Third Person P.O.V.
Kinaumagahan ng napansin nilang lahat na wala ang tatlo. Si Joshua, Cloud at Chelka. Napagdesisyunan nilang i-grupo ang bawat isa upang hanapin ang tatlong kasama.
Si Jobert, Chelsea at Cheska ay ang unang grupo. Ang hahanapin naman nila ay ang kapatid ng kambal na si Chelka.
Ang ika-lawang grupo ay si Neivi, Megan at Jonathan upang hanapin naman si Cloud.
At ang ikat-long grupo ay si Ace at Lein upang hanapin ang kaibigan na si Joshua.
Ilang oras at lilipas ngunit hindi makikita ng dalawang grupo si Joshua at Cloud. Kung kaya't napagdesisyunan na lamang nilang mag-pahinga muna.
Sa kabilang banda ay nanatiling magkasama si Megan at Neivi. Dahil narin sa kagustuhan ni Megan na makita at matignan si Vienna, ay nagtungo sila ni Neivi sa cabin nito at marahas na sinira ang kandado gamit ang martilyo.
Malakas ang loob nilang gawin ito. Marahil wala ang mga kasama at patuloy na naghahanap sa mga natitira nilang kasamahan.
Dahil sa lakas ng pwersa ni Megan ay nasira nila abg kandado at pabagsak na binuksan ang pintuan ng cabin. Nanlaki at nanlalabo ang paningin niya ng nakita si Vienna, namumutla at namayat ang dalaga, kahit dalawang araw palang itong hindi kumakain.
Nag bak bak din ang labi nito, marahil sa sobrang uhaw na. Mas lalo siyang naawa ng nakita itong naka upo sa gitna ng kama at nakahawak sa dalawang tuhod. Tila naghihintay ng himala.
Awang-awa si Megan at Neivi ng makita ang kalagayan ng kaibigan. Dali-daling tumakbo si Megan at inakap ang dalaga na tila'y wala ng bukas. Humingi din ng tawad si Megan sa kaibigan. Hindi rin nagtagal ay nakisali si Neivi at nag-iyakan silang lahat.
Hanggang sa napagdesisyunan nilang palabasin ng cabin si Vienna upang pakainin sa kusina. Habang wala ang mga kasamahan nila.
Kahit sa nanlalambot na katawan ay naglakad si Vienna kasama ang dalawang kaibigan patungong kusina. Pero naka alalay ang dalawa kung sakali mang ma buwal ito.
Nang nakarating sa kusina ay ka agad na pinakain ng samut saring pagkain si Vienna. At halata naman na gutom na gutom ito. Ngunit maayos at mahin hin parin itong sumubo.
"Vienna, kumain ka lang ha?" saad ni Neivi habang nakatingin kay Vienna na kumakain sa lamesa.
"Oo," napapaos na sagot naman ng dalaga.
Pagkatapos kumain ay agad nila itong hinatid sa dating cabin niya at pinaligo. Binantayan nila ito hanggang sa matapos maligo. Halata sa mukha ng dalaga ang ginhawa at presko.
Sa kitchen na sila nag-tungo upang hintayin ang kanilang mga kasama.
Sa batuhan na malapit sa dagat ay hihdi tumigil ang unang grupo. At doon nakita nila ang bangkay ni Chelka na nakalutang sa dagat.
Napatakip ng bibig si Chelsea at Cheska at nag-unahan na lapitan ang bangkay ng kanilang kapatid na nasa dagat. Kahit na naka dress ang dalawa ay hindi nila iyon inalintana at patuloy na lumusong papunta kay Chelka.
Hindi nila alam kung saan nila hahawakan ang bangkay nito. At sa huli sabay inakap ng dalawa ang kapatid nila. Umiyak sila ng umiyak at ang dagat ay pinuno nila ng paghihinagpis.
Dahil si Chelka ang pangalawa sa kanilang mag ka kapatid. Samantalng si Jonathan ay nakatanaw lamang sa kanila at hindi mawari kung ano ang gagawin.
"Chellllkkkkkaaaaa!" Madramang sigaw ni Chelsea habang akap akap ang kapatid.
Kahit na malamig pa ang tubig at masakit na sa balat ang sikat ng araw ay hindi ito inalintana ng magkapatid at patuloy na nagluksa.
"Ate!" Humihiyaw na sigaw ng bunso na si Cheska.
Hinyaan muna sila ni Jonathan, dahil para sa kaniya ay masakit mawalan ng kapatid. At kung siya ang nasa posisyon ng dalawa ay ganon din ang gagawin niya.
"Chelsea at Cheska, umalis muna kayo saglit at bubuhatin ko na ang ka kambal niyo.
Sabay silang umiling at mas lalong hinigpitan ang yakap sa kapatid. Hindi na nakatiis si Jonathan at lumusong na upang kuhanin na ang bangkay ng dalaga."Chelsea,Cheska, sigeh na kukuhanin ko na ang ka kambal niyo."
Makailang beses muna niya itong pinilit bago sumangayon ang kambal.
Nakatulalang umiiyak ang dalawa habang sila ay naglalakad. At patuloy pa din ang pag luluksa ng mga ito.
Vienna P.O.V
Sa dalawang araw kong pamamalagi sa cabin na iyon, ay isang impyerno sa akin. Walang kahit na anong pagkain kundi mga damit lang. Mabuti nga at may damit doon at kahit papano ay nakakapag ligo ako. Kung minsan din naman ay umiinom ako ng tubig sa gripo. Kung hindi ako iinom, mamatay ako.
"Vienna, I'm really sorry. Ngayon lang kita nailabas doon." Tumango naman ako at binalingan si Megan na naka upo sa tapat ko.
"Ayos lang, hindi mo naman kasalanan."
"No, it's my fault. Sana man lang pinalabas na kita agad doon. Hindi naman ako naniniwalang ikaw ang pumapatay eh." Pumiyok pa ang boses niya.
Bumuntong hininga muna ako, bago ko siya sinagot.
"At least hindi ka naniwala na ako ang pumapatay." Sabay hawak ko sa kaniyang mga kamay na nasa mesa.
Tumango naman siya at pinunasan ang mga luha.
"Omygod! Anong nangyari?"
Nagkatinginan kaming tatlo at sabay sabay na tumayo upang lumabas ng kitchen. Dahil mayroon kaming narinig na isang sigaw.
Hindi sa kalayuan natatanaw namin si Jonathan na mayroong buhat buhat na isang bangkay at basang basan ang katawan. At sa likuran niya ang kambal na si Chelsea at Cheska na parehas na basang basa.
"Anong nangyari?" Umahagos na tanong ni Lein kay Jonathan.
"Mabuti pa at pag-usapan na lamang natin ito sa loob at iiwan ko muna ang bangkay ni Chelka dito."
Sumangayon naman silang lahat at sabay sabay na nagtungo sa kusina. Wala pang nakakapansin sa akin. Mabuti naman, kung ganon.
Nang nakapasok na silang lahat ay nilapitan ko ang bangkay ni Chelka at pinagmasdang mabuti. Nakamulagat pa ang mga mata nito at tila'y hirap na hirap siyang huminga.
Kung basasi Jonathan, Chelsea at Cheska. Maaring sa dagat nila ito nakita. Nasapo ko ang aking noo at nilabanan ang luhang nag babadya.
Ilang buhay na ba ang nawala? At hindi ko man lang sila nailigtas?
BINABASA MO ANG
Isla Verdes ( UNDER REVISION)
Mystery / ThrillerIsla Verdes Isang isla kung saan misteryosong nawawala ang mga taong nagpupunta rito. Isang palaisipan sa lahat ng pulis kung ano ang nangyayari sa loob ng isla. Gustuhin man nilang hanapin ang isla, ngunit wala silang sapat na impormasyon kung saan...