Author's Note:
Try ko lang po mag-third person..Dito lang po ito sa chapter na 'to!Hope you'll understand.
Thank you for reading this..
Third Person's Point Of View
Kasalukuyang nasa isang sikat na restaurant si Ayerah. Habang nagre-reply ito kay Niel ay may lumapit na isang lalaki sa kanya.
Hindi pa napapansin nang dalaga ang presenya ng lalaki kaya ito na mismo ang naunang nagsalita
"Hi Miss, may nakaupo ba dito"tanong ng lalaki habang nakangiti. Siya si Niel Santos. Hindi nakilala ng dalaga ang lalaki dahil na rin sa matagal na silang di nagkikita kahit nasa iisang lugar lamang sila.
"Meron"may inis na sabi ni Ayerah. Marahil ay naistorbo ng lalaki ang dalaga. Ngunit lalong lumawak naman ang ngiti ni Niel. 'Wala pa ring pinagbago si Ayerah..Masungit pa rin'sabi ng lalaki sa sarili
"Here is your order Miss Ayerah"sabi ng waiter at nilapag na ang fried rice, manok at salad. Nginitian lamang ng dalaga ang waiter.
"Sino ka ba?Bakit nakatayo ka pa diyan?"saad ni Ayerah. Tinititigan lang ni Niel si Ayerah,gayundin naman ang dalaga. Tila naman nakaramdam ng hiya ang lalaki kaya nag-iwas na ito ng tingin. Sa ilang taon na hindi sila nagkita ay grabe ang pagka-miss nito sa dalaga.
Bata palang, Alam niya na iba na ang nararamdaman niya sa dalaga. Mahal niya ito hindi dahil sa maganda o mayaman kundi dahil masiyahin ito. May pagkamasungit nga lang minsan.
"Erah..."sabi ng lalaki.
Nagulat si Ayerah sa narinig. Imposible! sabi nito sa sarili. Alam niya sa sarili niya na isang tao lang ang tumatawag nito sa kanya...at ito ay si Niel lamang.
Hindi makapaniwala si Ayerah. Ang laki ng pinagbago ng lalaki. Mas tumangkad at...at...lalong gumwapo ito
"N-Niel?"may tuwang tanong ni Ayerah sa lalaki. Ngumiti naman ang lalaki at niyakap nang mahigpit ang dalaga.
"Ikaw ha!Di mo talaga ako nakilala?"tanong ni Niel at kinurot si Ayerah sa pisngi. Iyon ang kadalasang ginagawa ng lalaki sa dalaga noon.
"Aray naman.!"sabi ng dalaga habang hinihimas ang namulang pisngi.
"Sorry.."sabi ng lalaki at umupo na. Umupo na rin si Ayerah ngunit hinihimas pa nito ang pisngi. Magkaharap sila sa mesa ngayon.
"Magre-reply pa lang ako ah, paano mo nalaman na nandito ako?" tanong ni Ayerah sa lalaki
"Saan ka ba palaging kumakain?balik na tanong naman ni Niel na natatawa. Inirapan nalang ng dalaga ang lalaki. Hindi niya talaga matago ang saya nang makita ang lalaki. Hindi niya pa rin talaga makalimutan ang unang pagkikita nila ng lalaki.
Natatandaan niya noong anim na taong gulang pa lamang siya. Naglalaro lang siya noon mag-isa ng manika sa hardin nang may tumawag sa kanya.
"Psst"
Hinanap niya ito at nakita niya ang isang batang lalaki. Dahil sa likas nang mataray si Ayerah ay di niya pinansin iyon. Don't talk to strangers ang palaging pangaral ng mommy niya.
"Psst" Lumingon ulit siya na may bakas ng inis ang mukha. What's wrong with this kid? tanong ni Ayerah sa sarili noon.
"Bakit?"may taray na tanong ni Ayerah sa bata. Natuwa naman ang batang lalaki dahil kinausap siya nang babae.
"Ano name mo?"tanong ng batang lalaki. Inirapan niya lamang ito at nagsalita.
"Ayerah"sabi ng babae. Lumapit ang batang lalaki sa kanya at sinabi ang kanyang pangalan
"Ako si Niel Matthew, nice meeting you Erah"saad ng batang lalaki.
"A - YE - RAH ang pangalan ko hindi Erah"matawa-tawang sabi ni Ayerah. Bulol pa marahil noon si Niel kaya Erah ang tawag nito sa kanya.
"Erah pangalan mo eh"sabi ni Niel habang kumakamot sa likod na parang nahihiya.
Balik sa kasalukuyan;
"Huy!Erah!"sabi ni Niel at niyuyugyog na si Ayerah dahil matagal itong tulala. Tila naman nahimasmasan na ang dalaga sa pagyuyugyog ng lalaki
"Bakit?"tanong ng dalaga. Bumuntong-hininga na lamang ang lalaki.
"Wala"sabi nito na parang nalugi. Nagtapat na nga ako, nadedma pa! sabi ng lalaki sa sarili.
Nangangahalahati pa lamang sa pagkain si Ayerah nang biglang tumunog ang telepono nito
*toot* *toot* *toot*
"Teka"sabi ni Ayerah at binuksan ang mensahe
From: Daddy
Di ka ba pumasok?Kung hindi, pumunta ka muna dito sa bahay,may pag-uusapan tayo
"Niel sorry ha. Nag-text kasi si Daddy,pinapapunta ako sa bahay. Mag-bisita ka nalang doon kapag may time ka ha?"sabi ni Ayerah. Tumango naman ang lalaki. Namula siya bigla nang humalik sa pisngi niya si Ayerah.
"Bye"sabi ni Ayerah habang kumakaway. Iba na 'to pabulong na sabi ni Niel pagkaalis ni Ayerah. Hawak-hawak niya pa rin ang pisngi niya.
Kalalaki mong tao, kinikilig ka!Ang baduy mo pre pag-kontra ng isip niya. Umalis na siya ng Four Season at pumunta na sa parking lot.
.
.
.
Gusto niyang pumunta sa bahay nina Ayerah para kumustahin si Mr. Martin at makasama nang matagal si Ayerah. Sa susunod na linggo na sila aalis papuntang US for good.
________________
Author's Note:
After ko pong ma-type 'to, dumugo na ang ilong ko. Shemays! Ang lalim. ^.^
Sino ba talaga ang mas bagay kay Ayerah? Si Sebastian a.k.a. Mr. Nerd? o Si Niel?Kailan kaya malalaman ni Ayerah na si Sebastian at Si Mr. Nerd ay iisa? Dyusko naman! Makakalimutin na si Ms. Heartless...XD
Thanks for reading :) Godbless11- 19- 14
©HillariousWP
BINABASA MO ANG
Ms. Heartless
Literatura FemininaKaya nga bang umibig ng isang babaeng walang puso?