PART FOUR
En Amour, On Pardonne
"In love, we forgive."
♥♥♥
Chapter 21: Your Love Restores Me
Year 2016.
TERRENCE and Minnah officially broke up.
Matagal na rin naman nilang tinapos ang relasyon. They still communicate with each other if they were not too busy. Ngunit, madalang nga lang ang mga pagkakataong ganoon.
At ngayong araw, nagdesisyon silang magkita at makapag-usap ng mas maayos.
He straightened his back when he saw Minnah entering the cafe they decided to meet at.
Ngumiti ito pagkakita sa kanya. "Terrence."
His heart hurt a little bit at her sight. Terrence felt disappointed with himself because he was not able to keep some of his promises to her.
Tumayo siya at pinaghila ito ng upuan.
"I'll get you some coffee and snacks," aniya rito.
Umupo ito sa upuang hinila niya, tiningala siya nito. "Libre mo, pastor engineer?" pabirong sabi nito.
Ngumisi siya at tumango.
Minnah is a sucker for burgers and anything that is made of potatoes. So, he ordered some fries and mojos, a cheeseburger, and a vanilla iced-latte.
Pagbalik niya sa lamesa nila ay dala niya na ang in-order para dito.
"Wow! Ang dami! Last supper na ba?" nakatawang sabi nito.
He chuckled and gave her the food he ordered. "Eat well. Nangayayat ka, eh. Masyado ka sigurong subsob sa trabaho."
"Nagsalita ang busy masyado!" anito at kumugat sa fries. "Mmm!"
Bumalik si Terrence sa sariling upuan at humigop ng in-order niyang capuccino kanina. Minnah's happily dipping her fries and mojos in catsup and mayonnaise. Masayang sinubo nito iyon nang magkasabay, at napapikit pa dahil siguro sa sarap.
Napangiti siya habang tahimik na pinapanood ito. Minnah's easy to please. She has simple joys that Terrence hoped no one would take away from her.
"How's life?" he gently asked her.
"Malapit na 'kong umalis papunta sa States," anito. "Tatlong linggo na lang. May kaunti pang inaasikaso sa working visa ko. Pero handa naman na ang mga gamit ko. Pati ang tutuluyan ko doon at ang naghihintay sa'king trabaho. Excited na 'ko sa snow!"
Mas napalawak ang ngiti niya. "You really want to work abroad. Iyon ang pangarap mo noon pa."
Tumango ito. Nagningning ang mga mata. "Napakagandang opportunity nga nito, Terrence. Sa isang accounting firm agad ako nakuha. Medyo mas mababa ang posisyon pero puwede naman akong magsikap para sa promotion. Makakapag-ipon ako ng sapat para mapagawa na namin ang bahay namin sa probinsya at saka para hindi na kailangan magtrabaho ni Tatay at Nanay."
Minnah's a certified public accountant. Madami itong pangarap sa buhay at para sa pamilya. Alam nito kung paano makakamit iyon. Aside from the fact that Minnah always trust the Lord and seeks God's will in her life, she has this undying determination and diligence in everything she does.
Kahit hiwalay na sila, hinding hindi mawawala ang paghanga at respeto niya dito bilang tao.
"Ikaw? Kumusta ka na?" tanong nito.
BINABASA MO ANG
Love at its Greatest (Love Series #3)
SpiritualHanggang saan mo kayang ipaglaban ang pag-ibig na kinakalimutan na ng mundo? Written ©️ 2020