Part Three
L'amour est plus fort que tout.
"Love is stronger than anything."
♥♥♥
Chapter 11: Love and Intrigues
NAHALATA agad nang buong opisina ang kakaibang kaligayahan at liwanag na nagmumula kay Eunice.
Kahit ang ibang department ay napapalingon o napapasunod ng tingin sa tuwing mapapadaan siya sa lugar ng mga ito.
Ang iba ay napapaatas ang kilay. But the majority can't help but smile as Eunice smiles, laugh as she laughs, and maybe hum along as she hums her favorite song.
"Hey," untag ni Soleil sa kanya. Kumapit sa braso niya. "You're glowing too much! Ganyan ba talaga kapag gabi-gabi kang may kalampungan sa kama?" she said in loud French, both laughing and teasing.
Eunice's rose-colored cheeks became rosier. "Soleil!" mahinang saway niya sa kaibigan at hinila ito sa loob ng studio nila. "Ang lakas masyado ng boses mo."
Her friend giggled. "Alam naman ng buong opisina na dumating na ang asawa mo. Araw-araw ka ba namang ihatid at sunduin dito?" She tapped her shoulder. "At saka napakahalata naman ng afterglow mo from se—mmp!"
Tinakpan niya ang bibig nito. "Those are the things that we don't talk about in public, ikaw talaga!"
Inalis nito ang kamay niya sa bibig nito at saka ngumuso. "I'm just teasing you. Tatlong linggo ka ring magli-leave. Hindi kita masyado makikita. Wala naman akong ibang ka-close dito."
Hinaplos niya ang buhok nito. "We can FaceTime once nasa Rome na kami ni Terrence."
Umingos ito. "I don't want to take your precious time with your husband. Minsan lang siyang nandito. Don't worry about me. I'll get myself busy with the clients' orders."
Pinisil niya ang kamay nito. "Alam mo marami ang katrabaho natin ang gustong mapalapit sa'yo, Soleil. Kaso tayong tatlo lang daw nina Addie ang magkakasama parati. Then, since the incident with Addie, biglang mas naging malapit tayong dalawa. They can't get through you. So, habang naka-vacation leave ako, you make more friends here."
Nagkibit-balikat ito. "Je ferai mon possible."
"Te peux le faire!" pagpapalakas niya ng loob nito. Lumapit na si Eunice sa kinukumpleto niyang disenyo ng long dress para sa London Fashion Show.
Tinulungan siya ni Soleil sa beadwork.
"By the way, Sol, how do you find Terrence?" pasimpleng tanong niya sa kaibigan
Nang gabing dumating si Terrence ay malaking sorpresa talaga para kay Eunice. Hindi niya na nga masyadong dinamdam o inalala ang ginawa ni Lucien dahil napawi lahat sa biglaang pagdating ng asawa niya.
According to Terrence, natapos daw kaagad nito ang trabaho at napagbilinan na rin si Cyla, kaya naman naisip nitong lumipad na kaagad papuntang Paris, two days early, para sopresahin siya. Nakaramdam daw ito ng eagerness to come to her. Kaya hindi na ito nagdalawang isip.
Eunice remembered to thank God because of that. The Lord knows she badly needed to be with Terrence after the drunk Lucien did to her. Well, it was just "almost" a kiss. But that kind of attack got her frightened.
Hindi niya pa iyon nasasabi sa asawa dahil gusto niya na lang isipin na hindi iyon nangyari. Lasing lang si Lucien kaya siguro palalagpasin na lang niya muna. Boss pa rin ito ni Terrence at ayaw niyang magkaroon pa ng problema sa trabaho ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Love at its Greatest (Love Series #3)
SpiritualHanggang saan mo kayang ipaglaban ang pag-ibig na kinakalimutan na ng mundo? Written ©️ 2020