Ayerah's Point of View
Nagka-ayos na kami ni Daddy. Mas binibigyan niya na ng oras ang pagiging ama sa'kin. I can feel his effort naman eh.
Pero halos dalawang linggo na ang nakalipas pero 'di na tumatawag yung Unknown Caller.
Dahil sa na-curious talaga ako, I dialed the number almost ten times pero palagi nang busy.
Nandito ako ngayon sa kwarto. Niel wants to have a lunch with me kaya nag-ayos na ako. Naghanap ako sa drawer ng pwedeng isuot. Maganda naman lahat ng nandito but I chose the cute one. It was a cute top na checkered pink and blue at skaters skirt na color black.
Kinulot ko ang dulo ng buhok ko. I looked at the mirror and it was PERFECT.
Nagpahatid na ako kay Kuya Nestor,driver namin papuntang Four Season.
Binabagtas na namin ang daan papuntang Four Season nang mag-vibrate ang cellphone ko.
From Niel:
Nasa'n ka na Erah?
I compose a message and sent it to him.
To Niel:
Malapit na ako sa 4S. :)Malapit na kami sa Four Season nang maabutan kami ng traffic. F.ck Ngayon pa talaga nagka-traffic?! Tiningnan ko ang oras sa wrist watch ko at 10:10 na! Ang usapan pa naman ay 9:45 tsk. Pero ok lang, babae naman ako.
Mabuti at madaling naayos ang traffic. May naganap daw kasing aksidente sa may unahan kaya nagkaganun sabi sakin ni Kuya Nestor.
Ibinaba ako ni Kuya sa harap ng Four Season. 10:25 na kaya pumunta agad ako sa taas. Sabi niya kasi nung niyaya niya ako ay sa taas na lang daw kami magkita kaya ayun.
Nagpalinga-linga ako pero wala si Niel. Seriously? Tsk.
Umupo na ako sa usual spot ko. The waiter asked me kung anong order ko pero tinanggihan ko muna siya.
Napatingin ako sa nag-occupy ng seat sa harap ko and it was Niel.
"Sorry nag-CR lang ako.." pagpapaumanhin niya.
Tumango naman ako at tinanong naman niya kung anong order ko kahit alam niya naman kung ano. Pumunta muna siya sa counter at may kakausapin daw.
Bukas na aalis si Niel papuntang US. Nagulat nga ako dahil last week niya lang sinabi sakin. Like duh? Eh bestfriend niya ako tapos di niya ako na-inform agad.
Nainis ako sa kanya noon kaya 'di ko siya pinansin for almost 3 days. Three days lang kasi bestfriend ko siya and 'di ko siya kayang iwasan
Makaraan ang ilang minuto, Bumalik na siya kasama ang isang...lalaki. Medyo mas matangkad ito kay Niel. Nang makalapit na sila sakin. Niel introduced him to me.
"Ayerah, this is ---"
Di natapos ni Niel ang sasabihin niya dahil sumingit ang lalaki.
"Ian.." pagpapakilala nito
Lumapit ako sa kanya at nakipagkamay. Matangos ang ilong nito. Infairness ha! Gwapo si Ian pero...pero...may napansin lang ako. Magkaparehong-magkapareho ang boses nila ni Sebastian. I looked directly to his eyes at ganun din siya.
Napaiwas ako ng tingin dahil pareho din sila ng mata kung wala itong blue contact lens. Pero Imposible. Lumipat na daw kasi si Sebastian ng eskwelahan sabi sakin ni Dad kaya napakaimposibleng siya ito. Tsaka paano naman magiging ganito ka-gwapo ang Nerd na yun diba?
Maybe coincidence lang. Tama! Coincidence lang talaga.
"Ahm Ayerah..Upo ka na" yaya sa akin ni Niel.
Umupo na din ako sa tabi ni Niel at sa harap ko naman ay si Ian.
Hindi ako maka-concentrate sa pagkain at pakikipag-usap kay Niel dahil nararamdaman ko ang titig ni Ian sakin.
Tsk anong problema nito? Kung nakakamatay lang ang mga titig niya, siguro BOTCHA na ako ngayon.
Hmmp pinatuloy ko na lang ang pagkain ko. 'Di ako mabubusog nito eh. Mamaya nalang ako babawi sa bahay.