Third Person's
"Ysay hija, hindi pa rin ba tumatawag ang kuya mo?" may halong pag-aalala sa tanong ng matanda.
Umiling ang dalaga, "Hindi pa rin po.. but I tried calling him kaso unattended po kaya nag leave po ako ng message kay kuya. Siguro nabusy lang po. Sinusulit lang po 'nun ang oras nila." at ngumiti ito.
"Kung sabagay hija may punto ka.. pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala para sa kapatid mo. Tumatawag naman kasi 'yang kuya mo palagi.." giit ng matanda.
"Kuya's responsible, Auntie. Alam naman natin 'yun. Hintayin nalang natin at uuwi rin 'yon."
"O siya't magluluto na ako, Ysay. Just call me if tumawag na ang kuya mo." At bumaba na ang matanda.
Napatingin ulit ang dalaga sa hawak-hawak niyang cellphone. Napakagat siya ng labi habang tumipa ulit ng mensahe para sa kapatid. May konting pag-aalala at kasiyahan sa kanyang isip.
Pag-aalala, dahil ang paalam ay dalawang araw lamang ito sa nasabing Resort para sa kanilang goodbye trip pero magta-tatlong araw na magmula nang umalis ang binata. At hindi ito sumasagot sa mga mensahe niya.
Kasiyahan, dahil alam niyang simula palang ayaw nang sumama ng binata sa mga kaklase dahil mapapagod lang daw siya. Alam niyang mailap ang kapatid niya kaya naging masaya siya nang mapapayag niya ito.
Kuya ko??
2 days ago
Kuya nakarating na kayo?
Maganda ba ang dagat? May isda ba? Manghuli ka daw ng isa sabi ni Auntie!!
Kuya!! May pogi ba jan?! Sagot!!
Kapag hindi nag reply makakalbo!!
1 day ago
Good morning kuya!! Kumusta jan?
May pogi na ba?Wala kang load noh? Ang cheap mo kuya
Grabe ang arte!!
Kuya pinapatanong ni Auntie Sherry kung anong oras ka darating.
Today
Kuya naman uso reply
Baka nakakalimutan mo kuya ikaw na ang maghuhugas ng mga plato bukas!!
Wag mo takasan ang responsibilidad mo!!
Magpakalalaki ka!!Kuya nag-extend ba kayo? Tumawag ka naman!
Kuya nag-aalala na si Auntie sayo! Tawagan mo siya kapag di kana busy.Kuya, hindi na ba kayo babalik?
Nagulat ang dalaga sa huling mensahe na kanyang nasabi, "Hala.. nasend ko yata."
Huli na para mabura niya pa ito..
YOU ARE READING
HULI
Mystery / ThrillerPagod na siyang dumepende sa sitwasyon. Pagod na siyang mahuli palagi. Kaya sa susunod niyang gagawin, ano ang kahihinatnan nito? Ito na ba ang huli? O siya ang nahuli? [Crdts: Pinterest]