Kabanata 6"Vienna! Vienna! Gumising ka!" Sabay yugyog niya sa aking balikat. Kaya napabalikwas ako ng bangon at nag unat unat pa.
"Bakit?" kuryuso kong tanong. Pero isang natatakot na mukha ang nakita ko sa kaniya.
"Megan?" winasiwas ko pa ang aking palad sa harapan niya.
"Patay na siya!" Sabay hagulgol sa aking harapan.
"Sino?" Natataranta kong tanong at agad na tumayo.
"Megan, sino?" tanong ko ulit. Pero nanatili siyang tahimik a umiiyak.
Gamit ang aking braso ay inakap ko siya. Kaya mas lalo siyang umiyak.
"Megan..." tawag ko ulit.
"Shhhhh," sabay hagod ko sa kaniyang likuran.
"Nakakatakot," gumaralgal at nanginig ang boses niya.
"Megan! Vienna!," humahagos at pawisang Neivi ang pumasok sa amin.
"Ayos lang ba kayo?" Nagalala niyang tanong.
"Oo, ang iba ayos lang ba?"
"Maayos naman, maliban kay Angelyn." Napalunok naman ako at umiwas ng tingin.
I failed.
Wala pang isang araw ang tinatagal namin dito. Pero isang buhay na agad ang nawala.
"Neivi," tawag ko sa kaniya. "Pwedeng ikaw muna ang mag-patahan kay Megan?" Tumango naman siya at agad naglakad papunta sa aming direksyon.
"Megan," tawag ko kay Megan na patuloy pa ding mahigpit ang yakap niya sa akin.
"Si Neivi muna ang bahala sayo ah? Titignan ko ang bangkay ni Angelyn. Naramdaman ko namang tumango siya at ka agad na bumitaw.
Dali dali naman akong lumabas ng cabin at ka agad akong may narinig na ingay mula sa inyugan.
Mayroon ding akong nakitang bakas ng dugo mula sa buhangin, kaya't sinundan ko iyon.
Wala pa mang ilang minuto ng makarating ako roon. Hinihingal hingal pa ako dahil sa aking pag-takbo.
"Anong nangyari?" Nag silingunan naman silang lahat sa akin. Lumapit naman ang isang babaeng may bangs at hanggang bewang ang buhok sa akin.
"Nag jo jogging ang tatlong magkakapatid at aksidente silang napunta rito sa inyugan. Hanggang sa may naamoy silang mabahong amoy at duon na nila nakita ang bangkay ni Angelyn."
"Thank you." Tumango naman siya.
Mas lalo kong nilapitan ang bangkay ni Angelyn. At ganon nalang ang gulat ko sa aking nakita.
Wala na itong ulo, mga daliri sa kamay at paa. Pinahihiwa din ang katawan nito. Inuuod at umalingasaw na din ang bangkay nito.
Kumuyom ang aking mga kamao sa nakita. Kailangang magbayad kung sino man ang may kagagawan nito.
Sinuri ko ng mabuti ang katawan ni Angelyn. Hindi ko matukoy kung ano ang ginamit na panghiwa at pagpatay rito. Baka naman iisang bagay lang ang ginamit niya sa pagpatay at paghiwa?
Humarap naman ako sa kaing mga kasamahan at sinuri ang bawat isa sa kanila. Pare parehas sila naka upo sa lupa at puro takot ang aking nakikita sa kanilang mga pagmumukha.
Samantalang ang tatlong magkakapatid na nakatayo ay biglang sabay sabay na nahimatay. Ka agad naman silang dinaluhan ni Jacob,Joshua at Jobert.
Walang kahina hinala sa kanilang mga kilos.
"Sa tingin niyo, ano ang ginamit kay Angelyn?" Tanong ko dahilan kung bakit nakuha ko ang kanilang mga atensyon.
"Bato?" si Cloud. Nasapo ko naman ang aking noo at agad na umiling.
Bato? Paano ka makakapaghiwa doon?
"Cloud, ang tanga mo lam mo yon?" Sabat naman ni Lein na kagagaling lang sa pag-iyak.
"It's Cloudy not Cloud tsk." Sagot naman nitong pabalang. Kung wala sana kami sa serosong sitwasyon makakatawa kami.
"Sa tingin kutsilyo?" sagot naman ni Joshua.
"I don't think so." Sabat naman ni Jobert.
"Palakol," napalingon naman kami sa taong kadadating lang. Nakatulala pa ito habang nakatingin sa bangkay ni Angelyn.
"Neivi, seriously palakol?"
"Saan ka hahanap ng palakol sa lugar na ito? Gamit gamit din ng utak pag may tym!" Pabebeng sigaw naman ni Chelka. Gising na pala ang tatlo.
"Bat hindi ka tumngin sa taas?" Naiiyak na sambit ni Neivi.
Dahil sa sinabi niya napatingin nga kamisa itaas at duon namin nakita ang palakol na nakabaon sa puno ng inyog.
Napatulala naman akong muli. Palakol. Palakol ang ginamit na pagpatay kay Angelyn.
Narinig ko pa ang singhapan at natatakot nilang reklamo.Bakit hindi ko nga nalaman ka agad na maaring palakol pala ang ginamit sa kaniya?
"Paano na niyan? Wala na akong kasama?" Ngumangawang tanong ni Lein.
"At baka ako ang isunod ng killer?" Halata sa boses niya ang takot.
"Doon ka nalang sa amin." Pag a alok ko sa kaniya. Nakita ko naman ang bahagyang pag ginwaha sa kaniyang mukha.
"Jobert, Jonathan at Joshua. Kumuha kayo ng pala sa likuran ng mga cabin natin at mayroon kayong matatagpuang stock room doon. Humukay kayo at doon niyo ilibing ang bangkay ni Angelyn."
Sumangayon naman ang tatlo at agad na kumilos.
"Tara kumain na tayo," ka agad naman silang sumangayon. Samantalang ako nanatili sa kaing pwesto at muling pinagmasdan ito bago sumunod sa kanila.
Sino ang pumatay kay Angelyn?
Nakasunod lamang ako sa kanila.Nang bigla silang huminto sa likod ng cabin at bumungad sa amin ang isang hindi kalakihang bahay. Kung ano ang pintura at tiles ng nasa cabin namin ay ganon din ang nandito. Pagpasok palang ay nalasap na ka agad ng aming mga ilong ang amoy ng pagkain. Walang ni isa sa kanila ang mabugal kumilos. Bagkus ay nagunahan pa silang magsiupuan.
Ang kitchen ay mayroong island na kapantay ng mesa. Ang mga bintana naman ay gawa sa salamin. Kumpleto at nakakapigil hininga ang mga kagamitang nandito.
Pagkatapos pagmasdan ay umupo na ako at nakisabay kumain sa kanila. Pagkatapos naming kumain ay napagdesisyunan nalamang magpahinga sa kaniya kaniyang cabin. Dahil narin natakot sila sa nangyari kay Angelyn. Hindi rin namin alam kung sino ang pumatay sa kaniya.
At kailangan ko ng magsimulang kumilos...
BINABASA MO ANG
Isla Verdes ( UNDER REVISION)
Mystery / ThrillerIsla Verdes Isang isla kung saan misteryosong nawawala ang mga taong nagpupunta rito. Isang palaisipan sa lahat ng pulis kung ano ang nangyayari sa loob ng isla. Gustuhin man nilang hanapin ang isla, ngunit wala silang sapat na impormasyon kung saan...