. "Isasama ko na rin si God."
"Nakaka-konsensya kapag sinasama si God."
She chuckled. "It's the Holy Spirit convicting us. Anyway, I'm just here. I'm not a marriage expert but Terrence and I have been practicing honest and open communication. Lahat sinasabi namin sa isa't isa. Kahit 'yung pinakamababaw na bagay. Kasi 'yung sa mababaw pa minsan kami nagkakaroon ng petty fights at tampuhan. Minsan nag-iinarte pa din ako, pero unti-unti, nababawasan ko na 'yung arte. At piliing mas maging straight to the point sa kanya."
"As in, lahat?"
Tumango siya. "Yup!" Inilipat niya sa kabilang tainga ang cellphone. "Kapag nagseselos ako, kahit hindi dapat, sinasabi ko. Kapag ayaw kong hindi siya nakatingin sa'kin kapag kausap ako, sinasabi ko. Kapag naiinis ako minsan sa mukha niya dahil lang sa unbalanced hormones ko, sinasabi ko pa din."
"A-Anong ginagawa ni Terrence?"
"Naiinis din," natatawang sabi niya. "Pero mas na-appreciate na lang niyang ganoon ako ka-open sa feelings ko. No matter how trivial and shallow, it should be discussed, para next time alam niyo na ang gagawin together kapag naulit."
BINABASA MO ANG
Love at its Greatest (Love Series #3)
EspiritualHanggang saan mo kayang ipaglaban ang pag-ibig na kinakalimutan na ng mundo? Written ©️ 2020