Kabanata 3"Anak kamusta kana?"
Agad na napabaling ang aking paningin sa aking ama. Nandito na pala siya sa tapat ko, hindi ko man lang namalayan.
"Ayos lang naman ako pa." Mahina kong sinabi.
"Mabuti naman kung ganon." Pagkatapos ay nginitian niya ako.
Napatulala ako sa ngiti ng aking ama. Ang ngiting paborito ko, na gusto kong makita araw-araw.
Muli na namang nagbabadyang tumulo ang aking mga luha.
"Ayos ka lang ba talaga anak?" Malambing niyang wika na tila'y akoy hinehele.
Bumagsak ang aking balikat at muling nag si tuluan ang aking mga luha.
"Papa," napapaos at nanghihina kong sinambit.
Tumayo naman siya sa kinauupuan niya at inakap ako. Ang yakap na puno ng pag mamahal at pag iingat.
Mas lalo akong napahagulgol sa kaniyang balikat.
"Pa, anong nangyari kay mama? Bakit sinasabi niyang hindi niya ako anak?"
"Ano ba talagang nangyari sa inyo ni mama, pa?"
"Please pa, sabihin mo po sa akin."
Sunod sunod at walang preno kong tanong.
"I'm sorry anak. Pero hindi ko maaring sabihin sa iyo ang dahilan."
"Bakit pa?"
"Mayroon akong pinoprotekhan anak." Malungkot niyang sambit.
"Papa,"
Pinigil niya ako sa pagsasalita at hinawakan ang aking kamay.
"Anak, magpakatatag ka ah? Dahil nagsisimula pa lamang ang mga misteryo na kailangan mong harapin. Andito lang si papa anak." Sabay halik niya sa aking buhok.
Sa simpleng yakap at halik sa aking buhok na nagmula sa aking ama,ay nagdulot ito ng kapayapaan sa akin. Pagkatapos niyang gawin iyon ay bumalik na siya sa kaniyang upuan.
Nang nasa kundisyon at wala ng bakas na luha ang aking mukha ay nagtanong na ulit ako.
"Anong misteryoso pa?"
"Makikita mo rin anak." Makahulugan niyang sinabi.
"Ang isla, kailangan mong puntahan iyon anak. Dahil doon mo malalaman ang mga kasagutan sa lahat ng katanungan mo."
"Anong isla pa?" Nagtata kong tanong.
"Alam mo ang islang tinutukoy ko anak." Napatigil naman ako, at rumihistro sa aking isipan ang natanggap kong imbitasyon.
Napalunok ako at tinignan ang aking ama.
"Paanong alam mo iyon pa?"
Bumuntong hininga siya, at hinilot ang sentido. Duon ko lamang napansin ang medyo kulubot na niyang mukha, ang halos puro puti na niyang buhok at ang pangangayayat niya.
"Hindi ko maaring sabihin sa iyo anak."
"Pa naman," pero umiling lamang siya.
"Kamusta ang mama mo?"
Iniiba niya ang usapan. Bumuntong hininga din ako, bago ko sinagot ang tanong ni papa.
"Maayos naman po siya." Nakayuko at nanghihina kong sinabi.
"Mukhang hindi maganda ang naging usapan niyo ah?"
Tumango naman ako. Ayokong sabihin sa kaniya ang naging usapan namin ni mama. Paniguradong mag-a alala siya.
BINABASA MO ANG
Isla Verdes ( UNDER REVISION)
Mystery / ThrillerIsla Verdes Isang isla kung saan misteryosong nawawala ang mga taong nagpupunta rito. Isang palaisipan sa lahat ng pulis kung ano ang nangyayari sa loob ng isla. Gustuhin man nilang hanapin ang isla, ngunit wala silang sapat na impormasyon kung saan...