Chapter 18

71 1 0
                                    

Sorry for the late update. I was busy last week. Oh well here is Chapter 18 enjoy the Holidays! Andrew's pic on the side :))

I have a new story to be posted next year. Hope you'll support it :)) Thanks!

Advance Merry Christmas....

Vote... Vote... Vote...

-----

Okay na kami ni Aiden. Sabay na ulit kami pumasok ngayong araw. Hindi na si Spencer.

Pero ngayong magkasabay kami, gusto ko na si Spencer na lang ulit ang naghahatid.

Hindi ko alam kung bakit ganito.

Pero yun talaga yung gusto kong mangyari ngayon.

Okay na akong okay kami.

Pero.

May something kagabi na nakaka…

Nakaka…

Asar?

Hindi ko nga din maintindihan kung bakit ako nagkakaganito eh.

Wala naman dapat akong ika-asar sa kanya di ba?

Aish.

Ang sarap untugin ng ulo ko sa bintana.

Naramdaman kong niyugyog ako ni Aiden “Gising ka na.” sabi nya sa akin at diretso syang lumabas.

Unti-unti kong inangat yung ulo ko at nilibot yung tingin ko sa lugar.

Nakita ko syang naghihintay sa labas at naiinip.

Kaya agad kong kinuha yung gamit ko at lumabas ng kotse nya.

Dire-diretso lang ako sa paglalakad habang sya nakasunod lang sa likuran ko. As usual nakatingin na naman yung mga tao sa amin. Pero majority nakatingin sa taong nasa likod ko.

Papasok na kami ng building ng bigla nya akong inakbayan. Hindi ko na lang pinansin pero nagulat talaga ako. Gusto kong alisin yung braso nya sa balikat ko pero…. Waaaaaaaaaah.

“Bat ang tahimik mo?” tanong nya sa akin habang paakyat kami sa second floor.

Agad akong nataranta sa tanong nya. “Uhm-uhm.” Pilit kong hinahanap yung mga salita sa utak ko pero walang lumalabas.

“Uhm-uhm-uhm-uhm?” paggaya nya sa akin. “Mamaya pa ang lunch time. Napaghahalataang tag-gutom ka palagi eh.” Dagdag nya sabay gulo ng buhok ko.

“Uy. Nag-blush sya. Hahahahahahaha.” Turo nya sa mukha ko sabay takbo paakyat.

Hinawakan ko yung mukha ko. Ako? Nagblush?

“Chelsea bilisan mo. Malalate ka na!” sigaw nya.

Agad ko naman ibalik ang sarili ko sa katinuan at tumakbo papunta sa classroom.

Hanggang sa nagsimula ang klase hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin.

Bakit ako nagkakaganito?

Kailan pa ba ‘to nagsimula?

Itong nararamdaman ko?

May mali talaga sa akin.

So, baby, now
Take me into your loving arms
Kiss me under the light of a thousand stars
Oh, darling, place your head on my beating heart
I'm thinking out loud
That maybe we found love right where we are
Oh, baby, we found love right where we are
And we found love right where we are

Win or Lose: 500 Days with HimDonde viven las historias. Descúbrelo ahora