Third Person's
"Sa tingin mo ba talaga Hijo, matatakasan mo ako ng ganon lang kadali?" Nandoon padin ang nakakakilabot na ngiti ng matanda.
"Mawalang galang na po, alam ko pong malaki po ang pasasalamat namin dahil utang po namin ang buhay namin sa inyo pero sobra naman atang paniningil 'to tatang?" sagot ng binata ngunit may halong panunuya.
"Ganon na nga Hijo, nanggaling na mismo sa bibig mo— utang niyo ang buhay niyo sa amin! Masama na palang maningil ng utang ngayon?" Inosenteng tanong ng matanda.
"Hindi naman po sa ganun tatang, ang sa akin lang po ay ba't niyo ito ginagawa? Sa pagkakaalam ko po, pera ang pambayad sa utang hindi buhay!" sagot naman ng binata.
Mapakla itong natawa sa inasal ng binata, "Gusto mo talagang malaman hijo? Pwes, sasabihin ko sayo para naman matiwasay kang mamatay.." tumawa itong muli, "May nakita akong babae noon sa may burol na aking pinupuntahan kapag may problema ako. Kinausap ko siya kung bakit siya napadpad doon. Sinabi niyang gusto niya rawng makalanghap ng sariwang hangin. Inaamin ko, nagandahan ako sa babae dahil maputi ito at maganda ang mga mata. Bumalik ang babae sa burol kinabukasan, doon ko nalaman ang pangalan niya at nagkamabutihan kami. Gusto ko siyang pakasalan kaya tinanong ko kung nasaan ang pamilya niya upang mahingi ko ang kamay ng kanilang anak. Ngunit sinabi niya sa akin na ulila na raw siya kaya nagpakasal kami agad. Naging masaya ang aming pagsasama at nagbunga ito. Nagkaroon kami ng isang anak, 'yun ay si Ysay. Manang mana ang batang 'yun sa kanyang Ina." Saglit na huminto ang matanda ng maalalang muli ang kaniyang irog.
"Nang magsampung taong gulang na si Ysay ay nadapuan ng kung anong sakit ang kanyang Ina. Dinala namin sa mga albularyo ngunit wala 'din. Isang araw, tinawag ako ni Mariclar dahil may gusto raw siyang itapat sa akin. Noong una nalito ako at inisip kung ano ang gusto niyang itapat, kung bakit sa tinagal tagal naming magkasama ay ngayon lang niya ito gustong sabihin. Sinabi niya sa akin ang totoo niyang pagkatao. Galing pala siya sa isang angkan na kung saan ay nakasanayan na nilang kumain ng mga hilaw na karne tulad ng hayop ngunit isang araw natagpuan ko nalang siyang kumakain ng isang b-batang babae.." tumigil ang matanda at huminga ng malalim, "biglang gumuho ang mundo ko sa aking nasaksihan. Tinanong ko siya kung bakit.. aksidente lang daw niya itong napatay dahil wala nadaw siyang mahanap na hayop at 'nung nakita niya ang batang babae ay hindi na niya napigilan pa dulo't na rin ng ilang araw na hindi siya nakakain.. Gusto ko siyang pagbayarin sa mga kasalan niya ngunit mas nanaig ang aking pagmamahal para sa aking asawa.. kaya't sana'y huwag mo na akong pahirapan pa H-hijo.." halos mapaos ang boses ng matanda.
Nakatingin lamang ang binata sa kaniya. Naguguluhan ito sa mga nalaman niya. Hindi siya makapaniwalang totoo pala ang mga ganoong klase ng tao.
Alam naman niyang may mga tao talagang gagawin ang lahat para sa taong higit nilang minamahal ngunit hindi niya maisip na kaya pala netong kumitil ng mga inosenteng buhay.
"Mahal na mahal mo nga ang iyong asawa tatang ngunit hindi mo ba naisip na lumagpas kana pala sa linya? Hindi mo ba naisip na nagiging makasarili kana?"
"Hindi mo pa siguro naranasang magmahal, hijo... dahil kapag nagmahal ka, hahamakin mo lahat kahit paman may matinding parusa na naghihintay sa iyo." Diniin ng matanda ang sinabi niya upang maintindahan siya ng binata.
"Siguro nga ho, hindi ko pa naranasang magmahal pero kapag nagmahal ako.. sisiguraduhin kong hindi ako gagaya sa pagkasakim mo!" Dahan-dahan na palang nakalapit ang binata sa matanda marahil hindi nito napansin ang binata dahil nadala ito sa emosyon.
Agad na inagaw ng binata ang itak sa mga kamay ng matanda. Nag-agawan sila hanggang sa nalagyan ng kaunting hiwa sa braso ang binata.
Lumayo ito upang maihanda ulit ang sarili. Humakbang naman ang matanda at itinaas ang itak upang asintahin sana ang Ulo ng binata ngunit nakayuko na ito bago paman mangyari ang karumaldumal na pagputol sana ng kanyang ulo.
YOU ARE READING
HULI
Mystery / ThrillerPagod na siyang dumepende sa sitwasyon. Pagod na siyang mahuli palagi. Kaya sa susunod niyang gagawin, ano ang kahihinatnan nito? Ito na ba ang huli? O siya ang nahuli? [Crdts: Pinterest]