Xianne's POV
Tumunog yung alarm clock at bumangon na ako. I did my morning routine and went downstairs. Habang naglalakad ako patungong kusina, naamoy ko na yung luto ni yaya, amoy bacon.
“Goodmorning, ya” bati ko kay yaya.
“Oh iha, gising kana pala halika na at kumain kana dito” sabi nya.
“Where's mom and dad?” tanong ko.
“Pumunta na sa trabaho yung mom at dad mo” sabi nya. Tumango lang ako.
Pagkatapos kong kumain. Pumunta na ako patungong school.
***
Pagdating ko sa school, dumiretso ako sa locker ko at pagbukas ko kinuha ko na yung mga gamit ko. Pagtalikod ko, napatili nalang ako nang biglang tumambad yung mukha ng kaibigan kong loka-loka.
“Aaaahhhh! Bwiset ka!” walang hiyang babaeng to.
“HAHAHAHA! Ang epic ng mukha mo Xi, sana pala kinuhanan kita ng litrato para makita mo mukha mong nakanganga” natatawang sabi nya.
Pesteng bruha to. Bahala na nga sya jan. Umalis na ako sa harapan nya.
“Hey! wait for me” sigaw nya saken.
Hindi ko sya nilingon. Tumakbo sya patungo saken at sabay kaming naglakad. Habang naglalakad kami, she keeps talking about that transferee like there's no tomorrow pero hindi ko sya pinansin. Kagabi pa to ah, baka crush nya yung transferee.
Pagdating namin sa room, kanya kanya na kami sa pwesto namin at nakita ko yung transferee na nakatingin saken. Tumingin din ako sakanya kaya umiwas sya ng tingin. Umupo na ako at sakto naman pagdating ni Ms. Vel at nag start na yung class.
Habang nagdidiscuss si Ms. Vel, ramdam kong may nakatitig saken sa likod kaya tiningnan ko sya. Nagkasalubong kami ng tingin. Ba't ba tingin ng tingin to saken? Creepy.
Ringgg.....Ringgg.
Tumayo na ako at inayos yung mga gamit ko, lumapit si Haisley saken.
“Ah ly, una ka nalang sa cafeteria susunod nalang ako” sabi ko.
“Bakit? San ka pupunta?” tanong nya.
“Magc-cr lang ako” sagot ko.
“Okay” sabi nya.
Habang inaayos ko yung mga gamit ko, nakita ko yung transferee na lumapit saken.
“Uh, hi!” bati nya, tiningnan ko sya at nakita kong kumakamot sya sa ulo nya. May kuto ba sya?
“H-hello.” naiilang kong sabi sakanya.
“Xianne, right?” ngiting tanong nya saken. Akala ko masungit to, mabait naman pala. Don't judge the book by it's cover ika nga nila.
“Y-yes. Why?” naiilang pa ring sabi ko sakanya. Teka? Ba't ako naiilang?
Ang gwapo nya pala sa malapitan. Hihi. Ayy talande ko talaga.
“P-pwede sabay tayo mag lunch?” nahihiyang sabi nya.
“Bakit?” tanong ko sakanya.
“Wala akong kasabay maglunch.” lumungkot yung mukha nya.
“O-okay” naiilang kong sabi.
“Hintayin nalang mo muna ako dito, magc-cr pa ako” sabi ko sakanya. Kapal naman ng mukha ko, sya pa talaga yung pinaghintay ko ah. Hehe.
“Sige.” ngiting sabi nya. Pumula yung mukha ko kaya dali-dali akong tumalikod sa kanya.
Pagkatapos kong magcr, bumalik ako sa room at nakita ko syang naghihintay saken.
“Tara.” sabi ko. Tumayo na sya at sumabay saken.
Habang naglalakad. Walang nagsasalita samin. Pinagtitiningan kami, yumuko lang ako. Awkward.
Pagdating namin sa cafeteria, hinanap ko agad si Haisley na nasa dati naming upuan, nagcecellphone. Mukhang hinihintay nga nya ako. Nilapitan ko sya at tinawag.
“U-uh Haisley” tiningnan nya ako at napatitig sya sa katabi ko. Nahulog yung cellphone nya habang nakanganga.
*.* -mukha ni Haisley.
Tingnan mo nga tong babaeng to. Parang tanga. Nakanganga pa talaga ah.
“Hoy, itikom mo nga yang bibig mo, nakakahiya ka.”
Napakurap-kurap sya. Umupo na kami at nag order. Habang nag oorder kami, bumulong sya saken.
"Xi, ba't kayo magkasama? Ikaw ha, may hindi ka ba sinasabi saken? Ha?” tanong nya habang kinikilig.
“Wala, boba ka talaga. Gusto lang nya makisabay satin kasi wala syang kasabay” sagot ko.
“Ahhhh okayyy” pang aasar nya. Inisnob ko nalang sya.
Pagkatapos namin mag order, kumain na kami. Habang kumakain kami, walang nagsasalita samin. Himala, hindi nagsasalita si Haisley.
Pagkatapos namin kumain, bumalik na kami sa room at umupo na sa pwesto namin. Pumasok na yung prof.
Habang nagdidiscuss yung prof namin, nakatunganga lang ako. Humikab ako. Inaantok na ako. Ang boring ng subject, History.
Nang may kumalabit sa akin, tiningnan ko kung sino yun at yung transferee pala.
“Bakit?” inaantok kong sabi sakanya.
“Ang ganda mo pala no?” ngiting sabi nya.
Hala. Umiinit pisngi ko. Ang ganda ko raw? Hihi, syempre mana kay mom. Napaiwas ako ng tingin sa kanya.
“Namumula ka, ang cute mo” sabi nya.
“Hindi ako namumula” pagtanggi ko. Ano ba yan. Wag ka nga. Ahihihi.
Baka ma fall ako at hindi mo ako sasaluhin. Jok lang.Nawala tuloy yung antok ko dahil sa sinabi niya.
"Class dismiss" -prof
Agad-agad akong tumayo at lumabas para umuwi.
***
Pag uwi ko, don ko lang namalayan na hindi pala ako nagpaalam kay Haisley. Paktay. Magtatampo siguro yun. Bwiset namn kasi yung Peiton na yun eh.
“Haaaayyyyssss. Whatta day.” sabi ko.