Author's Note.
First of all thank you po sa mga nagbabasa ng story kong ito. Thanks talaga dahil umabot na siya sa 1K reads. Ok kahit ganyan lang siya kaliit, nao-overwhelm pa din ako. At sa mga nag-add ng story ko sa mga Reading List nila? Thank you talaga mwuaaah~ ★
----
Ayerah's Point of View
"Anak, anong oras ba ang alis ni Niel?" tanong sa akin ni Daddy habang umiinom ng tubig.
"Mamayang 9 o'clock po Dad" sabi ko at kinain ang hiniwa kong bacon. Nagbe-breakfast kami ni Dad nang mag-ring ang telepono.
"Ako na." saad ni Daddy. Kinuha niya na ang telepono sa likod ng kanyang likuran.
Klinaro na niya muna ang boses niya bago magsalita "Hello" pagbati ni Dad. Mukha namang pumait ang mukha ni Dad. Binaba na niya ang telepono at dali-daling inayos ang kinainan at tumayo.
"Teka Dad! Anong problema?" tanong ko at uminom ng tubig. Liningon ako ni Dad at umiling. Umalis na rin siya makalipas ang isang minuto.
Anong problema ni Dad?! Alam kong meron pero 'di ko alam kung ano!
Chineck ko ang orasan at mayroon pa akong 2 hours bago pumunta sa airport upang ihatid si Niel. Hayy pa'no na yan? Aalis na ang kaisa-isang bestfriend ko?
Tinapos ko na ang pagkain ng agahan at inilibot ko ang tingin sa aming bahay. Mula dito sa dining area, makikita mo na ang malaking sala na mayroong apat na sofa at 84 inch tv sa gitna.
Sa maliit naman ng eleganteng mesa ay naroroon ang mga picture frames naming pamilya. Sa tabi naman noon ay ang hagdan papuntang sa mga kwarto. Tatlo ang kwarto doon: sa akin na may pink na pintuan; kay Dad na may pintuang blue at, may pinturang kulay yellow ang kwarto noon ni Mommy.
Napa-iling nalang ako. Ilang taon na simula ng mamatay si Mommy pero 'di pa rin nawawala sa alaala ko ang nakaraan. Nag-buntong hininga na lang ako. Tumayo ako at tinawag si Manang Lucia para ayusin ang kinainan namin.
Pumunta na ako sa kwarto ko at nagbihis. Aagahan ko nalang sa airport kaysa naman ma-late. Nagbihis ako ng short at hanging shirt. Kinuha ko naman ang sling bag ko na may lámang cellphone at wallet.
"Nasa'n ho si Kuya Nestor?" tanong ko kay Manang Lucia pagkababa ko sa hagdan. Kasalukuyan siyang nasa kusina at hinuhugasan ang mga kinainan kanina.
"Absent daw po Mam. 'Di po ba sinabi sayo ng Daddy niyo?" tanong niya at inilagay na sa dish organizer.
"Hindi po eh. Sige po Manang, Alis na ako"
Lumabas na ako ng bahay at lumabas na sa subdivision para pumara ng taxi. Makalipas ang ilang minuto ay nakasakay na rin ako.
"Sa airport po" sabi ko sa taxi driver. Tumango naman siya at pinaandar na ang sasakyan.
Habang nagte-text ako kay Fiona dahil nag-ayang mag-mall ay napansin kong iba ang daang tinatahak namin. Hindi ko nalang iyon pinansin dahil baka gusto lang ng driver makaiwas ng traffic.
Na-sent ko na ang message kay Fiona at naghihintay ako ng reply nang mapatingin ako sa rare view ng taxi. Nakatingin ng malagkit sa akin ang driver. Fuck! Naka-hanging pala ako pero may sando naman ako. Kahit nasa kalagitnaan pa lang ng biyahe papuntang airport ay aalis na ako dito. Masama ang kutob ko sa driver na 'to eh.
"Diyan na lang ho" saad ko at ibinigay sa kanya ang bayad. Akmang bubuksan ko na ang pinto nang pigilan niya ako. Nakita ko ang nakakatakot niyang mata na nakatingin sa akin.
"Holdap 'to." seryosong sabi ng driver na kayumanggi pero parang matsing ang mukha.
Pinaandar na niya ang taxi papuntang ewan.
Kahit na takot na takot na ako ay kinuha ko pa rin ang isang bagay mula sa bag na alam kong makakasakit sa kanya. Napanood ko ito sa isang movie dati. Effective daw eh. Agad ko itong itinapat sa mata niya at ini-spray.
Thank you Pepper Spray.
Agad namang itinigil ng driver ang pagmamaneho at napahawak sa mata niyang nakapikit dahil sa hapdi. Binuksan ko ang pintuan atsaka lumabas. Itinapon ko pa sa ulo niya yung lalagyan ng pepper spray. Ha! Baliw ang loko! Mangho-holdap pero walang baril? Tangna!
Pumara nalang ako ulit ng taxi pero sinigurado ko namang katiwa-tiwala ang driver. Sinabi kong sa airport at pinagbuksan niya naman ako ng pinto.
"Mam sabay na lang ho kayo ni Sir. Sa airport din naman ho ang punta niya" sabi ng driver habang tinuturo ang nasa tabi kong lalaki.
Naka-headset ito at may suot na bonnet. Nang tingnan ko maigi ang mukha niya, naalala ko. He's Ian. Remember yung nasa Four Season? Yung bestfriend ni Niel? It's him.
Mukhang tulog itong si Ian kasi nakapikit siya. Gwapo talaga siya. Yung mukha niya ay pang-pretty boy pero kung manamit parang pang-badboy. Nakasuot kasi siya ng pants, at naka-polo na naka-unbutton ang mga butones.
"Ehem." Napatigil ako sa pagtitig sa kanya nang magsalita siya. Wahh Ano ka ba naman Ayerah! Nakita ka tuloy ng tao na nakatitig sa kanya.
"Ay hehe sorry" sabi ko at nag-iwas ng tingin. Nakakahiya swear! Nang lumingon ulit ako para tingnan ang reaksiyon niya, nakatingin siya sa labas ng bintana habang namumula ang tenga. Ang cute.