Prologue

28 7 0
                                    

A strange scratch woke me up from a deep sleep. I blink twice to clear my vision at biglang may nakita akong pusang tumalon sa may bintana at naglaho nalang ito bigla. Nagkibit balikat nalang ako.

Inayos ko na yung mga gamit ko, nang may nakita akong parang anino ng lalaki dali-dali akong lumabas ng library para sundan ito.  Nang dahil sa kakasunod sa kanya, hindi ko na namalayan na nandito na pala ako sa lumang building sa likod ng school.


May nakita akong lalaki bago siya pumasok sa loob ng classroom ng lumang building, lumingon-lingon muna siya, muntik na niya akong makita kaya nagtago ako sa likod ng punuan.

Nang wala siyang makitang tao pumasok na siya sa loob. Dali-dali naman akong sumunod sakanya, nang sinubukan kung pihitin yung hawakan ng pinto hindi ko mabuksan. Tinignan ko naman yung kabuuan ng pinto nagbabasakaling may butas, at mayroon ngang maliit na butas.

Tumingin ako sa loob ng maliit na butas. Kusang tumulo yung mga luha ko na parang walang katapusan.

Hindi ko inaasahan na ganito yung makikita ko.

Unexpected Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon