Chapter 5

20 5 0
                                    

Xianne's POV

I glanced at my wrist watch. Ang tagal naman ni Haisley, magkakalahating oras na akong naghintay sakanya dito. Sumipsip ako sa milktea na inorder ko ubos na pala. Binaling ko nalang yung paningin ko sa mga sasakyang dumadaan. Napabuntong hininga ako, tagal naman nun. Binulabog pa nya yung tulog ko para yayain akong magmall. Dito daw kami magmemeet sa Cafeaji, 10:00am at tingnan mo nga naman, pagdating ko wala pa siya. Impakta talaga, pinaghintay pa ako ng kalahating oras.

Napalingon ako ng biglang bumukas yung pinto dito sa Cafeaji at iniluwa nun ang kaibigan ko. She's wearing a jumper shorts with an inner plain white t-shirt while I'm wearing a grey t-shirt paired with a black highwaisted shorts. Lumingon-lingon siya hanggang sa nakita nya ako.

“Beshywaps!” sigaw nya habang kumakaway sakin. Napalingon tuloy yung mga tao sa kanya. Nang makalapit siya sakin tiningnan ko siya ng masama.

“Ingay mo impakta ka, may pa sigaw-sigaw ka pang beshywaps jan. Pinaghintay mo ako dito ng kalahating oras.” inis na sabi ko sakanya. Niyakap nya ako.

“Sorry na Xi.” at nagpuot siya sabay peace sign.

“Stop pouting, you look like a pig.” sinamaan nya ako ng tingin. “By the way, ba't ba ang tagal mo?!” inis na tanong ko sakanya. Umiwas siya ng tingin.

“Kasi matagal.” pilosopong sagot nya. Tss. “Tara na nga.” tumayo na ako, sumunod siya sakin.










---

Pagdating namin sa mall, hinila agad ako ni beshywaps papunta sa salon. Beshywaps. Hehe, sakyan ko tong trip nya. Huminto ako, huminto din siya. Tiningnan nya kong nagtataka.

“Ba't ka huminto?” tanong nya

“Bakit dito sa salon?”

“Isn't it obvious? Magpapasalon duh!” arteng saad nya.

Umupo na kami sa bakanteng upuan. Lumapit sakin yung bakla. Tiningnan nya ang kabuuan ko.

“Girl, anong gagawin natin sa buhok mo?” tanong niya. Magsasalita na sana ako nang pinangunahan ako ng kaibigan ko.

“Ah beks, gupitin mo yung buhok nya hanggang balikat tapos i-curl mo at kulayan mo ng ashgray.” saad nya sa bakla.

“Okay girl, ako na bahala dito sa hairlalu niya.” sabi nung bakla sabay ngiti.

Aba't tingnan mo tong impaktang to, siya pa nagdesisyon kung anong gagawin sa buhok ko. Wala na akong magawa ng sinimulan na ng bakla na gupitin yung buhok ko.

Pagkatapos ng ilang oras, tumingin ako sa salamin. Hmm maganda naman, bagay na bagay sakin. Nagbayad na kami at lumabas na.

Dumerecho kami sa Italian Restaurant para kumain. Late na kaming kumain ng lunch. Pagkatapos namin kumain napagdesisyonan namin na manood ng sine, bumili muna kami ng popcorn at saka pumasok na sa loob ng sinehan.

***

Halos eight na akong makauwi samin, kung saan-saan kasi ako dinala ni Haisley. Hayys... Nakakapagod. Buong araw kasi kaming nagshopping.

Umakyat na ako sa itaas at pumasok na sa kwarto ko. Inilagay ko yung mga shopping bags sa walk-in closet ko, bukas ko nalang yan iarrange. Nagpahinga muna ako sandali at saka nagbihis na ng pantulog, bumaba muna ako para uminom ng milk, nang makababa ako may narinig ako sa may kusina, huminto ako at tiningnan ko kung sino ang nasa kusina at doon nakita ko si dad na kausap si yaya. Nagtaka ako, mukhang nag-aaway sila. Nagtago muna ako saka pinakinggang mabuti kung ano ang pinag-usapan nila. Kinakabahan ako.

“Itigil na natin ito, Francis.” mahinang saad ni Yaya kay dad.

“No.” mariing sabi ni dad. What the heck?! Anong itigil?

“Ano ba Francis! Itigil na natin ito. Ayokong malaman ito ng asawa mo at ni Xianne.” umiiyak na sabi ni Yaya.

“Hindi nila ito malalaman Ella, wala dito yung asawa ko nasa Paris na sya kanina lang yung alis nya.”

“What about Xianne? Pano pag nalaman nya tong relasyon natin?” umiiyak na tanong ni Yaya. Kumalabog yung dibdib ko.

“Busy sa school si Xianne at saka pag nagkikita tayo dito sa bahay wag lang tayong magpapahalata. Trust me, Ella” sabi ni dad kay yaya at saka nya ito hinalikan ng marahan tinugon naman ito ni Yaya, pagkatapos nilang maghalikan, hinalikan nya sa noo si Yaya.

Parang sinaksak yung puso ko sa nakita ko at sa narinig ko. I can't help it but burst into tears. Tang*na. Puta ang sakit. Parang tumigil yung mundo ko. Ang sakit. Ang sakit sakit. Paano nila ito nagawa. Nag uunahang tumulo yung mga luha ko. Gusto ko silang lapitan at sabunutan si Yaya.

Dali-dali akong pumunta sa kwarto ko. Hindi pa rin tumigil sa pag agos yung mga luha ko. How can I tell this to mom? Anong mangyayari kapag nalaman to ni mom? Suminghot-singhot ako. Paano na yung pamilya namin? Fvck. It hurts so damn much. Hindi ko matanggap. Bakit? Bakit nila to nagawa? Bakit si yaya pa? Ilang buwan o ilang taon na nila tong ginawa samin to ni mommy?

I really thought we're a happy family but it turns out my dad had a mistress and I never expected it to be my Yaya.









A/N: Paumanhin po sa mga maling gramatika sapagkat kami ay baguhan lamang dito.

Unexpected Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon