4: Goodbye, Trip..

10 4 0
                                    

Third Person's

Agad namang napatingin sa pintuan ang dalaga nang biglang may pumasok at ginulat siya sa biglaang pagsalita neto.

"Omg bitchh! Thank God you're safe!"

Nagkatinginan silang dalawa. Walang umimik ni isa sa kanila. Napakatahimik ng buong silid—aakalain mong may dumaan na anghel. Nagkatinginan parin silang dalawa nang biglang may bumasag ng katahimikan.

"Ay sorry maling room pala itu hehe.. Praised be Jesus and Mary! sana po tuluyan kana po'ng gumaling hehe.. wish you all the best po!"

Nakaiwang nakatunganga ang bibig ni Cloud nang tuluyang lumabas ang dalagang hindi niya kilala dahil namali lang pala ito ng kwartong napasukan.

Napaiyak ulit ang dalaga nang maalala na naman niya ang kanyang mga kaibigan. Iniisip niya kung ano ang sinapit nga mga ito, kung ayos lang ba ang mga sila, kung gaano ba kalaki ang mga sugat na kanilang natamo, at kung sino nga ba sa kanila ang naiwan o di kaya ay tuluyan nang naglaho.. sino nga naman ba ang nakakaalam ng mga pwedeng mangyari?

**

Nang dahil sa usok, napaubo ang binatang si Dos at dahan-dahang bumalik ang kanyang ulirat matapos ang kalunoslunosang nangyaring aksidente sa kanila..

Pinagmasdan niya ang buong paligid. Hindi halos makapaniwala sa kanilang sinapit. Maraming tanong ang pumasok sa kaniyang isipan ngunit sa mga oras na iyon, mas nangibabaw sa kaniya na dapat siyang makaalis bago pa tuluyang
sumabog ang bus.

Dahil nga nakaupo siya sa pinakadulong bahagi ng bus malapit sa bintana ay hindi siya nakatakas sa mga bubog. Lubhang nasugatan ang kaniyang bewang dahil sa mga bubog na nanggaling sa bintana.

Kahit hirap man ay pilit niyang inalalayan ang sarili upang mapabilis ang kanyang paglabas. Dahan-dahan siyang tumayo at kumapit sa mga upuan na nakahelera. Nang unti-unti na siyang papalapit sa gitnang bahagi ay may narinig siyang umungol. Mahina lamang ito ngunit para makasigurado ay sinundan niya ang boses. Malapit lang pala ito sa kanyang pwesto. Dali-dali niya itong nilapitan at laking gulat niyang ito pala ay ang kaklaseng si Nova. Aakmang tutulungan niya sana ang kaklaseng makatayo nang humiyaw ito sa sakit.

"Aray-y! It hurts Dos.. be gentle pls.."

"Saan banda masakit?" tanong ni Dos upang maingat niyang maalalayan ang dalaga palabas.

Tinuro ng dalaga ang kanyang paa na ngayon ay nakaipit sa bakal na nakayupi sa bandang ilalim ng upuan. Agad siyang tinulungan ng binatang si Dos, siya ang nag-angat ng upuan upang magkaroon ng espasyo para makuha ng tuluyan ng dalaga ang kanyang paa.

Nang makuha na ng dalaga ang kanyang paa, Isa-isa nilang tiningnan ang kanilang mga kaklase—kung ano ang sinapit nila o kung may humihinga paba para matulungan nila ito at nang sabay silang makaalis ngunit ni isa ay wala, kahit nga ang driver ay hindi pinalagpas ng kapalaran..

"The fuck..." pabulong na saad ng binata matapos makita ang sinapit ng mga kaklase.

Nakakaawa ang sinapit ng mga ito, ang iba ay wasak ang ulo dahil sa bakal, labas ang lamang loob dahil sa mga naglalakihang bubog, lugwa ang mga mata at iba pa. Swerte na nga lang silang dalawa dahil kahit ganoon ang mga natamo nilang sugat ay buhay parin sila.

Habang patuloy silang naglalakad papalapit sa nakaawang na pintuan, may napansin silang bakas ng dugo sa damuhan. Hindi sila nagdalawang isip na sundan ang mga bakas hanggang sa
makalabas ng tuluyan sa mismong bus.

Sa gitna ng paglalakad nila, may naapakang pares ng salamin si Nova. Alam niya kung sino ang nagmamay-ari 'nun.

Tinawag niya kaagad ang binata, "D-Dos, I know who owns this.. sure akong kay Kit 'to.."

HULIWhere stories live. Discover now