CLOUD
Pilit kong binubuka ang talukap ng mga mata ko ngunit nahihirapan ako dahil sa sakit na aking nararamdam. Nahihilo ako at napakasakit pa ng katawan ko. Ano ba ang nangyayari? Bakit parang ang sakit naman yata ng pangangatawan ko..
Gamit ang dalawa kong kamay, kinapa ko ang paligid. May na hawakan akong matulis na bagay kaya agad akong napahiyaw sa sakit! Ngunit kasabay 'nun ay may narinig akong sumigaw sa di kalayuan..
"A-aray.. tangina tulong!"
Sa wakas, tuluyan ko ring naibuka ang mga mata ko. Agad kong hinanap ang boses. Kilala ko kung kanino yun. Hindi ako pwedeng magkamali.
"Vaughn.. vaughn asan ka..asan sila.." pilit ko paring iniinda ang sakit. Wala akong pakealam. Kailangan kong mahanap ang mga kaibigan ko. Kailangan naming makaalis rito.
***
I can't open my eyes easily because of the white light that's in front of me. Nasisilaw ako shuta. Pero laking tuwa ko ng tuluyan ko ring naidilat ng maayos ang mga mata ko. Salamat naman. Pinagmasdan ko ang paligid, all I can see is plain white. Simula sa mapuputi kong kilikili— siyempre alagang-ala ko itu— hanggang sa mapuputing dingding down to the white floor. What the hell? Asan ako? Nasa langit naba ako? Kukunin naba ako ni bro? Pero kanina lang nasa car ako kasama ang mga kaibigan ko.. Wait, nasan sila? Ba't wala sila rito? Ah, sa laki ba naman ng mga kasalanan ng mga ugok nayun imposibleng makaakyat sila rito.
Ilang sandali pa ay bumukas ang isang pintuan. Agad akong napatingin sa kung sino ang pumasok. Isa pala itong nakaputi na butiki— ay nurse pala. Pota akala ko pa naman si Bro! Pero shuta ba't may nurse rito? Akala ko ba nasa langit na ako? Baka eto yung sinasabi nilang tagasundo?
"Miss, ayos ka na ba? Pwede na ba kitang matanong?" Nagsalita siya at ngumiti.
"Nasa langit na po ba ako?" Mabuti ng klaro para walang diskwido, char.
"Ha? Niloloko mo ba ako? Akala ko ba naaksidente ka pero ba't mukha kang nakadrugs? Na rehab kana ba?" Naguguluhan niyang tanong.
Huh? Anong aksidente ang pinagsasabi neto? At yuck! Never pa akong nakatake ng drugs maliban 'yung galing sa drugstore!
"Miss, kalma lang muna.. Nandito ka sa ospital— hindi sa langit at saka dadaan ka munang purgatoryo uy! Isa pa, kakasabi ko lang diba, nanggaling ka sa isang aksidente—isa ka sa mga nakaligtas.."
What the fucking fuck?! Anong Nakaligtas? Anong Aksidente?
Namalayan kong may tumulong luha na pala galing sa mga mata ko. Kaya ba wala rito ang mga kaibigan ko?!
"P-pero kanin-na lang ho—,"
Hindi ko na natuloy ang sagot ko nang maalala ko ang mga nangyari.. sana isang malaking prank lang 'to ng mga kaibigan ko dahil mabait naman ako.. mapapatawad ko naman sila.. pero hindi eh..
Hindi ko mapigilang mapahikbi. Hindi pwede.. hindi maaari.. Pumasok sa isipan ko lahat ng nangyari. Potangina lahat lahat!
Naaalala ko simula nung hinintay ko sila sa waiting shed dahil napagkasunduan naming magroadtrip hanggang sa niliko ni Chain ang kotse upang makabalik kami dahil may bagyong paparating.. hanggang sa tuluyang sumalpak ang kotse namin...
"Ang mga kaibigan ko.. asan ho ang mga kaibigan ko.." humikbi ulit ako.
"Ilan ba kayong lahat ng mga kaibigan mo? Kasi 'nung dinala kayo rito ng mga pulis, apat lang kayong isinugod nila."
YOU ARE READING
HULI
Mystery / ThrillerPagod na siyang dumepende sa sitwasyon. Pagod na siyang mahuli palagi. Kaya sa susunod niyang gagawin, ano ang kahihinatnan nito? Ito na ba ang huli? O siya ang nahuli? [Crdts: Pinterest]