Ayerah Point Of View
*BLAG*
Naputol ang pag-uusap usap namin nina Fiona nang makarinig kami ng isang kalabog. Nagpalinga-linga naman ako at nakita ko si Nerd na nadapa.
Pinupunasan niya ang mukha niya nang lumapit ako. Kahit ganito na ako kasamá, tinutulungan ko pa rin ang nangangailangan. Sounds weird? Actually may foundation kami ni Daddy.
Every vacation ay bumibisita kami sa Albay para sa out reach program. Nang nasa harap na niya ako, hindi niya pa rin ako napapansin.
"Here"sabi ko sabay abot ng panyo. Ito ang panyong iniingatan ko. Mukhang nagulat talaga siya dahil biglang lumaki ang singkit niyang mata. Hindi pa rin niya kinukuha. Nangangalay na ang kamay ko ( -_- ) What's wrong with him? Damn...
"Ayaw mo?"tanong kong muli. Matutunaw na ako sa tingin ni Mr. Nerd eh. Kinuha na niya ang panyo sa kamay ko.
"Thank you"sabi niya ng nakangiti. Nagulat ako sa pagngiti niya pero mas nagulat ako nang suklian ko rin siya ng isang totoong ngiti. Nang-ngumiti si Mr. Nerd, naalala ko si Niel. Siya ang kaisa-isang naging kaibigan ko noong bata pa ako.
Speaking of Niel, nasaan na kaya siya?
Iniwan ko nalang sa kanya ang panyo. Siguro nga nagiging mabait lang ako kay Mr. Nerd dahil nakikita ko sa kanya si Niel. Oo dahil lang doon!
Napagpasyahan na lang namin nina Fiona na mag-malling na lang. Umuwi muna kami para magbihis. Suot ko lang ay isang blouse paired with a mini skirt. Si Fiona naman ay T-Shirt then short, samantalang si Ysabel ay Sando with blazer at skirt din.
Pumasok kami sa isang boutique. Naghahalungkat kami ng damit nang magsalita ang saleslady.
"Bibili ba kayo?"tanong sa akin. Lumingon ako sa kanya at aba! aba! tinarayan ako ng lola!
"Of course, alangan naman mangutang di ba?"pangbabara ko sa kanya. Nag-buntong hininga siya at may binubulong na 'Langya itong babaeng 'to...
"Let's go girls!Wag na tayo dito..."lumapit ako sa saleslady at inamoy-amoy ko. Dagdag effect sa susunod kong sasabihin "May mabaho eh..."pagkasabi ko ay umalis na kami
---
"So saan na tayo?"tanong sa akin ni Fiona. Nag-isip isip na naman ako. Mukhang nagutom ako dahil doon sa babaeng yun kaya naisipan kong pumunta sa Four Season Restaurant.
"Doon tayo"sabi ko sabay turo sa direksyon papuntang 4S Restaurant.
"Sa Four Season?Ayerah naman eh."sabi sa akin ni Ysabel. Tumango naman si Fiona bilang pagsang-ayon.
"Ano naman sa Four Season?"tanong ko sa kanila.
"It's kinda Cheaaap..."sabay pa nilang sabi. Inirapan ko sila at tuloy tuloy lang na naglakad patungong 4S.
Hindi ko na sila nakitang sumunod. Seriously?Kaibigan ko ba talaga sila? Sarap nilang itapon sa dagat tapos tingnan natin kong sino ang lulutang nang malaman kong sino ang plastic.
"Good Morning Mam Ayerah"bati sa akin ng guard habang binubuksan ang pinto. Binigyan ko lang siya ng ngiti at dumiretso na sa loob.
As usual napatigil sila sa pagkain. Lalo na yung mga lalaki sa bandang likod. Tila kumikislap kislap ang mga mata nila. Ngayon lang ata sila nakakita ng maganda at sexy na katulad ko.
Nginitian ako ng isa sa mga iyon at ako naman ay sinuklian ko siya ng isang napakatamis na ngiti. Naglakad na ako papuntang second floor ng 4S. Doon lang ako sa gilid. Tinawag ko ang waiter.
"What is your order Miss Ayerah?"tanong sa akin ni Mark,waiter dito. Nagtataka kayo kung bakit kilala ako dito? Kasi sino ba naman ang hindi makakakilala sa anak ng isang businessman na nag-donate dito ng 1M.?
Ganyan kami kayaman. Nang malaman ni Daddy na paborito ko ang Restaurant na 'to. Napagplanuhan niyang bilihin ngunit di pumayag si Mr. Tiu. Kaya nag-donate nalang si Daddy ng 1M para may special treatment para lang sa akin ang Restaurant na 'to.
"As usual"sabi ko. Nginitian niya ako at sinabihan nang pinakagasgas niyang linya.
"You order will be serve on a few minutes"sabi niya
"No. Seconds" sagot ko naman. Tumawa naman siya at tumango.
"Your order Miss Ayerah will be serve in few SECONDS"paguulit niya
"Good.."sabi ko. Umalis na siya para kunin ang order ko. Kinuha ko naman ang cellphone ko.
You have three unread messages...
Binuksan ko ito at binasa.
First Message
From: Ysabel
Girl, dito kami sa Medrez. Wanna join?"
Si Ayerah Martin ang pinapapunta nila diyan?Big NO! Sino ba ang mas mataas sa amin?Ako o Sila? Gahd!!
I close that stupid message. Di na ako nag-reply. Sumakit lang ang ulo ko.
Second Message
From: Niel
Hi Erah!Long time no talk :) Saan ka ngayon?
Halos mapasigaw ako dito sa 4S. Sa wakas, nag-text na rin siya after long..long..time!
Agad-agad akong nag-type. Ilang beses nga akong na-typos sa kakamadaling mag-reply. As you can see, kahit ganito ang ugali ko, may bestfriend at pa rin ako noh! Pero bakit kapag di siya nagpaparamdam namimiss ko siya?Siguro Love as Friends lang 'to.
Kailan nga ba nainlove ang tinaguriang Heartless Queen di ba? Isang malaking kalokohan 'yan kung magkataon.
.
.
.
.
__________________________________
Author's Note
Feedbacks please :)
Kindly correct me if merong wrong grammar or typos. Don't hesitate ^.^
Di ako nangangain, nangangagat lang XD
Di ko nasunod yung schedule ng pagu-update..:'(
ITO PROMISE SUSUNDIN KO 'TO
SCHEDULE:
M O N D A Y and T H U R S D A Y
Depende pa rin po kung may test kami.. Kailangan ko pa ring mag-aral ^.^