Xianne's POV
Pagdating namin sa classroom, nag-umpisa na agad ang klase. Nakinig lang ako, habang nakikinig pumasok sa isip ko yung text nya kanina. Hays. Bakit ngayon lang nya gusto makipagkita sakin? Ilang araw na syang hindi nagparamdam sakin kung kailan kailangan ko sya, wala sya ngayon naman magpapakita na sya.
Nakailang tawag at text na ako sakanya pero hindi man lang nya sinagot. Naiintindihan ko naman na busy sya pero sana naman sagutin man lang nya ang tawag ko dahil nag-alala rin ako.
Kung bakit ba naman kasi tago pa yung relasyon namin. Nahihirapan ako sa ganitong sitwasyon namin samantalang sya hindi ko man lang nakitaan na nahihirapan din sya. Parang wala lang sakanya na nasasaktan ako, kung sabagay hindi naman nya nakikita na nasasaktan ako. Mag-iisang taon na kami sana naman ipakilala na nya ako pagdating ng anniversary namin.
Yes mga peps, tago lang ang relasyon namin dahil di pa daw sya ready na ipakilala ako bilang girlfriend nya, syempre nasaktan ako sa sinabi nyang yon pero okay lang mahal ko eh, naiintindihan ko sya.
Sa tago naming relasyon na to, wala ni isa ang nakaka-alam kahit si Haisley na bestfriend ko, hindi nya alam dahil sabi nya hindi na daw nya kailangan pang malaman saka nalang daw pag ready na sya at syempre ako naman tong si tanga, okay lang basta masaya sya. Kung san sya masaya dun din ako masaya.
Pero buti nalang naisipan din nyang makipagkita sakin kala ko eh nakalimutan na nyang may girlfriend sya.
"That's all for today. Class dismiss."
Tumayo na ako at nagpaalam kay Haisley na una nalang ako dahil may pupuntahan pa ako. Tumango sya at sinabing mag-ingat ako pag-uwi ko. Ngumiti ako sa kanya at tumango din.
Inayos ko na yung mga gamit ko at pumunta na sa rooftop.
Pagdating ko sa rooftop, huminga muna ako ng malalim at saka binuksan yung pinto. Pagkabukas ko sa pinto, bumungad sa akin ang maaliwalas na hangin, papalubog na ang araw.
Lumingon-lingon ako at nakita sya sa may dulo ng rooftop. Lumapit ako sa kanya, pagkalapit ko ay sinalubong agad nya ako ng yakap.
"God! I miss you so much, babe" aniya
Napapikit ako at dinamdam ang init na yakap nya. Niyakap ko din sya.
"I miss you too, Spencer"
Ilang segondo kaming magkayakap at bumitaw na kami sa yakap namin. Tiningnan nya ako sa mga mata ko.
"I'm so sorry babe kung ngayon lang ako nagparamdam sayo, sobrang busy ko kasi at ang dami ding project at sorry din dahil hindi ko nasagot ang mga tawag mo these past few weeks dahil nagkaproblema sa bahay at alam mo naman na dapat kong imaintain yung grades ko dahil scholarship ako at madalas na din kaming nagpapractice ng basketball dahil next week na yung intrams." pagpapaliwanag nya sakin
"It's okay. I understand but next time mag reply ka naman sa mga text ko dahil nag-alala ako baka kung ano ng nangyari sa'yo at kapag may free time ka magdate naman tayo. Miss na kita eh." nagtatampo kong sabi sakanya
"Okay. I'm sorry, hindi na mauulit." paghingi nya ng tawad sakin
"Apology accepted."
"So, how have you been?" pangangamusta nya
"Never been good." I whisper
"I just found out that my dad had a mistress and the worst is, his mistress is my Yaya." I continue. Tumingin ako sa papalubog na araw.
It's already golden hour. Ang ganda ng tanawin dito mula sa rooftop. The skies are turning into pink na may halong orange and the sun is about to set. It's like a picture-postcard. Ngumiti ako ng mapait dahil naaalala ko na naman yung nangyari nung isang araw. Pinigilan ko na huwag tumulo yung luha ko pero traydor na luha to hindi nakisama.