Linggo ng Pag-akyat sa Langit

8 0 0
                                    

EBANGHELYO : Mat. 28:16-20 (cycle A, year II)

"Pumunta ang labing-isang alagad sa Galilea, sa bundok na sinabi sa kanila ni Jesus. Nang makita nila si Jesus, siya'y sinamba nila, subalit may ilan sa kanilang nag-alinlangan. Lumapit si Jesus at sinabi sa kanila, "Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. Kaya't humayo kayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng mga bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon."

PAGNINILAY

"You are not alone" Ngayong pong linggong ito ay ipinagdiriwang natin ang linggo ng pag-akyat ng Panginoon sa langit. Ang ebanghelyo po natin ngayon ay ang kabanata ng mga panyayari bago umakyat ang Panginoon sa langit. Dahilan sa ibinigay na sa kanya ang lahat ng kapangyarihan sa langit at lupa, ipinagutos naman niya sa kanyang mga alagad na gawing alagad ang lahat ng mga bansa at bautismuhan sila sa ngalan ng Talong Persona, Iisang Diyos at turuan. At pinaalalahanan sila na siya'y laging kasama nila hanggang sa katapusan. Ano po ang nais iparating ng Ebanghelyo sa linggong ito? Una na tayo ay may tungkuling ipalaganap ang Ebanghelyo at pangalawa, ipinapaalala sa atin na hindi niya tayo iiwan at tayo'y laging kasama niya hanggang sa wakas ng Panahon.

Ipinapaalala ng Panginoon ang tungkulin natin bilang mga tagasunod, ang ipalaganap ang mabuting balita ng Panginoon. Ninanais ng Panginoon na ituro natin sa ating mga kapwa, sa mga kaibayong pananampalataya, sa mga hindi pa nararatnan ng mabuting balita, ang kwento ng kaligtasan. Nais ng Panginoon na namalaman, hindi lamang ng mga taga Israel ang ebanghelyo kundi ng buong mundo. Bakit? Sapagkat hindi madamot ang Diyos. Sapagkat maawain ang Diyos. Bagamat ang mundo ay tumalikod sa iisa at totoong Diyos, nais padin niyang mag-pakilala sa kanila. Nais niyang akayin natin sila sa tamang landas na patungo sa kaligtasan. Nais ng Panginoon na sila'y mabinyagan sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo, upang mapaanib sa sambayanan ng Diyos, ang Iisang Santa Iglesia Katolika Apostolika Romana nang sa gayon ay magkamit sila ng kaligtasan. Kahit kinalaban ng mundo ang Diyos, nais parin niya na sila'y mangaligtas. Alam ng Panginoon na bilang mga tao maaaring hindi natin makayanang magpahayag ng salita ng Diyos, manghina ang ating loob, tanggihan at usigin ng mga tao, at matakot. Kaya naman sinabi niya na lagi natin siyang kasama. Kaagapay sa anumang problema at dalahin, kasama oras-oras at ara-araw, tutulungan tayo sa lahat ng mga bagay at hindi tayo iiwan hanggang sa katapusan ng panahon. Mga kapatid, mahirap magpahayag ng mabuting balita, ngunit lagi nating tatandaan na hindi tayo nag-iisa, kasama natin ang Panginoon. Mahirap mabuhay sa mundong ito, napakaraming dalahin at problema, ngunit wag nating kakalimutan na hindi tayo nag-iisa, kasama natin ang Panginoon. We are not alone, Christ is with us always until the end of time. Amen.

Pahinga't Pahina: Mga pagninilay ni BraderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon