Nag-iinit
-Kasalukuyan kaming nagpapalitan ng maiinit at malalalim na halikan nang biglang may istorbo.
"Guys pinapatawag tayong lahat ni boss, may meeting daw." sabi ng isa naming kasamahan.
Patuloy pa rin sa paghalik sakin si Renj ngunit hindi na 'ko makahalik pabalik dahil may kailangan pa kaming daluhan na meeting. Kinagat nya pa ang pang-ibaba kong labi, damn.
Grupo kami ng mga secret agent. Sa una nakakatakot 'pag pinasok mo ang trabahong 'to pero at the same time ay nakakaenjoy din dahil mahilig ako sa mga bagay na may thrill at exciting.
"Napakawrong-timing naman ni boss, mukhang nag-iinit na 'tong dalawang 'to eh." pang-aasar samin ni Lyn na kasamahan din namin.
Agad nakong umalis sa pagkakapatong ko sa hita ni Renj at inayos ang sarili ko para makapunta na sa meeting. Mapang-akit ko muna syang binulungan na ituloy nalang namin mamaya at umayos na ng tayo.
"May sindikato nanaman tayong napatumba." masayang pambungad ni boss pagkapasok namin sa kwarto kung saan gaganapin ang meeting.
"Kayo talaga ang pinakamagaling na team sa agency na ito, hindi nyo ko binibigo." nakangising sambit ni boss.
"At dahil dyan ay ipapagday-off ko muna kayo ng isang araw bilang reward sa pagiging magaling nyo sa trabaho." hay salamat makakapagpahinga rin sa wakas yehey!
Parang nabuhayan din ang mga kasamahan ko sa narinig dahil kahit gaano pa namin kamahal ang trabaho namin ay kelangan din naman ng pahinga. 'Everybody needs rest' ika nga nila.
"Alright makakaalis na kayo, tapos na ang meeting." saad ni boss kaya naman tumayo na agad ako at naunang lumisan sa meeting room.
Pumunta muna ako sa kwarto ko dito sa malaking mansyon na pag-aari ni boss kung saan nakatambay kami lagi ng mga kasamahan ko. Inayos ko muna ang mga gamit ko para naman makauwi muna sa condo ko kahit bukas lang, dahil halos dito na kami nakatira sa bahay ni boss na syang nagsisilbi naming headquarters.
Hindi mo mahahalata na bahay ito ng leader ng boss ng isang organisasyon ng mga secret agent dahil para lamang normal na pangmayaman ang disenyo ng bahay. Hindi pa natutuklasan ng mga kalaban namin ang lugar na 'to dahil nakalocate ito sa tagong lugar.
Pagkalabas ko sa kwarto dala ang bag pack ko na may lamang mga gamit ay naghihintay na sakin si Renj.
"Tara hatid na kita." alok nya sakin.
At syempre aarti pa ba 'ko?
"Sige." sagot ko sakanya. Kinuha nya sakin ang dala kong bag, sya na ang nagdala nito at nauna ng lumabas ng mansyon sakin. Sanay nako sa pagiging gentleman nya dahil antagal ko na rin syang katrabaho. Hindi ko naman nilalagyan ng malisya ang pagtrato nya saken ng maayos kase baka talagang ganon lang sya.
Nang makarating na kami sa tapat ng sasakyan nya ay pinagbuksan nya pa 'ko ng pinto at sinenyasan na pumasok na.
Pumasok na'ko at umikot na rin sya para makapasok sa driver's seat. Pagpasok nya ay nilagay nya sa backseat ang bag ko at inayos ang seatbelt ko. Pero bakit napakagentleman nya naman ata ngayon at sya na rin ang umayos ng seatbelt ko? Ano kayang meron hmm.
Tahimik lang kami habang papunta sa condo ko kaya naisipan kong magpatugtog muna dahil sa sobrang awkward ng katahimikan. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng pantalon ko at kinonnect sa sasakyan nya.
Pinlay ko ang kantang 'Together' ni Ne-yo na syang paborito kong pakinggan at sinabayan ng pagkanta. Tahimik lamang akong pinakikinggan ni Renj, pero paminsan minsan ay naririnig ko syang tumitikhim na parang pinipigilan ang pagtawa. Nung natapos na ang tugtog ay bigla akong nagutom kaya sinabihan ko si Renj na dumaan muna kami sa drive thru para makapag-order ng makakain at pumayag naman sya.
Nasa tapat na kami ng Jollibee at nagdire-diretso sya papunta sa drive thru area pero madami pang nakapilang sasakyan kaya kailangan pang mag-hintay ng konti.
Habang nakapila kami ay iniisip ko na kung anong oorderin ko.
At nung kami na ay saktong nakaisip nako ng gusto kong kainin.
"Ano pong order nyo maam, sir?" tanong ng crew nila.
"Hamburger with cheese po, large fries, spaghetti, tsaka coke." sabi ko at kumuha ng pera sa wallet ko para makapagbayad pero naunahan na pala ako ni Renj. Wow! nanlilibri na rin sya it's a miracle talaga, ano bang nakain ng taong 'to?
"Hoy hindi ka mag-oorder?" tanong ko sakanya.
"Hindi pa ko gutom." maikling tugon nya.
Umandar na ang sasakyan at huminto kami ulit para kunin ang order ko.
Inabot ng crew ang paperbag na may laman ng inorder ko at inabot naman sakin iyon ni Renj.
Habang nagmamaneho sya pauwi sa condo ko ay kumakain naman ako, hays ewan ko ba anong ginawa ko bat nagutom ako ng ganito.
Saktong pagtigil ng sasakyan ay kakatapos ko lang din sa kinakain ko. Kinakalas ko na ang seatbelt nang bigla akong halikan ni Renj pero sandali lang naman. Just a smack.
"Salamat sa paghatid, ingat sa pagmamaneho bye." sabi ko sakanya at binigyan sya ng matamis na ngiti at bumaba na sa sasakyan nya. May sasakyan din naman ako pero coding ako ngayon kaya ayos na din na naisipan nya 'kong ihatid.
Pumasok na 'ko sa loob ng building at nag-elevator papuntang 7th floor kung nasaan ang unit ko. Nakakapagod ang araw na 'to kahit wala naman akong masyadong ginawa. Nang bumukas ang elevator ay naglakad nako papunta sa tapat ng pinto ng unit ko at inenter ang passcode na birthday ko, madaling mahulaan ng iba lalo na kung alam ang birthday ko. Kung sakali man na may makapasok na masasamang loob so what? Kaya ko naman silang labanan duh! Ako pa ba!
Ako lang naman si Valerie Everett Adair (Vea for short) isa sa pinakamagaling na agent ng De Vour—isang sikretong ahensya. Halos kaya kong gawin lahat ng gawain ng mga agent na katulad ko. Magaling ako sa mga baril at patalim, kaya ko ring mang-hack ng mga devices kahit gano pa yan kahirap, magdeactivate ng bomba, mag-martial arts, mangseduce ng mga kalaban, at mabilis ang mga kilos at galaw ko. Kaya isa ako sa mga pinakamagaling na agent ng agency namin. Actually lahat kami sa team magagaling kaya samin lagi pinapagawa ang mga mahihirap na misyon. Pero magagaling lahat ng agents ng De Vour, syempre hindi matatawag na agents kung walang angking galing duh.
Pumasok na 'ko sa loob ng condo unit at nilapag ang bag ko sa sofa tsaka dumiretso sa kwarto para makapagshower naman muna bago matulog. I feel so dirty na kasi like duh.
Pagkatapos kong maglinis ng katawan ay nagskin care muna 'ko. Syempre kahit naman secret agent ako at nakikipagpatayan ay iniingatan ko parin ang skin ko noh, best asset ko kaya to.
Sinigurado ko munang natuyo ng mabuti ang buhok ko bago humiga sa kama, dahil 'pag natulog ka ng basa ang buhok isa lang ang kalalabasan, boom paggising mo sasakit ulo mo.
Gigising nalang ulit ako mamayang gabi para magmovie marathon sa netflix, hapon pa naman pero sadyang inaantok lang talaga ako.
Dala na rin ng pagod ay pagkatapos ng ilang minutong pagkakapikit ng mata ko ay nakatulog na agad ako.
BINABASA MO ANG
Atleast, Love Me (De Vour Series #1)
RandomValerie Everett Adair is a girl who's so committed in her job, well she's not just an ordinary girl. She's a very talented girl and also excellent with guns and self defense because of her job. Vea is very different compared to other girls. But she...