Xianne's P.O.V.
The school bell rang. Tumayo ako at inayos yung mga gamit ko. Lumapit sakin si Haisley Bernard, ang bestfriend kong loka-loka.
“Hoy! Sabay tayo mag lunch” sabi niya. Pinatuloy ko yung pag ayos ko sa mga gamit ko.
“Hoy! Narinig mo ba ako?”
“Oiii, Xi”
“XIANNE MENDOZA!!” kinuha nya yung earphones ko at isinalpak nya sa tenga niya. Kumunot yung noo nya.
“Wala namang tugtog, ah! Bakit di mo ako pinapansin?!” asar na sabi nya.
“Ano naman sayo?” sabi ko at lumabas na sa room, sumunod naman siya saken.
“Galit kaba saken?” Tanong niya.
“Hindi” malamig kong sabi sakanya.
“Bakit naman anlamig mo saken?” tanong ulit nya.
Habang naglalakad kami patungong cafeteria, kinukulit parin nya ako kung bakit galit ako sakanya at anlamig ko raw.
“Hoy ano ba! Parang tanga naman to! Bakit ba kasi galit ka ha?” Patuloy nyang sabi sakin na hindi ko naman pinapansin.
“Xi naman eh, may nagawa ba akong mali?” Sinulyapan ko siya at mukhang iiyak na. Pfft. Wala naman kasi siyang ginawang mali, pinagtitripan ko lang naman siya.
“Hahaha!” Tiningnan nya akong nagtataka.
“May nakakatawa ba?” saad nya.
Kasi naman yung mukha nya parang pinagsakluban ng langit at lupa.
“Ha.ha.ha ang funny mo” sabi nya.
***
Pagdating namin sa cafeteria, agad naman kaming um-order kasi kanina pa kami gutom, pagkatapos umorder agad kaming umupo at nagsimula nang kumain.
“Xi, alam mo ba na may transferee?” tanong niya. Umiling lang ako.
“May narinig rin akong sabi nila na ang gwapo raw at sobrang hot” kinikilig nyang sabi.
“Ang chismosa mo talaga” sabi ko naman.
“Eehhhhh! Sa narinig ko lang naman ehh” sabi niya.
Habang kumakain kami, talak parin sya ng talak hindi ko nalang sya pinansin.
Pagkatapos namin kumain sakto namang nag bell na. Bumalik na kami sa classroom at pagpasok namin agad kaming pumwesto sa mga upuan namin.
Habang nagmuni-muni biglang bumukas ang pinto at iniluwal nun ang aming teacher na may kasamang lalaki.
Baka ito na yung sinasabi ni Haisley na transferee. In fairness may itsura sya. Lande ko. Hehe.
“Good afternoon class, As you can see may kasama ako ngayon. Siya yung bago nyung classmate.” Tumingin sya sa bago naming kaklase at tumango.
“Introduce yourself, iho.”
“Peiton Gertrude, 17” pag iintroduce nya
“Yun lang?”
“Kyaaaahhhhh! Notice me poooo!”
“Ang gwapo teeeehhhhh!”
“Ang cool nya *.*”
Tili ng mga kaklase ko. Nabigla ako ng papunta sya sa pwesto ko at nagtama ang mga mata namin. Huminto sya sa harapan ko.
“What?” sabi ko sakanya pero tinignan nya lang ako at pumwesto na sa likod ko. Pshh. Sungit. Napahiya ako dun ah.
Nag umpisa na ang klase. Habang nakikinig ako, panay naman ang sulyap ng mga kaklase kong babae sa likod ko. Haayy, ang boring.
*after an hour*
“Class dismiss”
Nagsimula na kaming tumayo at inayos ko muna yung mga gamit ko, lumapit saken si Haisley.
“Sabay na tayo umuwi, Xi.” tumango lang ako at sabay na kaming naglakad palabas.
***
6:30 na ng gabi nang nakauwi ako samin. Pagpasok ko sinalubong agad ako ng yakap nina mom at dad.
“O anak, nakauwi ka na pala halika na at kumain na tayo”sabi nya.
“I'm just gonna go upstairs and change my clothes mom.” sabi ko.
“Okay, dalian mo.”sabi ni mom.
---after dinner---
Umakyat na ako at pumunta sa kwarto ko. Umupo muna ako sa kama nang biglang nag ring yung cellphone ko senyales na may tumawag, dinampot ko ito at sinagot.
“Hello?”
“Hoy Xi” kumunot yung noo ko at tiningnan kung sino ang tumawag at nakita kong nakapangalang Haisley.
“Oh ly, ba't ka napatawag?” tanong ko.
“Ano tingin mo dun sa transferee?”-Haisley
“Masungit.” sabi ko.
“Ba't mo nasabi?”-Haisley
“Ba't mo natanong?” pabalik kong tanong sakanya.
“Eh kasi naman ang gwapo nya at ang cool cool din nya”. kinikilig nyang sabi saken.
“Ano connect?” walang ganang sabi ko.
“Problema mo, ha?” pikon na sabi nya.
“Wala naman, pikon” sabi ko.
“Hmp, by the way sabay ulit tayo mag lunch bukas. Goodnight loveyah, mwah” at binaba na nya yung tawag.
Dumiretso na ako sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo humiga na ako sa kama at natulog.
A/N: Hiii! Please vote wisely. Hahahahaha jok lang. Korneh hehe