Xianne's POV
Nagising ako sa lakas ng tunog ng alarm clock, tiningnan ko kung anong oras na, nanlaki ang mga mata ko. Shit. Late na ako. Nagmamadali akong maligo at saka ako bumaba. Kumuha lang ako ng tuna sandwich at saka inilagay sa lunch box at ipinasok sa bag ko pero hindi na kasya kaya binitbit ko nalang ito.
Pagdating ko sa school, habang naglalakad ako sa hallway, may bumangga sakin kaya nahulog yung mga gamit ko at ang lunchbox ko. Dali-dali kong pinulot ang mga gamit ko, pupulutin ko na sana yung lunchbox ko pero pagtingin ko nakabukas na ito at nahiwalay na yung sandwich ko sa lunchbox ko. Naiiyak kong tiningnan yung sandwich ko. Wala na, wala na akong pang breakfast, gutom pa naman ako.
Tumayo ako at tiningnan ng nanlilisik ang bumangga sakin pero pagtingin ko nakatalikod na ito. Hindi man lang nagsorry. Tsk. Nilapitan ko ito at kinalabit, paglingon nya sasapakin ko na sana sya pero hindi natuloy dahil pinigilan nya yung nakataas kong kamao at bigla nya akong niyakap. Langya.
"Long time no see, cousin." aniya.
Nanlaki yung mata ko. What the!? Kailan pa sya nakauwi? Hindi man lang nagsabi na nakauwi na pala sya.
"Kail--" hindi pa ako natapos sa sasabihin ko dahil bigla syang nagsalita. Bastos.
"Bye! Late na ako." saka sya kumaripas ng takbo at naiwan akong nakanganga.
Tiningnan ko yung relo ko. Crap. Late na ako. Mabilis akong tumakbo patungo sa room.
Pagkapasok ko, natahimik at napatingin ang lahat sakin. Tiningnan ko si Ms. Vel, nakataas yung isang kilay nya sakin.
"Sorry, I'm late Miss."
"I really hate late comers. Pasok na, sa susunod wag ka na pumasok kung malelate ka. " napayuko ako sa sinabi nya.
Pumasok na ako at dumiretso na sa upuan ko, napasulyap ako kay Peiton at naabutan ko syang nakatingin sakin at nakangisi. Napairap ako sa paraan ng pagtitig nya sakin.
Umupo na ako sa silya ko, habang nagdidiscuss si Ms. Vel, nagvibrate yung cellphone ko kaya kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang nagtext.
From +639123456789
"Hi cous, it's me your handsome cousin, save my number. Btw, san yung room mo? Puntahan kita jan mamaya, sabay na tayo maglunch. My treat *wink*"
Sinave ko yung number nya at nireplyan
"Bldg 2, 2nd floor 12-A"
Pagkatapos ng klase, isa-isang lumabas ang mga kaklase ko. Pagkalabas nila, narinig kong tumitili yung mga kaklase kong kababaihan.
"Goshh! Ang gwapo nya!"
"Sino yan? Ngayon ko lang sya nakita dito, pero infairness ha ang gwapo"
"Oh my god! Ang pogi nya!"
"Sino kaya yung hinihintay nya dito? Ang swerte naman nung girl"
Hindi ko nalang ito pinansin. Tumayo na ako at lumabas, sumabay sakin si Haisley, paglabas namin sinalubong agad ako ng pinsan ko.
"Tagal mo naman, kanina pa ako naghihintay sayo dito." aniya habang nakasimangot
"Sinabi ko bang maghintay ka?" mataray na tanong ko sakanya. Hmp. Hindi ko pa nalimutan yung ginawa nyang pagbangga sakin kanina.
"Attitude ka gurl?"
"Shut up! Hindi ko pa nakalimutan yung ginawa mo sakin kanina, binangga mo ako at nasayang yung tuna sandwich ko, dahil dun hindi ako nakapag breakfast."
"Kaya nga ililibre kita ngayon ng lunch, pambawi ko sayo. Tara na, wag ka na mag inarte jan." tiningnan ko sya ng masama. Arte pala ha.
"Oh, wag mo nga ako tignan ng ganyan. Joke lang eh, kaw naman di mabiro. Tara na nga hehe" aniya habang nakataas ang dalawang kamay.
Naglakad na kami, habang naglalakad kami may biglang bumulong sakin. Oh, nakalimutan ko kasama nga pala namin si Haisley.
"Sino yan? Boyfriend mo?" tanong nya sakin habang nakataas ang isang kilay.
"Hindi ko boyfriend yan. Si Laux yan, pinsan ko sa father side. "
"Bakit di mo sinabi sakin na may pinsan ka palang gwapo?"
"Tinanong mo ba? And of course, gwapo talaga yan nasa dugo namin eh." napaismid sya sa sinabi ko.
Pagdating namin sa cafeteria, nag order agad kami at dahil libre naman ni Laux, dinamihan ko ang pag order ko, sulitin na natin to, libre eh. Pagkatapos namin mag-order, umupo na kami at nagsimula ng kumain habang kumakain kami, pinakilala si Laux kay Haisley.
Napansin kong bumukas yung pinto sa cafeteria kaya tiningnan ko kung sino ang pumasok at nakita ko sya kasama ang mga barkada nya, nagtatawanan sila, napalingon sya sa gawi ko at kinindatan ako, namula ako sa ginawa nya.
Pagkatapos namin kumain ay bumalik na kami sa classroom, habang naglalakad biglang may nagtext sakin. Tiningnan ko ito.
From Babe:
Meet me at the rooftop. After class.
Nireplyan ko lang sya ng okay nang may tumapik sa balikat ko at tiningnan ko yung pinsan ko na tinapik ako. Nagpaalam sya sakin na di na daw nya ako mahahatid sa classroom ko at una nalang daw sya, tumango lang ako at saka sya umalis.
A/N: Loadan ko kung sino ang magcomment. Charing.