CLOUD
"Bata what happened?!" Tanong ng isang batang babae na nakasuot ng kulay orange na dress, orange na clip at orange na doll shoes.
"H-hoppy is g-gone..." the little girl wiped her tears.
Tumingin sa kanya ang batang pinaglihi sa orange at inabutan ng icecream ang batang kanina pa nakatayo habang nakatingala lang sa langit.
"Here oh, grab this its yummy!"
Kinuha naman ng bata ang ibinigay sa kanyang icecream ngunit nagsalita ulit ang batang pinaglihi sa orange.
"Don't worry mapupunta rin sha sa heaven!"
with an assuring smile.The little girl smiled upon hearing those words from her.
"Hey ulap wakey wakey!"
Kinusot ko ang aking mga mata. Bumungad sakin si Ana na nakayuko sa harap ko, doon kasi ang pwesto niya.
Ang ganda talaga niya kahit bagong gising, no wonder maraming may gusto sa kanya—isali mo na ron si Vaughn.I only smiled at her. Nagets na niya sigurong gising na nga ako. Kaya bumaba narin siya ng car.
Nakita ko namang nakaparada pala kami sa isang gasoline station. Mabuti narin dahil mahaba habang roadtrip 'to for sure.
Lately, napapanaginipan ko siya. Siguro dahil malapit na ang death anniversary niya. Masaya sana kung nandito siya kasama namin, maingay pa yun kay Vaughn eh. I fucking miss her. I fucking miss my bestfriend.
Bumaba narin ako ng car. Hinanap ko sila at nakita ko si Vaughn malapit sa may poste na naglalaro sa imburnal.
What the fuck.
Hinila ko siya palayo sa imburnal. Hindi siya pumalag. Anong problema neto? Okay naman siya kanina ah.
"Geez von von! alam mo namang mabaho at napakadumi ng imburnal kaya bakit di moko tinawag? Edi sana may kalaro ka!"
I faked a laugh. Pero walang effect. Hindi siya nagsalita. Nakayuko lang sha.
Alam ko namang gago sha pero hindi ko akalaing ganon sha kagago. Dahil bato sa confession niya kay Ana kanina? O baka may nangyari nung tulog pa ako..
"Hey, look at me nga." Pilit ko shang pinapatingin saken.
"She likes s-someone e-else..." Oh God, he's about to cry.
I pulled him into a hug. This boy needs this right now. Alam kong masakit. Alam kong nasaktan sha. Kasi alam ko ang pakiramdam ng hindi pinipili. Hindi mo rin naman pwedeng pilitin na piliin ka nila dahil kung gusto ka ng isang tao, hindi na kailangan pa ng pilitan. Pipiliin at pipiliin ka niya hanggang sa magsawa o magsisi siyang pinili ka niya. And for the pain to go away? you just need to learn to accept things—to accept it.
Naramdaman kong nabasa yung balikat ko. He's really crying! Pangalawang beses kona shang nakitang umiyak. Una sa pagkawala ng mommy niya ngayon naman kay Ana.. poor boy.
"Tahan kana.. baka makita kapa nilang ganyan at punasan mo nga yang sipon mo! "
Natawa ako sa reaction niya, talagang pinunasan ng gago ang mata niya pati narin ang ilong niya kahit wala naman talagang lumabas na sipon.
"Ulap! Vaughn! Aalis na tayo!" tawag samin ni Chain. I just nodded.
Naglakad kami papunta sa car. Hindi na naman halata na umiyak si Vaughn kaya ayos narin baka malaman pa nila—ni Ana.
---
Nakasilip lang ako sa bintana. Nakikita ko ang mga naglalakihang kahoy na kahit saan ka tumingin makikita't makikita mo ito.
YOU ARE READING
HULI
Mystery / ThrillerPagod na siyang dumepende sa sitwasyon. Pagod na siyang mahuli palagi. Kaya sa susunod niyang gagawin, ano ang kahihinatnan nito? Ito na ba ang huli? O siya ang nahuli? [Crdts: Pinterest]