Kabanata 11

182 32 0
                                    

Kabanata 11

Muli ko munang pinagmasdan ang bangkay ni Chelka bago ako naglakad patungong kusina.

Narinig ko ang pagsinghapan nila ng ako'y pumasok.

"Anong ginagawa mo dito?" May diing tanong ni Lein.

"Pinakawalan ko siya, wala siyang kasalanan." Pagtatanggol sa akin ni Megan.

Nilibot ko ang aking paningin at naka upo silang lahat sa upan at sa tapat nila ay lamesa.

"Bakit mo siya pinakawalan?" May galit na ang tono ni Lein ng siya ay nagtanong.

"Dahil hindi siya ang pumapatay!" singit naman ni Neivi.

"Calm down." Kalmadong pagbawal naman ni Ace.

"She's right." Sabat ni Chelsea at nakatulala pa rin hanggang ngayon. Nakita koding mayroon ng tuwalyang naka balot sa katawan ng kambal at kay Jonathan.

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang sabat ni Jobert.

"Dahil kung si Vienna ang pumapatay, paano siyang nakalabas kagabi?" Nakatutulalang sagot ni Chelsea." At sino ang naglunod kay Chelka?" dugtong niya.

"May phobia sa tubig si Chelka."

"Bakit naka swimming siya non?"

"Dahil kasama niya tayo. Kapag may kasama siya nakaka limutan niya ang phobia niya, at higit sa lahat madami tayo. Pero kung mag-isa lamang siya na nasa dagat ay aatekihin siya ng phobia niya. Kung nagtatanong kayo kung bakit may phobia si Chelka ay dahil nalunod ang kuya namin noon sa dagat at siya mismo ang naka saksi. Nasa limang taong gulang pa siya noon. Kaya hindi niya alam ang gagawin niya." Tuloy tuloy nitong wika.

"You're right." sabat ni Cheska.

Samantalng ako nanatiling tahimik at pinagmamasdan ang bawat isa. Kahit na akam kong hindi tama ang ginawa nila sa akin. Kailangan ko pa ding maki salamuha, para ma laman ko aagd kung sino ang pumapatay.

Malalagot sa batas kung sino man iyon.

Pansamantalang namutawi ang katahimikan sa buong kusina. Nang bigla itong binasag ni Lein na ang sama ng tingin sa akin.

"Kung ganon, sino ang pumapatay?" lakas loob na tanong ni Lein.

"Hindi ko alam. Pero maaring isa sa atin ang pumapatay. Maliban kay Vienna, napatunayan naman na diba?" Makahulugang sambit ni Neivi na nakatingin kay Chelsea.

Killer's P.O.V.

Inilibing ng mga kumag si Chelka sa tabi ni Jacob. At marahil nagsisimula na silang hanapin si Joshua at Cloud ngayon.

Dahil narin sa pagod ng mga kumag ay nagpahinga na sila sa kanilang mga cabin. Samantalang ako, tanghaling tapat ay lumabas ng cabin at maingat na nagtungo sa underground basement ko.

Binuksan ko ang ilaw at ka agad na nagtungo sa isang pintuan, kung nasaan si Cloud.
Dali-dali akong naglakad, dahil narin kating kati na akong pumatay.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at wala paring malay ito. Tinanggal ko lahat ng laman ng aking mahabang mesa at inilagay sa gilid. Sinuot ko narin ang aking hospital gown, mask, gloves at salamin.

Habang wala pang malay si Cloud ay pa unti unti kong tinanggal ang tali sa paa at kamay niya. Inakay ko siya papunta sa lamesa. Pagkatapos ay inihiga ko na siya at tinanggalan ng saplot. . Sa mga paa ng mesa ko tinali ang paa't kamay nito.

Pinatungan ko din ng puting tela ang katawan nito. Ilang minuto muna akong hiuminga ng malalim, bago kumuha ng scalpel.

Wala akong assistant kaya, matatagalan pa ako. Ka swerte naman ni Cloud, may kulay pa itong scalpel na gagamitin ko. Yung kulay nangangalawang na ito.

Inilagay ko ang aking mga daliri sa tiyan nito at sinimulang hiwain sa gitna. Pa unti unting dugo lamang ang labas galing sa tiyan niya. Maingat at malinis ko itong ginawa. Hanggang sa may narinig akong isang ungol.

Napatigil naman ako at tinignan kung kanino galing ito. Kay Cloud lang naman pala galing ito. Hindi ko binusalan ang bibig nito. Dahil gusto kong marinig ang ungol niya na puno ng sakit.

Sayang, sa kabilang kwarto ko nga pala nilagay si Joshua. Hindi man lang niya makikita kung gaano nahihirapan itong nobyo niya.

Ang totoo nga niyan, ang balak ko ay gawing lobo itong si Cloud at lagyan ng bato ang katawan. Pero mukhang ayaw ko na, tatanggalin ko na lang puso niya. Para mawala ang sakit na nararamdaman niya at pag-mamahal niya kay Joshua.

Natatanaw ko na ang laman niya eh.

Bumuntong hininga ulit ako at nilagay ang scalpel sa may bandang puso niya.

"Ikaw?!!!!! Ikaw?!! Yung pumapatay!!???"

"Anong gagawin mo!?!!!!"

"Maawa ka sa akin! Please don't kill me!"

Sigaw ng baklang na tila'y nahihirapan na. Pero sadyang wala akong pake sa kaniya at patuloy kong hinihiwa ang dibdib niya.

"Don't!!!!" Maarteng sigaw nito.

Pinilit din niyang kumawala. Sa huli hindi rin nag-wagi dahil nakatali. Kahit na sigaw siya ng sigaw ay nagpatuloy ako.

Tamang tama na ang na hiwa kong parte. Mayroon na ding bahid ng dugo ang telang nakaharang.

Inangat ko ang aking tingin sa nag-ma makaawang mukha ni Cloud at nginisihan.

Puno ng takot at galit ang nakikita ko sa kaniyang mukha.

Pero wala akong pake.

Hinanda ko na ang aking kamay at pinasok sa hiniwa kong balat niya. Nararamdaman ko na ang mga buto't laman niya.

Mas lalo akong ginanahan at na ngapa. Ilang minuto lamay ay nahanap ko na ang aking hinahanap.

Ang puso ni Cloud. Tumitibok tibok pa ito at mayroong mga ugat na naka konekta.

Inangat ko ang aking paningin kay Cloud. Ngunit maputlang pagmumukha nito bumungad sa akin. Naka nganga na din ito tila'y nahihirapang huminga.

Ngumiti muna ako ng paka tamis tamis at biglaang hinila ang puso nito. Sumama pa ang ugat nito. Tumalsik din ang dugo nito sa aking mukha. Pero mabuti na lamang at may mask at salamin ako.

Biglaan namang nanginig ang katawan ni Cloud at tuluyanng nawalan ng buhay. Hawak hawak ko pa rin ang puso nito na pulang pula dahil sa dugo.

Puno ng mangha ko itong pinagmasdan at maingat na ini ikot ikot. Nang ako'y nagsawa na ay inilgay ko sa isang palanggana at nagbihis.

Pagkatapos mag-bihis ay muli kong pinagmasdan si Cloud. Puno ng dugo ang telang puti at mayroong kalakihan ang hiwa sa tiyan nito. Pati narin ang nasa dib dib niya.

Nginisihan ko pang muli iyon, bago nilisan ang lugar.

Isla Verdes  ( UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon