kabanata 5

11 4 1
                                    

Third Person's

Bawat yapak ng binatilyo sa loob ng kusina ay mas lalong nanginginig sa takot ang isang batang babae.

"Kung ako sayo, wag kanang magtago kasi it's useless. Mahahanap rin naman kita.." may panunuksong ngiti sa labi ng binatilyo.

Napatakip lamang ng bibig ang batang babae na nagtatago sa loob ng cabinet na nasa ilalim ng sink.

Muli siyang sumilip sa nakaawang na cabinet. Nakita niyang may dala-dalang itong isang cutter. Muling humikbi ng palihim ang batang babae at tinakpan ang kanyang bibig upang hindi siya gumawa ng ingay, nang sa ganon ay hindi siya matunton ng binatilyo.

Hikbi pa rin siya ng hikbi. Bigla niyang nasagi ang isang tubo malapit sa kanyang paanan. Nadinig ito ng binatilyo at agad na tumungo sa kanyang kinaroroonan. Alam ng batang babae na anomang oras ay mahahanap na siya ng binatilyo.

Ilang sandali pa ay napasigaw sa gulat ang batang babae dahil natagpuan na siya. Pwersahan siyang hinablot palabas ng binatilyo mula sa loob ng cabinet.

"Mommy! Daddy! Please help me! Mommy!"

"Hush... shhh... no one can hear you from here.." pagpapatahan ng binatilyo sa kanya.

"No! No! Please kuya... im your sister.." hiyaw siya ng hiyaw ngunit alam niyang wala nang makakarinig sa mga palahaw niya.

"Kaya nga diba? Im your kuya, so give kuya what he wants little sis.."

"Kuya please..." sa huling pagkakataon ay nagmakaawa siya sa nakatatandang kapatid ngunit para lamang siyang hanging nagsalita dahil hindi ito pinakinggan ng binatilyo at tuluyang ginawa ang kahalayan sa sariling kapatid.

Napabalikwas sa pagtulog ang dalaga ng bumalik na naman sa kaniya ang bangungot ng nakaraan.

"Shh.. he's gone now. He can't do it again.. You'll be okay, Nova.. you're brave right?" Pagpapaalala ng dalaga sa kaniyang sarili. Ngunit alam niyang pwedeng bumalik ang hayop na yun oras na makalabas ito..

Ngayon lang niya napansin na may hawak-hawak pala siya—isa itong lukot na papel. Sa kuryusidad, agad niya itong binuklat.

"Sa pagsapit ng dilim ay siyang pagkapit ng patalim.."

Mahinang basa ni Nova sa nakasulat sa papel. Nakita niya lamang ito sa kanyang kamay. Pagtataka ang rumehistro sa kanyang mukha. Anong ibig ipahiwatig ng nakasulat? Paano ito napunta sa kamay ko? Sino ang naglagay neto?

Ipinag-walang bahala na lamang niya ang nakasulat. Naramdaman naman niyang maiiihi siya kaya't bumangon at paika-ikang naglakad palabas ng kwarto papunta sa isang sulok dahil nandoon ang banyo. Pagtapos niya ay pumunta siya sa kusina upang uminom sana ng tubig ng makarinig siya ng kalansing na nagmula sa labas.

Ano naman kaya ang ginagawa ng taong 'yun? Hating gabi na ah? Nasabi na lamang niya sa kanyang isip pero hindi na lamang niya ito pinakealaman dahil dinalaw ulit siya ng antok.

Babalik na sana siya sa kwarto nang biglang may humablot sa kaniya at tinakpan ang kaniyang bibig. Nang kumalma na siya ay tinanggal ng taong humablot sa kaniya ang kamay na pinangtakip sa bibig ng dalaga.

"Dos?! what the hell! You almost gave me a heart attack!" gulat na pabulong ng dalaga nang malaman na ang kaklaseng si Dos pala ito.

"Shh! Baka marinig nila tayo.." senyas sa kanya ng binata.

"Huh?! what are you talking about? Umayos ka nga, naguguluhan ako sa mga kinikilos mo.."

Hindi siya sinagot ng binata bagkus ay sumilip ito sa labas ng kwarto upang makasiguradong walang tao. Sumunod naman ang dalaga nang lumabas na sila mula sa kwarto.

HULIWhere stories live. Discover now