Kabanata 4

262 72 3
                                    

Kabanata 4

Maingay at tawanan ang naririnig ko sa palagid. Pinakiramdaman ko ang aking sarili at nakahiga ako sa isang kama? Iba't ibang klase ng pabango rin ang aking naamoy. Nakakahilo.

Nasan ako?

Paano akong napunta dito?

Pa unti unti kong minulagat ang aking mga mata. Ngunit agad akong nagsisi dahil biglang bumaliktad ang aking sikmura.

Ka agad akong napa tayo kung saan man ako nakahiga. Luminga linga ako sa paligid at mayroon akong nakitang pinto sa hindi kalayuan. Tinakbo ko ang pagitan at pagbukas ko ay isa palang  banyo.

Ka agad akong nagtungo sa kubeta at sumuka. Nagdidilim din ang aking mga paningin at nahihilo ako.

Fuck, what's happening?

Ang tanging sinusuka ko lang ay puro tubig. Pagkatapos sumuka ay pinindot ko na ang flash at tumayo. Pero agad ding nanghina ang aking  mga binti at napa upo sa sahig.

What the fuck?

Malakas at marahas akong bumuntong hininga at pinikit ang aking mga mata. Bigla namang  tumunog ang aking tiyan. Hindi pa nga pala ako kumain.

"Mukhang gutom kana ah?"

Napamulagat naman ako ka agad sa narinig na tinig. Nasa labas ng pinto ang isang babae. Sa tingin ko nasa mid-twenties na siya.  Nginitian naman niya ako agad at tinali ang hanggang balikat niyang buhok. She looks familiar to me. Saan ko siya nakita?
Hindi ko namalayan na tinititigan ko na pala siya, kaya umiwas ako ng tingin.

"I'm Neivi half american and half filipina."Tumango naman ako pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa. Pamilyar talaga ang mukha at bulto ng katawan niya.

"I'm Vienna," para hindi magmukhang bastos nagpakilala narin ako.

"Nice meeting you aga-," pinutol niya ang huling salitang sasabihin niya, kaya napatingin ako sa kaniya. Pero isang ngiti lamang ang nakita ko sa kaniyang mukha.

"Tara, kain kana. Nakapag luto naman na si Megan." Tumango naman ako  at unti unting tumay. Muntikan na  akong matumba, kaya agad na umalalay sa akin si Neivi.

"Thanks," napapaos kong pasalamat.

Akmang maglalakad na kami ng magtanong ako.

"Teka nasan tayo?"

Bumuntong hininga siya bago sumagot.

"Verania  Yacht."

Pagsambit palang niya ng pangalan na Verania. Kilabot at pagtataka ang bumalot sa aking sistema.

"Paano?"

"Hindi ko rin alam. Mayroon kasing nagtakip ng panyo sa ilong ko, at pag-gising ko nandito na ako."

"Ako din," sagot ko at tumango naman siya. Agad naman kaming nag-lakad. Samantalang siya ay nasa likuran ako, para alalayan.

Nilibot ko ang aking paningin. Nakakamangha ang mga kagamitang nandito. Mayroong isang flat screen na tv at bookshelves, mayroon ding study table sa bawat pagitan ng mga kama.  Sa left side mayroong anim kama at sa right side naman ay ganon din, sakto lang ang kama para isang tao.

Sa tabi naman ng tv ay isang kabinet na gawa sa kahoy. At mayroon ding tatlong sofa. Ang totoo nga niyan ay sobrang laki nito  at magmumukha ng isang  dormitoryo.

Mayroon pang isang pintuan at mayroong nakasulat na walk in closet. Ang sahig naman ay naka tiles na puti , ang kulay naman ng kisame at ding ding ay gray. Simple at napaka elegante kung tignan. Mayroon pa palang  isang pinto sa pinika dulo, maaring papuntang labas iyon. Mayroon ding mga chandeliers na mas lalong nagbigay ng kulay. Kaso nga lang dim ang kulay ng ilaw nito.

Kung ganon, mayaman ang may-ari ng isla. At hindi basta bastang tao ang hinahanap ko.

"Guys gising na si Vienna!" Isisnigaw niya, kaya napadako ang lahat ng tingin sa amin.

Pinagmasdan ko ang lahat ng nandito, pero wala akong nakitang kakilala at stranghero sila para sa akin.

"Tsk tsk tsk, mabuti naman at gising na siya." Sabay ngiwi ng isang lalake. Halatang ito  ay isang playboy, tindig palang mahahalata na.

"Siya si Jacob" bulong sa akin ni Neivi.

"Omg! May bago na tayong paglalaruan!" Sabay na sabi ng tatlong babae. Magkakamukha silang tatlo, paniguradong triplets. Ang isa sa kanila ay mayroong nunal sa gitna ng ilong, ang isa naman sa kanila ay nasa left side ang nunal at ang isa namang kakambal nila ay nasa right side naman. Pare  parehas sila ng suot at haba ng buhok pati nadin kulay.

"Ang may nunal sa gitna ay si Chelsea, ang nasa kanan naman na may nunal ay si Cheska at ang nasa kaliwa naman ay si Chelka." Bulong muli ni Neivi.

"Ang baduy mo naman manamit." Sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa ng isang lalake. Kung kanina ay mukhang playboy, ito naman ay mukhang bully.

"Si Joshua" pakilala ni Neivi.

"Siya naman si Megan, ang chef natin." Sabay turo niya sa babaeng nagbabasa ng libro na mayroong kinalaman sa pagluluto.

"Ayon naman ay si Ace,"sabay turo niya sa lalakeng natutulog sa isang sofa.

"Ayon naman ay si Jonathan at Jobert," sabay turo sa dalawang lalake na naglalaro ng video games sa tv. At kambal rin ang dalawa.

"Ang isa namang yon ay si Cloud, pero wag mo siyang tatawaging Cloud dahil maiinis siya sayo. Dapat Cloudy para mukhang pambabae." Halata namang bakla dahil nakasuot ito ng pink na dress. Ang gwapo pa din naman niya, kaso bakla.

"At ayon naman ang mag bestfriend si Lein at Angelyn ." Pagkatapos ay tinuro niya ang dalawang babaeng naka braid  ang buhok at nakasalamin. Mukhang nerd ang dalawang ito.

"Tutal kilala mo naman na sila. Tara na at kumain kana," sabay yaya niya sa akin sa may pintuan na black. Sumunod naman ako sa kaniya at paglabas ko palang, napansin ko ng may nakatingin . Kaya nilibot ko ang aking paningin at ganon nalang ang gulat ko sa aking nakita.

"Oy, ala ka ata sa Earth?" napatingin naman ako sa kaniya.

"Nagtataka lang ako, bat ang daming cctv."

"Kami din," sabay pakita sa akin ang daan. Tumango naman ako at agad na naglakad. Sa bawat sulok mayroong cctv. Inalis ko na lamang iyon sa aking isipan. Bagkus pinagmasdan ko na nalamang ang daan na tinatahak namin.

Katulad ng sa kwarto puti ang tiles at ang ding-ding at kisame at gray din. Kaso nga lang mas magarbo ang mga chandelier na naka lagay dito.

Madami kaming dinaanan at pasiko sikot bago kami nakarating sa isang pintuan na black.

"Tara," aya niya sa akin, kaya naman binuksan na niya ang pintuan.

Kung gano ka engrande sa labas mas engrande naman ngayon. Muli kong pinagmasdan ang paligid at lahat ng gamit ay nakasalansan ng maayos.

"Upo ka," sabay turo niya sa lamesang punong puno ng samu't saring pagkain.

Sinunod ko siya at umupo nga ako. Mayroon akong nakitang pinggan sa may gilid, kaya kumuha na ako, sinamahan ko na rin ng kutsara at tinidor.

"Ang yaman ng may-ari ng isla noh?," bigla niyang sinabi kaya tumanga naman ako.

"Kumain kana nga lang. Paniguradong gutom kana," nginitian ko naman siya at kumuha na ng sapat na pagkain para ako'y mabusog..

Dahan dahan lang akong kumain. Dahil hindi naman ako yung tipong tao na kapag gutom, ay susungab agad.

Habang ngumunguya ay muli kong pinagmasdan ang loob ng kusina. At halos lahat ng gamit ay electronic. Ang lutuan din ay electronic, refrigerator,dispenser at kung ano ano pa. Mayroon ding mga cabinet na gawa sa kahoy sa taas ng lababo. Ang island naman ay mayroong na iba't ibang klase ng prutas.

"Ang onti ata ng kinuha mo?" nagtataka niyang tanong kaya linunok ko muna nag aking kinakain bago nagsalita.

"Sapat na sa akin ito. Salamat pala sa pag-aasikaso sa akin." Tanging isang ngiti ang naging sagot niya.

Isla Verdes  ( UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon