Chapter 16 - Wrong Move

160 32 6
                                    

Author's Note:

Kapag po may mga typos, sorry kasi nakutsilyo yung kamay ko kaya may band-aid ang thumb ko :(

Someone's Point of View

---

Nandito ako sa harap ng bahay ng mga Martin at inilagay sa baba ng gate ang isang envelope laman ang mailan-ilang litrato. Sigurado akong mabibigla si Mr. Martin dito. Umalis na ako dahil mag-gagabi na at baka may makakita pa sa akin dito.

---

Ayerah's Point of View

"Anong nginingiti ngiti mo diyan ha?" maangas kong tanong kay Ian pagkapasok ko sa kotse niya.

Liningon niya ako, "Selos ka lang." Walanjong Ian 'to. Ako magseselos? Asa siya.

Tinaasan ko siya ng kilay at tumawa nalang siya. Pinaandar na ng driver ang kotse niya papunta sa bahay namin. Bakit parang alam na ng driver ni Ian ang daan papunta sa amin?

"Nakapunta ka na ba sa bahay namin?  Bakit parang alam na ng driver niyo yung daan?"

Nagkibit-balikat lang siya at isinaksak ang earphones niya sa tenga. Wow,as in wow! Bastusan talaga.

Mahaba-habang katahimikan ang sumunod kaya wala na akong magagawa. Kinuha ko ang isang earphone mula sa kanang tenga niya. Bale nasa kaliwa ko siya kaya ng inilagay ko ito sa tenga ko ay napakalapit na ng mukha niya sa mukha ko. Geez Wrong move.

Nakatitig na ako sa maamo niyang mukha. Ganoon din naman siya. Kahit na nakakunot na ang noo niya, hindi pa din siya nagsasalita.

So honey now

Take me into your loving arms

Napaka-gwapo niya talaga. Yung tipong hindi mo aakalaing kakausapin ka niya. Bakit ka ba nag-exist sa buhay ko Ian.?

Kiss me under the light of a thousand stars

Place your head on my beating heart

Mahabang pilik-mata, matangos na ilong, makinis na mukha at..at..magandang labi.

Thinking out loud

That maybe we found love right where we are

"Ehem. Sorry sa istorbo pero nandito na po tayo."

Napa-ayos agad ako ng upo at ibinalik na sa kanya ang earphone. Ano ba naman yan. Tsk
Teka Ayerah, bakit parang disappointed ka? Gahd. Naka-park na pala sa harap ng gate namin ang kotse niya.

"Panira.." mahinang bulong ni Ian. Huh? Sinong panira? Ako? Dahil ba kinuha ko ang earphone niya at naistorbo siya? Naku.

"Bumaba ka na. Magpaalam ka kay Daddy mo kung pwede tayong mag-DATE. Hihintayin nalang kita dito." Kailangan talagang i-emphasize ang word na Date? Kaloka. Papasok na sana ako ng magsalita siya.

"I don't take a no as an answer."

Ang yabang na niya ah. Anong nakain nun? Kaninang nasa school, ok naman siya ah pero bakit noong nasa kotse na kami, biglang nagbago ang mood niya? Baliw.

Ipinihit ko na ang pintuan ng bahay. At halos lumaki ng husto ang mata ko sa nakita. Nakaupo si Daddy sa sofa at ang gulo na ng itsura niya. Yung mukha niya parang galit na galit. Natatakot ako. At ang sala, ang gulo. Nasira ang mga appliances namin. Nagkalat ang mga bubog. Anong nangyayari?

"D-Dad..?"

Akmang lalapit pa lang ako kay Daddy nang sumigaw siya.

"Umalis ka dito. Ayoko ng ibang tao dito sa bahay. Umalis ka!!"

Napa-atras ako sa narinig. Natatakot ako kay Daddy. Pero alam kong kailangan niya ng comfort kaya lumapit ako sa kanya at uupo pa lang nang tumayo siya at inihulog ang vase at malapit na sana akong mabagsakan. Mabuti at nailagan ko ito kundi wasak ang ulo ko.

"Sabi ko umalis ka dito!!"

Tumakbo na ako palabas ng bahay at umiiyak. Bakit ganoon si Daddy? May nangyari ba?

"Ayerah, bakit ka umiiyak?" natatarantang tanong ni Ian. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit at nagu-umiyak sa kanyang damit. Kailangan ko ng kadamay ngayon.

"S-Si D-Daddy." mahina kong bulong. Sapat na para marinig niya.

Hinahagod niya ang likod habang ako naman ay umiiyak sa labas ng bahay.

"Ayerah!"

Liningon ko si Manang Lucia. Lumapit siya sa akin at nagsalita.

"Kani-kanina lang, may nag-doorbell kaya agad akong lumabas. Pagtingin ko wala namang tao pero nung tumingin ako sa baba, mayroong envelope na may nakasulat na 'To Mr. Martin' kaya agad ko itong iniabot kay Sir. Pero nang makita niya ang laman, nagsimula na siyang magwala."

- - -

"Kainin mo na yang pagkain."

Tulala pa rin ako dito sa Four Season at di kumikibo simula sa bahay hanggang dito. Wala ako sa mood at maga din ang mata ko kakaiyak.

Kung di ako pinilit ni Ian ng sobra ay hindi ako pupunta dito.

Sino ang taong nagbigay ng bagay na iyon kay Daddy? Kailangan kong malaman ito.

"Ayerah naman"

Tiningnan ko siya sa mata at kita ko ang pagka-worried niya. Nagpapasalamat pa din ako sa kanya dahil nandito siya sa tabi ko tuwing kailangan ko ng kadamay.

"S-Salamat Ian"

"Para saan?"

"Para sa presenya mo."

Ginulo niya ang buhok ko at napangiti na lang ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ms. HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon