Kabanata 23

201 26 0
                                    

Kabanata 23

Hindi pa rin ako makapaniwala sa aking nakikita ngayon. Maraming tanong ang nabubuo sa aking isipan katulad nalang ng,

Bakit andito si Papa?

Anong ginagawa niya rito?

Naka kulong siya at napaka imposibleng pinakawalan siya ng mga pulis. Maliban nalang kung tumakas siya?

Paano?

Muling pumasok sa aking isipan ang sinabi ni Vien sakin kanina. Ang totoo nilang anak ni mama.

Papa...

Apat na letra pero isang malaking na sampal sa akin iyon. Hindi nga pala siya ang totoo kong ama.

Kaya ano ang karapatan kong tawagin siya papa? Kung hindi naman siya ang aking totoong ama?

Pero naniniwala akong may karapatan akong tawagin siyang ama. Bagkus siya ang naging tatay tatayan ko simula noong bata ako.

Walang sinayang na oras si papa at mabilis siyang lumapit sa akin. Naka suot siya ng orange na t-shirt at isang lumang short. Namuo ang luha sa aking mga mata at mabilisang tinanggal ang paningin doon.

Bakit siya narito?

Wala pa mang ilang saglit ay nakalapit na sa akin si papa at lumuhod. Patatayuin ko na sana siya ng maramdaman kong natanggal ang mga kadenang naka kabit sa aking paa.

Nagtataka ko siyang tinignan pero isang ngiti lamang ang sinukli niya sa akin. Hindi ko siya nginitian pabalik at agad na tumayo.

"Anong ginawa mo?!!!!" Tila isang bomba ang boses ni Vien ng siya ay sumigaw. Alam kong hindi ako ang tinanong niya kung hindi ay si papa.

"Itigil mo na ang kahibangan na ito Vien, anak." Mahinahon at mababakas ang paghihinagpis sa boses ni papa noong sinabi niya iyon.

"Wag mo kong tawaging anak! Hayop ka!" nang gagalaiting sinabi ni Vien.

Umiling naman si papa at dahan dahang lumapit kay Vien. Sinamantala ko na ang oras na iyon at akmang pupuntahan na si Megan. Nang bigla akong makarinig ng putok ng baril.

Tila tumigil ang oras at pawang ako lamang ang nakatayo at humihinga sa mga oras na ito.

Isa lang ang pumasok sa aking isipan.

Papa!

Sa aking pagharap ay kahit papano ay nabawasan ang aking kaba. Si Vien naka upo sa sahig at hawak hawak ang kaniyang tuhod, nagsisimula ng dumugo ito.

Samantalang si papa ay nakatulalang pinagmamasdan si Vien habang hawak niya ang baril. Suminghap ako at mabilisang nilapitan si papa at inakap siya. Pero para siyang isang bato, ayaw niyang gumalaw at nakatulala lang.

Mula sa aking likuran ay nakarinig ako ng pagka kalag ng kadena. Tinignan ko iyon ka agad at ganon na lang ang dulot nito sa akin. Si Vien nakatayo sa likuran ni Megan. Hawak hawak niya ang buhok ni Megan at mayroong panibagong baril ang nakatutok sa ulo ni Megan.

Hindi ko alam kung sino ang uunahin ko, si papa ba o si Megan. Nag-isip muna ako ng mabuti at nag isip ng maayos na plano, bago muling tumayo.

"Vien, pakawalan mo si Megan." Mahinhin at puno ng pag-iingat kong sinabi.

"Ibigay mo ang tatay mo sakin. Kapalit nitong kaibigan mo." Ngumisi ako at walang pasubaling tumango.

Isla Verdes  ( UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon