Chapter 6

17 2 0
                                    

Xianne's POV

Maaga akong nagising kinabukasan, bumangon na ako sa kama ko at dumiretso sa banyo. Nanghilamos ako at saka tiningnan yung muka ko sa salamin. I look like a mess. Naligo na ako at naghilamos pagkatapos, bumaba ako at hindi na nag-abala pang kumain. Nakakawalang-ganang kumain lalo na't unang bumungad sakin yung mukha ni Yaya Ellandi na nakangiti. Hindi na nahiya. I stared at her face for a second at naramdaman naman nya yung pagtitig ko sa kanya kaya nailang sya. I was about to confront her but dad came, umalis nalang ako sa harapan nila at lumabas.

Naglibot-libot ako dito sa village hanggang sa napadpad ako dito sa park. Tumingin ako sa buong paligid at nakita ko na may bench doon kaya lumapit ako at umupo. Dahil maaga pa, nakita kong mangilan-ngilan lang yung mga tao dito. Ipinikit ko yung mga mata ko at pinakiramdaman ang haplos ng hangin sa aking balat. Ang gaan sa pakiramdam, napakaaliwalas, parang nakalimutan ko sandali yung problema ko. Binuksan ko yung mga mata ko at tiningnan ang mga tao sa paligid. May nagjojogging, may ibang nakaupo lamang gaya ko at may ibang nakangiti habang kasama nila ang kanilang pamilya. Napangiti ako ng mapait, ang saya nila tingnan. Hindi ko maiwasang maalala muli yung nangyari kagabi. Kusa na namang tumulo yung mga luha ko. Ang sakit pa din. What if hindi ako bumaba kagabi? What if hindi ko sila narinig? What if hindi ko sila nakita? Puro what if's, wala namang magbabago, malalaman at malalaman ko din naman, maaga nga lang.

Pinahid ko yung mga luha ko at saka tumayo. Naglakad-lakad ako hanggang sa hindi ko namalayan na nakalabas na pala ako sa village. Nagpasya nalang ako na pumunta sa 7/11. Pagkapasok ko, kumuha agad ako ng siopao at vita-milk at saka tumungo sa counter at binayaran. Umupo ako at nagsimula ng kumain.

Pagkatapos kong kumain, umuwi na ako.

Pagkapasok na pagkapasok ko, dumapo agad yung mga mata ko sa may garden at doon nakita ko sila yaya at dad na naglambingan. Hindi man lang nila napansin na biglang bumukas yung gate. Mga walang hiya. Nasan na ba yung ibang kasambahay dito? Ni hindi man lang sila napansin. Mga walang kwenta!

Pumasok na ako sa loob ng bahay at pumanhik na sa kwarto, dire-diretso akong humiga sa kama. Keaga-aga naglalandian. Maya-maya lang, nakatulog ako sa kakaiyak.

Naalimpungatan ako ng tumunog yung phone ko. Pagtingin ko sa screen ng phone, nakita ko na si Mom yung tumatawag. Dinampot ko ito at sinagot ang tawag.

"H-hello, Mom"

"Anak, how are you?" bati ni Mom

"I'm f-fine, Mom."

"You're stuttering. You sure you're okay?"

"Yes, Mom"

"By the way, Is your dad there? I can't contact him last night, his phone is busy." Oh crap! Paano ko to sasabihin kay Mom.

"Mom, what if may kabit si Dad?" tanong ko kay Mom

"What?! Are you crazy? He can't do that to me. He loves me." Siguradong saad nya. Nasaktan ako sa sinabi ni Mom. No Mom, he doesn't love you, he loves Yaya.

"I'm sorry, Mom" sabi ko habang umiiyak. Natahimik yung kabilang linya.

"You're crying. Is there something wrong?" nag-aalalang tanong ni Mom.

Unexpected Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon