Badass side
-Nang umatake na ang mga kalaban ay nakarinig ako ng dalawang putok ng baril na galing kay Jiro. Tinamaan nya yung dalawang kalaban sa mga binti lang nila dahil hindi naman talaga kami pumapatay kung hindi kinakailangan.
Sumugod sakin ang isa kaya naman agad akong kumuha ng pwersa at pinatamaan ang sikmura nya ng isang malakas na sipa. Kaya napahiga sya sa lupa at ininda ang sakit ng sipa ko.
May dalawa pang magkasunod na sumugod saken pero nakaiwas ako agad dahil mabilis akong kumilos kaya natamaan nila ang isa't isa.
Pwe buti nga! Don't mess with me bastards.
Agad din naming naubos lahat ng kalaban kahit na dalawa lang kami. Mahihina naman kasi yung mga mokong. Mga nasa sampu ang pinadala nila pero puro mga wala namang panama samin, ni hindi man lang kami pinawisan ni Jiro.
"Sino naman kayang nagpadala sa mga 'yon?" iritadong tanong ni Jiro. Nasira ang date namin dahil sa mga tarantadong 'yon.
"Hindi ko alam." I answered then shrugged. Hindi namin alam kung sino ang kalaban namin. Ngayon lang sila nagpadala ng ganito kadaming tauhan pero wala pa ring kwenta dahil hindi man lang kami napano.
"Kahit gano pa karami yung ipadala nila hindi pa din naman tayo matitinag. Nagsasayang lang sila ng tauhan tsk." he said then tsked.
"Oo nga." pagsang-ayon ko.
"Nasaktan ka ba?" nag-aalalang tanong nya kahit alam nya namang malakas ako at walang wala sakin yung mga kalaban.
"Hindi ok lang ako. Tara umuwi na tayo tutal gabi na rin tsaka pagod na 'ko." sabi ko at nauna ng maglakad sakanya. Nagulat ako nang lumutang ang mga paa ko sa ere at buhat-buhat nya na 'ko agad sa mga bisig nya.
"Hoy okay lang ibaba mo na 'ko." sabi ko kahit gusto ko namang buhatin nya ko.
"Sabi mo pagod ka na diba." yun lang ang sagot nya. Ang gentleman talaga ng lalaking 'to kahit kelan.
"Ikaw di ka pa pagod?" I asked as I encircled my arms on his neck.
"Medyo pero kasama kita eh kaya nawawala yung pagod ko." sus bumanat pa ang loko. Inirapan ko nalang sya sa kakornihan nya.
Binaba nya na 'ko dahil nasa harap na kami ng sasakyan at pinagbuksan ng pinto. Papasok na sana ako sa loob nang may maramdaman nanaman akong presensya ng kalaban. Tangina hindi pa pala sila ubos! Ilan ba yung pinadala nilang tauhan hays.
At nung tignan ko si Jiro ay may tama sya ng baril sa may braso nya. Shitt! Tinamaan sya.
Pinagbabaril nya na yung mga kalaban at pagtingin ko ay nakahandusay na sila at namimilipit sa sakit dala ng tama ng bala.
Sila ba namang matamaan ng Ruger SR40c ewan ko nalang. Ang sakit siguro non. Maliit lang yung baril ni Jiro pero pang malakasan 'yon.
Agad na kaming pumasok sa sasakyan nang mapatumba na ang mga kalaban.
Pinaharurot nya agad palayo dahil baka may mga back-up pa yung mga mokong na 'yon at tamaan pa kami, hindi pa naman bulletproof 'tong dala naming sasakyan dahil hindi namin alam na may makakalaban pala kami ngayon.
Habang mabilis ang takbo ng sasakyan ay naghahalungkat na ako ng first aid kit dahil tinamaan ang kasama ko. Lagi din kasi kaming may ganon sa mga sasakyan namin kung sakali man na mapuruhan. Hindi naman pwedeng dalhin sa ospital dahil magtataka ang mga tao. Baka pagkamalan pa kaming kriminal tapos makulong ng di oras.
Nang makalayo na kami at masigurong wala ng nakasunod na kalaban ay itinigil muna ni Jiro ang sasakyan.
"Malalim ba yung tama mo?" nag-aalalang tanong ko.
"Hindi daplis lang." sagot nya.
"San gamutin ko muna." marunong den kaming magbigay ng first aid at manggamot ng mga tama ng baril because we're trained. We can't be considered as agent if we don't have that skill.
"Dapat pala hindi nalang tayo nagdate. Nabaril ka pa tuloy." malungkot kong sabi. Ih kasalanan ko 'to eh, nakakakonsensya tuloy.
"Didn't you enjoy our date?" his jaw clenched, at parang may halong hinanakit ang pagkakatanong nya non.
"Of course I enjoyed it." agad kong tugon. Totoo namang nag-enjoy ako, ang saya kaya nung naging date namin.
"I can always catch a bullet just to be with you." he licked his lips to stop a smile. Ang hilig talagang magpakilig ng lalaking 'to andaming baong banat hindi nauubusan. Pero... bakit parang may hidden meaning ata yung sinabi nya??
"Tse." sabi ko nalang at pinagpatuloy ang paggamot sa tama nya. At binalot ko ng panyo ng matapos na dahil yun lang ang available at para maprevent yung pagdugo nung sugat. Medyo madugo pa naman kahit nadaplisan lang sya.
Sanay na kaming madaplisan at mabaril pero kahit may tama kami at masakit mabaril ay pinipilit pa rin naming lumaban at hindi iniinda ang sakit. Because 'you can't win a battle without getting hurt.'
"San kita ihahatid?" tanong nya.
"Kahit saan." I answered with a shrug.
Nang tumigil ang sasakyan ay sumilip ako sa bintana. Nandito na kami sa bahay nya.
"Dito ka na muna magpalipas ng gabi delikado eh." aniya sa concerned na boses, nababakas ko ang pag-aalala nya para saken base sa kanyang ekspresyon at tono ng pananalita.
"Sus gusto mo lang nyan akong makasama ulet eh." pang-aasar ko sakanya.
"Syempre gusto." aniya at tumitig sakin. "Kita." dagdag nya pa.
Naramdaman kong uminit ang pisngi ko dahil sa corny nyang banat. Pero kahit corny napapakilig pa rin ako. Hay iba talaga 'tong lalaking to.
Binuhat nya pa rin ako papasok sa loob kahit na may tama sya ng baril.
"Hoy ibaba mo nga ako baka dumugo nanaman yung tama mo." concerned kong paalala.
"Gamutin mo nalang tsaka patigilin sa pagdugo pagpasok natin. Diba napagod ka? Kaya binubuhat na kita ngayon." malambing na sabi nya at hinalikan pa ang ibabaw ng ulo ko.
Nang makapasok na kami ay ibinaba nya 'ko. Agad kong nilock ang pinto at sinarado ang mga bintana dahil baka mapasok kami habang natutulog. Nang masigurado kong wala ng pwedeng lusutan ang mga kalaban ay umakyat na muna 'ko sa taas at naligo.
Nang matapos na 'kong maligo ay bumaba ulit ako at nadatnan ko si Jiro na nakaupo sa sofa, hinihintay siguro ako.
Linapitan ko sya at kumuha ng malinis na tela para malinisan na yung sugat nya atsaka binalot ng bandage nang matapos ko ng linisan. Buti nalang hindi pumasok yung bala at daplis lang ang nakuha nyang tama.
Niligpit ko na yung mga ginamit kong panlinis sa sugat nya at pumunta na kami sa kanya kanyang kwarto para matulog.
Nang makarating na ko sa kwartong tutulugan ko ay nagpalit ako ng damit pantulog at humilata na sa kama. Hay nakakapagod ang araw na 'to pero sulit naman.
Nang maalala kong baka resbakan pala kami ng mga nakalaban namin kanina ay nangalkal ako sa drawer ng baril at swerte dahil nakakita ako. Nilagyan ko 'yon ng bala at nilagay sa ilalim ng unan ko para kapag may emergency ay agad kong makuha.
Nagdasal ako na sana ay tantanan naman kami ng mga kalaban kahit sa gabing ito lang at pagkatapos ay ipinikit ko na ang mga mata ko para matulog.
BINABASA MO ANG
Atleast, Love Me (De Vour Series #1)
RandomValerie Everett Adair is a girl who's so committed in her job, well she's not just an ordinary girl. She's a very talented girl and also excellent with guns and self defense because of her job. Vea is very different compared to other girls. But she...