Chapter 7: Bruised Love

11K 492 29
                                    

Chapter 7: Bruised Love


TERRENCE, I just got 300 followers in Akouo!!! This is crazy! Hindi ko alam bakit sila dumadami!

Still astonished, Eunice sent the message to her husband. Hindi sila makakapag-video call ng buong linggo na iyon dahil tight ang schedule ni Terrence sa trabaho. So, she just manage to send him a private message.

I can't believe they kept on growing!!! But praise God they were blessed by some of my voice records!

May natanggap na ilang mensahe si Eunice mula sa mga nag-follow sa kanya. They shared how touched and blessed they were by her words. By her own silent prayers, they could relate. Tila daw ang mga dasal na hindi masambit ng mga ito, ngunit nasa sulok ng mga puso, ay nagawang isatinig ni Eunice.

All glory to God!!! I'm so hyped up right now. Nakaka-happy to be able to share the same prayers to other people!

Hanggang sa pagpasok sa trabaho ay hindi matanggal ang ngiti sa mga labi ni Eunice. Napansin iyon ng ilang mga katrabaho at ka-team niya. Lalo na ang kaibigan niyang si Soleil

"Hmm. You are extra happy today," she said while gaping at her. "Your smiles are also extra! Is your husband here in Paris already?

Eunice chuckled and shook her head. "Sana nga nandito na siya para sa birthday niya sa makalawa. But his visit is until next month pa. I'm just always happy, Soleil."

"I know. But today's kinda extra." Nagkibit-balikat na lang ito. "Napili ba ang designs mo for the fashion show in London?"

Sa bilis ng French ng kaibigan ay muntik na itong hindi maintindihan ni Eunice. "Yung fashion show sa London?" pag-uulit niya sa mas mabagal na Pranses na tinanguan nito.

"May napili na ba si Madame Lilou?" nagtatakang tanong niya.

Lahat ng senior and junior fashion designers ng haute couture nila ay nagpapasa ng kanya-kanyang designs na puwedeng isali para sa isang prestigious fashion show na ginaganap annually sa London.

Isang malaking parangal na mapili ang designs dahil buong mundo ay sumasali sa fashion show na iyon. Buong mundo ay makikita ang disensyo na irarampa ng mga ramp models sa harap ng malalaking tao. It's like the fashion week in Paris, ngunit sa London ay isang buong araw lang ginaganap. Kasama sa audience ay ang buong royal family ng England.

And sometimes, if your design was bought by an influential person, group, or the royal family, you get a fortune and endless opportunities all around Europe!

"Sa tingin mo, may mapipili kaya siya? She's very meticulous," sabi ni Soleil. "According to the other team, last year daw ay walang pumasa sa taste ni Madame Lilou kaya walang entry ang GHC sa London fashion show."

"Yes, that happened. Anyway, we are all required to submit. Kaya ang pinasa ko ay 'yung designs na ginawa ko no'ng nasa Pilipinas pa 'ko."

"Do you want to be chosen?" Soleil curiously asked.

"It's a big pleasure to be chosen," nakangiting sagot ni Eunice. "But it's not my priority."

Oras kasi na mapasali sa fashion show, mawawalan ng malaking oras si Eunice sa pagse-serve sa ministry. Dahil kahit Linggo ay kailangan nagta-trabaho siya para sa paghahanda sa event na iyon.

Pumunta pa naman siya ng Paris para tumulong sa Filipino church doon dahil kulang na kulang ang volunteers. First year pa man din niya ito ngayon.

Her career is her second priority. Gusto niya lang mas mahasa ang talent niya sa fashion designing at mas makapag-ipon. Matagal niya nang pinapangarap na makapagpatayo ng sariling clothing line, oras na makabalik na siya sa Pilipinas.

Love at its Greatest (Love Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon