Hindi ko alam kung saan ako pupunta, kung saan ko hahanapin ang buhay na pinangarap kong mapanatili isang tahimik na buhay, malayo sa gulo at problema. Parang ayaw ko na, parang hindi ko na kaya. Pero sa bawat sandali na naiisip kong sumuko, naaalala ko ang pamilya ko. Para sa kanila, pipiliin kong magsikap. Para sa kanila, patuloy akong lalaban. Dahil kahit mahirap ang buhay, sila ang dahilan kung bakit may kabuluhan ang bawat araw na dumaraan.
---
Amery's POV
"Morning, Ma! Hmmm... Mukhang masarap na naman ang ihahain mo! Dabest ka talaga, Ma, sa pagluluto!"
"Hay naku, ang anak ko talaga, nambobola na naman. Pakiss nga, nak."
*“Mwahhh!”*
"I love you, Ma!"
"Love you too, nak! Kain ka na, ubusin mo 'yang pagkain mo para hindi ka magutom sa trabaho mo mamaya!"
"Ma, alam ko po. Uubusin ko agad itong masarap mong luto. Huwag po kayong mag-alala, lagi akong nagbabaon ng pagkain bago umalis ng bahay."
"Oh, siya. Kailangan ko pang maglinis ng bahay natin, ang gaspang ng sahig ngayon."
"Okay po, Ma. Love you! Linis well, Ma!"
"Sige na, anak. Magpakabusog ka diyan."
"Okay po, Ma... Ma, alis na po pala ako. Baka malate ako sa trabaho. Bye po!"
---
Sa bawat araw na lumilipas, sinisikap ni Amery na itaguyod ang simpleng buhay na kanyang kinagisnan. Ang pagmamahal sa pamilya ang nagbibigay sa kanya ng lakas para harapin ang mga hamon. Ngunit sa kabila ng kanyang ngiti at kasipagan, may mga lihim siyang kinikimkim mga pangarap na tila napakalayo at mga tanong na hanggang ngayon ay walang sagot. Sa kanyang puso, may hinahanap siya. Isang bagay na maaaring magpabago ng lahat.
![](https://img.wattpad.com/cover/227974488-288-k581152.jpg)
BINABASA MO ANG
The Billionaire Assistant
RomanceAmery Wiscon - ang babaeng naging personal assistant ng Isang lalaking di niya inaasahan na mag papaguho ng munting mundo niya. Colton Dior - ang dakilang masungit at suplado. yan ang tingin ni Amery sa kanyang boss. Ano kaya ang mangyayare kapag an...