Chapter 13 - Bye Niel

164 42 16
                                    

Ayerah's Point of View

Sa totoo lang, wala naman talaga akong gusto kay Niel dahil mahal ko siya bilang kaibigan. Mayroong iba na nam-misinterpret ang feelings ko para kay Niel.

Sinaksak ko nalang ang earphones sa tenga ko. Ang tahimik kasi dito sa Taxi. Naabutan pa kami ni Ian ng traffic, Kainis! Pinindot ko ang kantang Cecilia. Oo na! Paborito ko talaga ang kantang iyan. Mas maganda pa nga ang revival nito kaysa dati eh.

Habang nagsa-soundtrip ako, may kumalabit sa akin. Paglingon ko, si Ian pala. Syempre siya lang naman ang kasama ko sa taxi maliban sa driver diba.

"Bakit?" tanong ko sa kanya. Inalis ko muna ang isang earphone sa tenga ko para marinig ang sasabihin niya.

May kinuha siya sa baba at pinulot ito. "Here" sabi niya at inabot sa akin ng panyo. Parehong-pareho talaga sila ng boses ni Sebastian ng boses. 'Di ko namalayan na nakatitig na ako sa kanya at siya naman ay tinatapik tapik ako sa mukha.

"Ayerah? yung panyo mo"

"Ay salamat. Nahulog ko pala." sabi ko at inabot ko ang panyo. Tumango naman siya at tumingin na sa labas. Inilagay ko nalang muli ang earphone sa tenga ko at pinatuloy na ang pakikinig sa kanta.

---

Salamat naman at malapit na kami sa airport. 8:30 na. Siguradong nandoon na sina Niel at pamilya niya. Base kasi sa ugali ni Tito Emmanuel (ama ni Niel), ayaw nito ng nale-late sa kahit anong bagay. Business man kasi kaya ganyan.

Nang makarating na kami sa airport, bubuksan ko na sana ang pinto nang may naunang bumukas nito. Si Ian. Pero paano siya nakalabas agad?Oo nga pala, mahaba ang mga binti ng isang 'to.

"Salamat" sabi ko. Tumango siya at naunang naglakad papunta sa kinaroroonan ni Niel. Wow ha! Sa una lang gentleman, hindi man lang ako hinintay.

---

"Ingat ka doon ah" saad ko. Kanina pa ako dito parang baliw kakaiyak. Sino nalang ang magiging bestfriend ko? Huhu

"Siyempre naman Erah" sabi niya at kinurot ang pisngi ko. Pumunta ang tingin niya kay Ian. "Ian ikaw muna ang bahala kay Erah ah? Wag mong papabayaan yan" sabi niya at tumango si Ian at ngumiti.

"Niel tara na" sabi ni Tita Teresa.

"Sige po Mommy. Sorry Erah, di kita makikita sa birthday mo."

Pagkasabi niya n'on ay tuluyan nang pumasok si Niel sa eroplano. Pinunasan ko ang huling luha na pumatak galing sa mata ko. Kumaway siya sa huling pagkakataon at ganoon din ako.

Pinalabas na kami ni Ian sa loob ng airport. Ako naman ang naunang maglakad.

Nang akmang papara ako ng sasakyan, pinigilan ako ni Ian. Teka?! Anong problema nito?!

"May sundo na ako parating na siya. Doon ka muna sa bahay namin, gusto mo?"

Napanganga ako ng 'di sa oras. Bakit niya ako inaalok na pumunta sa bahay niya? Close na close na ba kami? Ha?

"Diba sabi ni Niel bantayan kita?" sabi niya na parang nabasa ang nasa utak ko. Mind reader ba 'to?

"Sige na nga" sabi ko. Nasa labas na kami ngayon ng airport at hinihintay na ang sundo niya.

"Ian"

"Hmm?"

"Sino ka?"

Nabigla naman siya sa sinabi ko. Bakit? May mali ba doon?

"Sino ako?"

"Oo"

"Ian Trinidad..?"

Binatukan ko naman siya. Baliw rin ang isang 'to. Alam ko na ang pangalan niya noh! Sinabi kaya sakin ni Niel noong nasa Four Season pa kami.

"Aray naman" sabi niya at hinaplos haplos ang parte ng ulong binatukan ko. Hahaha ang cute niya. Para siyang bata kung kumilos!

"Sorry. Seryoso kasi"

"Sa bahay nalang" sabi niya. Tumango ako at namula sa sunod na ginawa niya. H-Hinahawakan niya kasi ang kamay ko at nang liningon ko siya, ayun! namumula na naman ang tenga niya habang nakatingin sa malayo.

---

"Wow" nasabi ko nalang pagkakita sa buong bahay nina Ian. Mas maganda ito kaysa sa bahay namin.

"Ayerah"

Kanina pa pala ako nakatayo dito sa malaking parking lot nila. Tsk masyado ata akong nawili sa bahay. Naku! Gusto ko rin ng ganito kalaking swimming pool sa bahay namin. Mag-request kaya ako kay Dad?

"Nasaan ang family mo?"

Lumingon siya sa akin at binigyan ako ng isang ngiti.

"Nasa opisina"

Pumasok na kami sa loob ng bahay at talaga namang feel na feel na dito ang pasko. November 20 pa lang pero grabe! Sa bawat sulok ng bahay na 'to, may engrandeng christmas tree.

Pinaupo ako ni Ian sa sofa ng salas nila. Pumunta naman siya sa taas at magbibihis daw.

Kung titingnan ay mukhang magka-level ang pamilya namin. Pero parang mas mayaman sila. Kung makilala lang ni Dad ang pamilyang 'to, sigurado akong hihilingin niyang ikasal ako kay Ian. Tsk

"Gusto mo ng cookies?"

Nasa harap ko na pala si Ian na nakasuot na ng V-shaped shirt at maong pants.

"Sige"

Niyaya niya akong pumunta sa kusina. Akala ko ay kukuha siya sa ref ng baked cookies pero nagkakamali pala ako. Kumuha siya ng mga common ingredients mula rito. Wag mong sabihing SIYA ang mismong magbebake ng cookies?!?! Marunong ba siya?

"Marunong ka?"

"Ng?" sabi niya habang inaayos ang mga ingredients

"Mag-bake"

"Siyempre."

Bakit ba parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko sa taong 'to? Kahapon ko palang siya nakilala pero parang bestfriend na kami. Ang FC niya kasi hahaha

---

"Ang sarap nito ah, saan ka ba natutong mag-bake?"

Itinigil niya ang pagkain sa cookies at nagsalita.

"Ewan ko din eh"

Tumawa ako ng napakalakas at binatukan siya. Napa-aray nalang siya at pinatuloy ang pagkain ng cookies. Baliw din ang isang 'to. Ay teka? Diba sabi niya ngayon niya sasabihin ang tungkol sa buhay niya? Wahhh I'm so excited!

Ano ka ba naman Ayerah! Ikaw ata ang feeling close eh!


Ms. HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon