Peiton's POV
Nang magising ako, tiningnan ko yung oras 11:00 am na. Bumaba agad ako para kumain. Pumunta ako sa kusina, nakita ko si dad na kumakain narin.
"Good morning dad." sabi ko.
"Morning. Hindi na kita ginising dahil alam kong napuyat ka sa biyahe. Let's eat." sabi ni dad.
Habang kumakain, biglang nagsalita si dad. "Hindi kaba papasok ng school? Late ka na pero pwede ka pa humabol sa klase mo, tutal 1:00pm pa yung next class mo." Tinanguan ko lang sya.
Pagkatapos kong kumain, umakyat agad ako at dumiretso sa kwarto ko para maligo at magbihis. Pagbaba ko nadatnan ko si dad na handa ng umalis. Nakita nya ako.
"Hatid na kita sa school mo tutal doon din naman ang daan ko papunta sa company."
"Okay."
***
Pagdating namin sa school, lumabas ako sa kotse at nagpaalam na kay dad. Dumiretso ako sa principal's office para kunin yung schedule."Peiton Gertrude, the transferee" biglang may nagsalita sa likuran ko. Tiningnan ko kung sino yun at nakita ko yung babae na naka eyeglass, tiningnan nya ako.
"I'm your adviser, just call me Ms. Vel. Sumama ka na sakin at pumunta na tayo sa room. I don't like wasting my time." Sumama agad ako sakanya. Mukhang terror teacher to.Pagdating namin sa room, natahimik agad sila.
"Good afternoon class, As you can see may kasama ako ngayon. Sya yung bago nyung classmate." Tiningnan nya ako at tinanguan.
"Introduce yourself, iho." Tumingin sila lahat saken, nag aantay sa sasabihin ko.
"Peiton Gertrude. 17." Sabi ko. As simple as that.
"Yun lang?"
"Kyaaaahhhhh! Notice me poooo!"
"Ang gwapo teeeehhhhh!"
"Ang cool nya *.*"
Tili ng mga babae. Tsk. I really hate girls when they scream, it's irritating. Nilibot ko ang paningin ko at may nakita akong bakanteng upuan sa likod nung babaeng nakabraid ang buhok. Naglakad ako papunta dun, huminto ako sa harapang nung babaeng naka braid. Natulala ako sandali sa kanyang maamong mukha.
"What?" bigla akong natauhan nang magsalita sya. Umupo na ako sa likuran nya at nag umpisa na ang klase.
*after an hour*
"Class dismiss"
Tumayo na ako at lumabas. Paglabas ko sa gate, nakita ko si dad na mukhang naghihintay saken, lumapit agad ako sa kanya at pumasok na sa kotse. Habang nagddrive si dad tinanong nya ako.
"How's your first day of school?" pumasok agad sa isip ko yung babaeng nakabraid.
"Okay lang" walang ganang sagot ko.
Pagdating namin sa bahay, dumiretso ako sa kwarto at nagbihis pagkatapos kong magbihis bumaba agad ako para kumain.