Ayerah's Point Of View
"Hahaha grabe girl ha!Umusok na naman yung ilong ni Mr. Carl."sabi sakin ni Ysabel
"Yeah,pero nakita mo ba yung panyo ko? I thought nasa bulsa ko lang eh"sabi ko kay Ysabel. Lumabas na lahat ng classmates ko at kami nalang ni Ysabel at Fiona dito.
"No eh. Baka nahulog"sagot niya
Hinanap ko naman sa baba pero wala naman. Seriously,saan ba napadpad yun?
Nagulat lahat kami ng biglang may nagsalita sa may pintuan.
"Excuse me. Miss Ayerah,ito po ba ang hinahanap mo?" sabi ng isang lalaki. Nang tumingin ako,mukha ni Mr. Nerd ang nakita ko na hawak-hawak ang panyo
"Yeah.(lumapit ako sa kanya at kinuha ang panyo ko.)Saan mo 'to nakita?"tanong ko
"Doon sa baba"sabi niya sabay turo sa may upuan niya. Hindi lang ito simpleng panyo lang. Napaka-importante nito para sakin. Ito nalang ang naiwang alaala ni Mommy.
What the heck?! Kailan pa ako naging emotera?
Pero totoo yun. Nawala na si Mommy dahil sa hemorrhagic disease. As far as I know ay isa iyong komplikasyon sa utak. Naputol daw ang ugat sa utak ni Mommy kaya nag-scatter yung dugo sa utak niya.
---
"Thanks..."sabi ko. Tatalikod na sana ako nang magsalita siya.
"I'm Sebastian Madrigal"sabi ni Mr. Nerd
Lumingon ako at inabot ang kamay niya.
"Ayerah Martin..Nice meeting you."sabi ko at nagkipag-kamay ako sa kanya
His name sounds too familiar. Saan ko nga yun narinig? Oh well, not a very big issue. Actually,ito yung first time na nag-thank you ako sa is
Lumabas na siya ng classroom at nakita ko ang maaasim na mukha nina Fiona at Ysabel
"Anong mukha yan?"tanong ko sa kanila
"Di lang talaga ako makapaniwala na nag-thank you ka sa isang NERD. Di ka ba nandidiri doon"
Inirapan ko sila at naglakad palabas ng room.